"Darating pa kaya 'yon? Namumuti na ang mga mata ko. Sigurado ka bang 2pm ang usapan ninyo hindi 2am." Ani Vince matapos makalipas ang sampung minuto sa alas dos.

 "Baka na-traffic." Si Jenny.

 "Text mo kaya."

 "Sinubukan kong i-miss call pero out of coverage area."

 "Naku Jenny, mukha na tayong gago rito, nakakadalawang lapit na sa atin yung mga waiter ha."

 Sige Vince, let's give him another five minutes, kung wala pa rin siya, aalis na tayo."

 Napakurap na magkakasunod si Jenny ng makita niyang pumasok ang isang pamilyar na mukha sa restaurant. Pinagmasdan niyang mabuti at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mata ng mamukhaan ito.

 "Leo?" Bulong ni Jenny sa sarili at agad niyang tiningnan ang kulay ng damit na suot nito. Ganoon na lamang ang pasasalamat niya ng makitang itim ang jacket na suot nito, at bukod sa tatlong pulang rosas ang dala-dala ay isang paper bag.

 "Look who's here?" Nakangiting sabi ng papalapit na si Leo.

 Unti-unting yumuko si Jenny at inalis ang pagkakatingin sa lalaking nasa harap.

 "Is it okay if I join you, wala ka naman kasama eh."

 "No. At may kasama ako." ani Jenny sabay tawag kay Vince.

 Agad naming lumapit ang kaibigan.

 "Are you guys on a date?."

 "May hinihintay kami, puwede ba?"

 "Wala pa naman siya. And don't worry, aalis rin naman ako agad kapag dumating na siya."

 "Anong ibig mong sabihin, hanggang wala pa yung hinihintay ko nandiyan ka?"

 "Wala namang masama doon diba?"

 "Nang-aasar ka ba?" si Jenny.

 "Hindi kita maintindihan. For once can you be good to me? Wala naman akong ginagawa sa'yo."

 "Gano'n ba? Wala kang ginagawa sa akin. Gago ka pala talaga eh!"

 "Hindi talaga kita maintindihan. Is the restaurant still an issue here?

 "Ano pa sa akala mo? Hindi mo ba alam na mawawalan kami ng trabaho ng dahil sa walang kuwentang restaurant ninyo na 'yon."

 "Jenny, alam mo naman siguro how business' works. And besides, sa pagkaka-alam ko bayad na ako matapos kitang halikan noong isang araw."

 "What?!!" Gano'n na lang ang pagkagulat ni Jenny matapos marinig ang sinabing iyon sa bibig ni Leo.

 Ganoon din ang reaksiyon ni Vince na noon lang narinig ang pangyayaring iyon.

 "Ang kapal ng mukha mo, hindi ko gusto yung ginawa mong 'yon, bastos!" Nanggagalaiti na sa galit si Jenny.

 "Kaya hindi ka pumalag?"

 "Pumalag ako baliw!"

 "Kaya tumagal siya ng five seconds."

 "Anong five seconds, wala pang one second yon."

 "Come on, at paano mo naman nalaman, bakit binilang mo ba?"

 "Bastos ka talaga." Ani Jenny sabay tayo at lakad palabas ng restaurant. Dali-dali namang sumunod ang kaibigang si Vince. Samantalang natatawa naman si Leo habang pinagmamasdang naglalakd palayo ang dalawa.

 Bakas sa mukha ni Jenny ang pagka-irita ng makalabas sila ng restaurant. Samantalang hindi naman napigilan ni Vince ang matawa sa mga natuklasan.

 "Hinalikan ka talaga niya Jen?"

 Hindi nakakibo si Jenny sa tanong na iyon ng kaibigan.

 "Hinalikan ka nga niya."

 Pero I swear Vince, pumalag ako."

 "Oo, sabi nga ni Leo pumalag ka raw after five seconds."

 "Ang baliw na 'yon exage mag-kuwento."

 "Pero seriously, masarap ba siyang humalik?"

 "Vince, pwede bang tumigil ka na kung ayaw mong umuwi mag-isa."

 Tinakot man ay di pa rin mapigilan ni Vince ang matawa sa narinig na kuwento. Ganoon na lang ang inis ni Jenny sa kaibigan dahil sa maling interpretasyon nito sa nangyari. Gustuhin man niyang magpaliwanag, alam niyang di rin naman ito maniniwala sa kanya. At gano'n na lang rin ang galit niya kay Mr. White Guy. Kung di siguro siya inindiyan nito hindi mangyayari ang mga nangyari kanina. At nang dahil sa doon nagdesisyon siyang hindi na ito ite-text kahit kalian.

My Romantic Textmate (Message Sent)Where stories live. Discover now