Kabanata 29

21.9K 908 47
                                    

Hindi ko mapigilang maluha habang pinapanood si Zec na umiiyak sa puntod ni lola Puring. Napaluhod siya nang makita ang pangalan ni lola. Lumayo ako ng kaunti sa kanya para mabigyan siya ng oras na magluksa mag-isa. I've never seen him like this. He keeps on punching the ground and crying and asking why.

"Lola, I'm so sorry. I didn't know." Paulit-ulit na sinasabi ni Zec habang tumutulo ang luha at hinahawakan ang puntod. "If I had known I would've.. I'm sorry. Patawarin mo po ako."

He keeps on asking forgiveness from her and I can't help but to feel for him. Though I know better, Lola would never want to see him like this. Hinding-hindi si lola magtatanim ng galit para sa kahit na sino. Pinunasan ko ang luha na tumulo sa pisnge ko bago ako naglakad palapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

"Zec, tama na. Napatawad ka na ni lola." Tumingala siya sa akin. Patuloy ang pagtulo ng nga luha sa mga mata niya. He didn't try to wipe it off. He didn't try to mask the pain in his eyes away. Awang-awa ako sa itsura niya ngayon, punong puno ng pagsisi.

"I didn't know." He said in between sobs while shaking his head. "Hindi ko alam ang nangyari. I'm sorry. I'm really really sorry."

Niyakap ko siya. I saw myself in him years ago. I know how much he's hurting and I hate to see him like this. I've been there. I've felt it when lola died and I still feel it whenever I miss her. He is grieving. Ganito rin siguro ako nung nakita ako ni Kiko na umiiyak sa tabi ni lola nung umaga na nawala siya. It must've been hard for my brother.

Ganon lang kami ni Zec hanggang sa kumalma siya. Sitting beside each other, constantly wiping th tears that fall. Wala ni isang nagsasalita. Walang kumikibo. I can understand him. Alam ko na mahalaga si lola para kay Zec. He must've loved and cared for lola Puring than me. Pero ayos lang iyon, because I know how lovable my lola is.

"Si Kiko? Asan si Kiko? Is he alright?" Basag ni Zec sa katahimikan. Hinihila niya ang mga damo na nasa tabi niya. Tumango ako.

"Mm. Nasa London siya kasama ni Dad. Nag aaral siya doon."

"Ah see." Tumango-tango siya. Ilang minuto bago ulit siya nagsalita. "Is he..?"

"Mad at you?" I chuckled. Tumango siya at hinintay ang sagot ko. "Hindi ko alam. I don't even know if he knows what happened between us. He didn't ask me at hindi din naman ako nagkwento sa kanya."

"I'm sure he knows." Mahinang sabi niya. Siguro nga alam ni Kiko. Pagkatapos ng nangyari hindi na siya nagtanong sa akin ng kahit ano tungkol kay Zec. "I'm sure he's mad."

"Kilala mo naman yun si Kiko. Mabait na bata yun. Mapapatawad ka nun." Nakangiting sabi ko sa kanya pero hindi siya ngumiti sa akin pabalik.

"I don't... know. Ni hindi ko nga alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko." Tumingala siya sa langit. Siguro para pigilin ang luha niya. Napansin ko na suminghot siya. "Pwede ko bang itanong kung ano yung nangyari?"

"What exactly do you want to know?" I cocked my head to one side.

"Everything... everything that happened. I want to know." Tumango ako sa kanya at huminga ng malalim bago nagkwento.

"Nung araw na bumalik ako galing manila, pagkatapos nung... nung nangyare. Sinalubong ako ni Kiko. At ang sabj niya hindi pa daw bumabangon kaya si Kiko na ang nagluto at nag aayos ng lamesa. Dumeretso ako sa kwarto ni lola at sinubukang gisingin siya. Nagtaka ako kasi si lola yun eh. Mababaw lagi ang tulog nun. Konting ingay lang gising kaagad." I slightly chuckled.

"Pero hindi siya kumibo kaya... kaya nilapitan ko na." Ang sakit pa rin. Bakit ganon? Ilang taon na ang lumipas pero kapag naaalala ko ang nangyari nandito pa rin sa puso ko yung kirot. "Dun ko napansin na hindi na siya humihinga. Sabi ng mga kaibigan niya, sinamahan nila isang beses si lola sa doctor at nalaman na may sakit daw sa puso si lola... may butas daw kaya hindi na nagising. Si lola talaga. Di manlang nagpaalam."

I Found a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon