CHAPTER 2 - Another Brand New Day... For Us?

Start from the beginning
                                    

"Unnie" pag-gising ni Yoojung sa mahinang boses. "Unnie, gising na~" habang niyu-yugyog nito si Pinky katulad nang ginawa niya sa dalawa.

Iminulat ni Pinky ang kaniyang mga mata tsaka bumangon at umupo sa kaniyang higaan bago ito humarap kay Yoojung. "Anong oras na?" tanong niya dito sabay hikab.

Tiningnan naman ni Yoojung ang naka-sabit na wall clock ng kuwarto malapit sa pinto. "4:00 o'clock na, Unnie" sagot naman nito sa kaniya.

"Okay" - Pinky

Muli itong humiga sa kaniyang higaan, nag-talukbong ng kumot at bumalik sa pag-tulog. Nanlaki ang mga mata ni Yoojung sa ginawa ni Pinky kaya muli niya itong niyugyog at tinapik-tapik na din sa pisngi para magising. Kagaya nina Doyeon at Chaeyeon... bigo din siya na magising ito. Sunod naman na ginising ni Yoojung sina Yeunjung, Sohye, Mina at Somi (na padapang nahulog pa sa kaniyang kama at kakamot-kamot nang kaniyang ulo habang pagapang na umaakyat pabalik sa kaniyang higaan para bumalik ulit sa pagtulog). Pero bigo pa rin si Yoojung na magising ang mga ito. Ganoon din ang ginawa niya sa ikatlong kuwarto na nasa dulo ng pasilyo at katulad nang kuwarto nila - ang itsura, ayos, laki at kulay nito. At sa lahat ng kuwarto na nasa second floor... ito ang pinaka-malinis at pinaka-maayos sa lahat kung saan inuukupa ito nang tatlong Maria's... este nang tatlo sa pinaka-matanda o Unnie nilang lahat na sina Sejeong, Chungha at Nayoung.

Sa sampung tao na ginising ni Yoojung wala man lang kahit isa siyang nagising. "Aiiiiissshh!" sa sobrang inis niya sa mga kasama nag-ma-martsang lumakad siya papunta sa may pintuan at padabog na sinirado ito. "Nakaka-inis!" pag-mamaktol niya habang bumababa ng hagdan. "Ayaw ninyo gumising ah" salita niya habang bumababa ng hagdanan. Napahinto siya sa pag-hakbang pababa dahil sa ideang pumasok sa kaniyang isipan. And her face plasttered with an evil smile.

♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂♂

Peach Residence...

Hihikab-hikab na bumangon si Jihoon nang kaniyang higaan sa upper part ng isa sa dalawang bunk bed at bumaba para lumabas nang kanilang pang-limahang kuwarto. Kung saan kasama niya dito sina Minhyun, Jaehwan, Woojin at Kualin. Agad siyang bumaba ng hagdan - nag-tungo sa sala at na-upo sa sofa. Peach Residence is an all male dormitory. At dahil male dormitory ito... the whole house is coated in blue. From walls, window curtains to the tiles on the floor. Pag-pasok mo sa kanilang main door makikita ang living room/area - na may tatlong leather sofa na kulay blue at glass center table. Katabi nito ang hagdanan papunta sa second floor. Katabi ng hagdan ang comfort room na blue din ang kulay ng pinto at sa gilid nito ang kanilang kitchen. Blue and grey naman ang kulay ng kusina, blue tiles sa lababo at grey cabinet sa upper part ng kitchen sink. Blue cabinet naman ang nasa ilalim nito. Malapit sa grey refrigerator ang isang grey marble island na kanilang kapehan - na may tatlong grey stool chairs. In the middle of their living room and kitchen area is their dinning area. In a long rectangular grey glass table has an eleven blue chairs. Malapit sa dining area ang kanilang veranda na kulay blue din ang pinto.

Napansin ni Jihoon ang naka-sabit na wall clock sa pader. "Alas-kuwatro palang pala" sabi niya. "Total maaga pa naman" dagdag pa nito. Tumayo siya sa pagkaka-upo at nilapitan ang isang pader kung saan nakasabit ang kani-kanilang mga nerf gun. Kinuha niya ang kaniyang nerf gun at muling bumalik sa sala para umupo at doon inayos ang kaniyang laruan. Nang makuntento na siya sa pag-kalikot at pag-butingting sa kaniyang nerf gun. Nagpalinga-linga siya sa paligid... at nang makita ang hinahanap tumayo siya at pumunta sa may kusina. Kinuha niya mula sa ibabaw ng refrigerator ang dalawang maliit na plastic bottle na pinaglalagyan ng asin at paminta. Tsaka muling bumalik sa sala at na-upo sa sofa. Ipinatong niya sa may center table ang dalawang bagay na nakuha niya mula sa ibabaw ng refrigerator. Matapos mai-set up ang lahat... itinaas ni Jihoon ang hawak na nerf gun at ipinosisyon ito sa harap ng kaniyang mukha. Ipinikit pa nito ang kanang mata para asintahin ang dalawang bagay na nasa ibabaw ng center table. Nang sa tingin niya matatamaan niya ito... kinalabit na niya ang trigger ng kaniyang nerf gun. Then... "Bulls eye!" saad nito ng matamaan niya ang kaniyang target.

Colorful Heart Strings~ ♥Where stories live. Discover now