(OneShot) "Ang Panget Mo!"

Start from the beginning
                                    


Pero ng makita nya ang napakaganda kong pagmumukha, halos mamatay na ako sa pagkabigla sa sunod niyang sinabi.

Gusto kong lamunin na ako ng lupa at ipadala kay satan.

"Ang panget mo !" Kulang na lang ay ipagsigawan na nya ang impormasyong ito.


Pak-shet gusto kong manuntok. Lahat yata ng pag de-daydream ko sa taong ito ay pinagsisisihan ko na. Sarap nyang iuntog sa samento.

Kapal ng mukha. Ang sama ng ugali. Ipamukha ba naman sakin ng sobra na panget ako, alam ko naman eh, pero bakit kelangang ipamukha pa talaga? Nakakainis!

Nag-walk out na lang ako pag katapos non.

* E N D  O F  F L A S H B A C K *

 Pero ng mga sumunod na araw, nag tataka na ako at lagi na nya akong inaasar. Hanggang ngayong 4th year high school. Mabuti na lang at March nangyari iyon, kung hindi, impyerno na talaga ang kahahantungan ko.

 "Hoy, Dina Stephanie Ortega, lumayas ka na dyan sa kwarto at lalamon na." Sabado ngayon kaya't heto na naman ang kapatid ko para mambulabog.

" Bahala ka dyan kapag namatay ka ng maaga sa gutom pababayaan kitang gapangan ng ahas" sigaw ni ate Diane nagmulamula sa kusina at nagpapaka-OA na naman.

"Yeah Boy!" yun na lang na sabi ko at naglakad na ko papuntang kusina na parang zombie.


Tinatawag nila ako sa pangalang Stephanie at minsan Steph, kaya naman parang impyerno ang buhay ko ng may tumatawag na sa akin ngayong 'PANGET'.

Marami akong pimples sa noo at pisngi may malilit din na pimples sa baba ko tanging ilong lang ang wala. May dry skin din ako ang tamad ko kasing mag lotion, oily ang face ko katamad din mag polbo at mag hilamos ng hilamos.

Hanggang kilikili ko ang buhok ko at maganit ito, mahirap suklayin, ang hirap tablan ng shampoo lang eh, tapos nakakatamad bumili ng conditioner sa labas.

Ang height ko 5'2, weight? wag nyo ng alamin, mahili pa kayo dyan. Malaki pwet ko no, kaya sexy ako, behlat kayo.

Hindi rin naman ako maitim pero di rin maputi, yung tamang kulay lang. Hindi ako matalinong matalino pero keri naman, normal lang ang buhay namin, pero hindi kasing normal ng pag mumukha ko, hindi kami mahirap hindi rin mayaman, at nag kakautang lang din pagminsan katulad ng iba.

 Muli, ako si Dina Stephanie Ortega, madaling tandaan pero mahirap kalimutan. Psh, sino bang hindi, eh napaka ganda ko, I mean napakapanget ko. Bish Please, I'm Fabulous -_-

Monday...

Lunch..


"Panget, punta ka mamaya after class sa likod ng campus may sasabihin ako" sulpot ng damon-nyo kong seatmate sabay alis lalamon na ata sa canteen

Pero muli syang tumigil at tumingin sakin..

"Kapag di ka pumunta, patay ka sakin !" pahabol nito.

Wow, kapal ng face, mala Diary Ng Panget lang ang peg, sinabi rin yun ni Cross kay Eya, meant to be? panget din ako eh, tsk tsk. Wag assuming Steph, ang panget mo, ang kwento ng DNP ay malabong mangyari sa isang katulad ko, at baka na kakalimutan mo steph galit ka sa kanya, ang panget mo talagang maganda ka ! -.-

After Class...

Katulad ng sinabi ng demonyo,nagpunta na ko sa likod ng campus, hindi ko nga alam kung bakit ako pumunta, dinala na lang ako nitong paa kong mabango na pumunta sa campus.

Ang Panget Mo! (One Shot)Where stories live. Discover now