(OneShot) "Ang Panget Mo!"

381 8 3
                                    

"Oy, Panget !" sigaw ng classmate at seatmate ko.

 Pinakagwapa, charismatic, matalino, matangkad, maputi, mayaman, may kulay gintong buhok, dilaw na mata,heartthrob at crush na crush kong si Mr.Sherk... Joke, si Damon-nyo yan isang demonyo. Dapat naging demonyo na lang hindi Damon eh, bwisit!

And yeah , tama. Crush na crush ko sya...


DATI !


Nung sumigaw sya at sa harap pa ng maraming tao nya ginawa yun na araw-araw kong nararanasan, umulan-umaraw ang syang nightmare ko, hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papuntang classroom.


Napabuntong hininga na lang ako. Ay nako, antipatikong bwiset sya. Sarap tanggalin lahat ng buhok sa ilong nya, sana sumabog uhog nya sa harap ng maraming tao, yung green na green ang kulay ng kulangot nya, naninigurado akong pagtatawanan sya ng napakaraming tao, Ampupu nya mukha syang pupu. Dun sa hindi nakakaalam ng salitang yon pakamatay na kayo.. wihihi, joke lang naman, sa ganda kong to, may magpapakamatay? Edi wala ng nasuka sa napakaganda kong pag mumukha.

"Ang panget mo talaga" habol sakin ni Damon-nyo na ngayo'y sinasabayan ako sa paglalakad


Naman Oh! hinawakan nya ang braso ko para matigil ako sa paglalakad..

"Ay, shit! Kadiri! Ang dry talaga ng balat mo. Wag kang mag-alala, bukas na bukas bibigyan kita ng tatlong bote ng lotion, para makapag lotion ka at lumambot yang dry skin mo. Para pumuti ka narin, ang panget mo pa. Daming pimples.. oh... yan oh" turo pa nya sa mga pimples ko

"Ano ba? tantanan mo nga ako, di mo ko kelangang bigyan ng kung ano-ano, akala mo concern, nang-aasar ka lang naman." Irap ko pa sa kanya

"At tsaka, akala mo napagkagwapo mo, hambalusin kita dyan eh !" Asar kong sabi sa kanya sabay lakad ng mabilis.

"Weh? Halos magkandarapa na nga mga tao dito. Pati lalaki nga ata nababakla na ata at gusto nakong pakasalan. Pasalamat ka nga, pinapansin kita" taas noo nya pang sambit sa akin.

"Hindi ko kelangan magpasalamat sayo dahil hindi ko naman hiniling na pansinin mo ako" diin na sabi ko.


***


Psh. Let's say na noon, gustung gusto kong mapansin nya ako, pero ni hindi ko naman magawa, at wala naman akong magagawa, hindi nga yata nya alam na nag e-exist ako eh, crush ko na si Damon De Castro noong 1st year high school pa. Love at first sight ako sa kanya nung  nag model sya para sa isang event sa school.


Eh, sino ba naman kasing hindi ma la-love at fitst sight o hindi ma-attract sa gwapo at mala-anghel nitong mukha. Ang inosenteng tingnan, ang amo-amo nya. Swak na swak kung makabighani, pero kapag may lumabas pala na salita sa bibig nga, saksakan ng sama!

* F  L A S H B A C K *

3rd year high school. March.

May laban ang school at isa sa pinakamagaling na player si Damon.

Nung nag pa-practice ang team nina Damon, muntik ng matamaan ng bola ang maganda kong pagmumukha....

"Oy, miss sorry,hindi ko sinasadya, nabitawan ko kasi yung bola bago ko ma shoot eh, pasensya na" pagdadahilan nito.


Halos maglaho ang iba pang tao na nakapaligid samin. Para na akong nasa kalangitan at kinuha na ako ng Amang makapangyarihan sa lahat dahil sa kinausap na ako ng aking Mr.'D'.

Ang Panget Mo! (One Shot)Where stories live. Discover now