CHAPTER #29: CELEBRATION

Start from the beginning
                                    

"Lahat tayo first time mag new year ng walang handa" sabi ni Jc.

"Pero maiba tayo" sabi ni Tams, "Yung plan mo Ashley, sabi mo kunyare lang pero bat tinotoo mo?" tanong niya,

"Eh, kasi pag kunyare lang yun, mahahalata nya agad" nakangiting sabi ni Ash.

"Pasaway ka talaga" sabi ni Ken na simula nung nagising si Ash di na nakapag salita, akala ko nga nakain na nya yung dila nya, eh, good for him, hindi pa pala.

"Hayaan nyo na yun, ang importante magkakasama na tayo" sabi nya na lang.

------------------

January 2, 2015

"Ang sarap mabuhay ng ganito, chill chill lang walang iniisip na kung ano ano" sabi ni kuya Art,

"Oo nga po, eh, malayo sa mga problema" pag sang ayon ni Jc.

"Alam ko na, bakit di na lang tayo mag celebrate" sabi ni Ash, ano namang icecelebrate?

"About what?" tanong ni,Tams.

"Late new year celebration, kasi wala tayong handa nung new year, eh" paliwanag nya,

"SIGE" sabi naming lahat,

Si Ken, Ash, Tams and Jc ang nasa kitchen, kami ni Ailla ang nagdedecorate ng sala, tapos si kuya Art at kuya Gelo ang bumili ng lechon.

Nung dinner na, saka kami nag party party,

"Party like it's the end of the world" sigaw ni Ash na nagtatatalon habang tumutogtog ang 2012 na kanta.

Si Tams naman humehead bang pa.

"Go guys pakasaya na tayo dahil next week back to school na ulit" sigaw ko.

Habang kumakain kami dami naming napag kwentuhan, lalo na yung mga kalokohan naming anim.

We really enjoy the moment kasi nagyon lang namin to nagawa.

Hanggang sa sobrang pagod namin, sa sofa na kami nakatulog lahat.

>>AILLA'S POV<<

Pagkagising ko  bumulaga sakin yung kalat na nasa harap ko at mga magugulong mukha namin.

Grabe sumakit yung leeg ko, pano nakatulog ako habang nakaupo, while yong boyfriend ko nakahiga sa lap ko at sarap na sarap sa pagtulog, tapos si kuya Gelo naka dagan sa paanan ni Mart.

Si kuya Art naman nakahiga na sa sahig kasama si Jc at yung girlfriend naman ni Jc nakaupo ding nakatulog dun sa single sofa, sila Ken at Ash ang pina cute tignan.

Si Ash kasi naka cling yung braso sa braso ni Ken, tapos naka patong yung ulo nya sa balikat ni Ken at yung ulo naman ni Ken nakapatong sa ulo ni Ash..

Dahil ako ang unang nagising ako malamang ang mag hahanda ng almusal namin.

Tahimik ang pagkain namin nang biglang magsalita si Ash.

"May naalala nga pala ko" umpisa nya habang ngumunguya, pero pagkaubos nya sa nginunguya nya saka sya ulit nagpatuloy.

"Alam ko na kung nasan ang papa ni tito Ivan" sabi nya, lahat kami napatingin, si Ken naman natulala sa narinig.

"Sino si tito Ivan?" tanong ni kuya Art.

"Sya po yung papa ni Ken" sagot ni Jc.

"Bakit Ash nawawala ba ang papa ng papa ni Ken?" tanong ni kuya Gelo.

"Opo, pero hindi po pala, iniwan po kasi si tito sa ampunan ng papa nya nung bata pa sya, eh" sagot ni Mart.

"So hindi pala kayo born rich Ken?" tanong ni kuya Art.

The Cat GirlsWhere stories live. Discover now