Babaeng Nakaputi

1.2K 29 2
                                    

Nakaputing Babae

One Shot Horror

- Originally Written by Louie Barcelon

nakatayo ako nun sa puno, naghahantay ng jeep para makauwi na ako.

Siguro mga 15 minuto rin akong nagantay bago ako makasakay sa jeep. "sasakay po ?".tanong sa akin ng drayber. "ah, opo. .".sagot ko. Nung paakyat na ako sa jeep, nakita ko ang matandang babae, nakaputi siya at tahimik na nakaupo sa jeep. Tinuloy ko ang aking pagakyat sa jeep, at umupo.

Habang tinititigan ko siya, parang nanayo ang mga balahibo ko, kasabay ng malamig na ihip ng hangin. Nakita kong tahimik lang talaga siya, hindi umiimik. Mahaba ang buhok niya, tapus medyo may katandaan na rin siya.

Maya maya pa ay unti unti siyang lumingon sa akin. Nagulat ako kaya ibinale ko ang tingin ko sa labas ng jeep. Habang umaandar ang sinasakyan kong jeep, ako naman nakatingin sa labas. Nakita ko yung matandang babae na nakatayo sa may isang bakanteng lote, na nadaanan nung jeep na sinasakyan ko. Nagulat ako, agad akong lumingon sa likod ko, nakita kong wala na yung matandang babae. Takut na takot ako nung mga oras na iyon, kaya ang ginawa ko, tinanong ko yung drayber ng jeep. "manong nakita nyo po ba yung matandang babae na nakasakay dito, kanikanina lang ?".tanong ko sa drayber.

"ha ? Wala naman eh. .ikaw lang naman ang pasahero ko eh . .".sagot niya sa akin. Bumilis ang tibok nung aking puso, dahil ako lang pala ang nakakita sa nakaputing matandang babae. Kinulabutan ako. "ah . .".anas ko. Muli akong tumingin sa labas, ngunit wala na siya doon. Lumingon ako sa aking likod. Muli ko ulit siyang nakita. Bumilis ulit ang tibok ng pusok, nakatitigan ko siya. Nginitian niya ako, saka unti unti siyang nawala. Nagising ako mula sa aking pagkakatulala, nung tumunog ang aking cellphone. Agad ko itong kinapa, sa loob ng aking bag. Sinagot ko ito, narinig ko si papa, umiiyak siya. "pa ? Hello ?".tanong ko kay papa. "a-anak. . Asan ka na ngayun ?".tanung niya rin sa akin. "andito po sa jeep ! Bakit ka po umiiyak ?". 

"k-kasi. . P-patay na si mama mo. .".

Natulala ako, at nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Nung mga oras na iyon, saka ko lang naisip na. . .si mama pala yung nakasakay ko. . Siya pala yung nakaputing matandang babae. . Sana kinausap ko man lang siya. . Kung alam ko lang sana. Nabitawan ko ang aking cellphone, at umiyak.

Wakas....

ONE SHOT HORROR/MYSTERY/SCARY STORIES (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon