Birthday Party by MYU

1K 20 0
                                    

No part of this story may be produced without the author's consent.


[HALLOWEEN EVENT 2014]


BIRTHDAY PARTY (A VERY SHORT STORY)


Hindi talaga ako naniniwala sa multo. Hindi pa kasi ako nakakakita pero ilang beses na akong nakaramdam. Mas okay na 'yun para sa akin. 


011909


"Clarisse, sama ka ha?" Tawag pansin sa akin ni Gale habang papunta kami sa classroom pagkatapos ng PE namin.

"Saan?"

"Sa bahay sa sabado. Birthday kasi ni Jane."

"Hmmm, sige titingnan ko."

"Sure thing. Text mo na lang ako kung pupunta ka. Bye." Paalam niya at nauna na sa pagpunta sa classroom. Kasabay ng pagtakbo niya ang pagbigat naman ng balikat ko.

"Farrah! Ang bigat mo kaya!" Reklamo ko. Tumawa lang ang pasaway kong bestfriend tsaka bumaba mula sa likod ko.

"Sama ka na. Wala akong maaasar doon kung hindi ka sasama." Bigla niyang sabi.

"Sabi ko na nga ba eh. Ikaw ang dahilan kung bakit ininvite nila ako, tama?" Kastigo ko sa kanya. Nag-peace sign lang siya at napakamot na lang ako sa batok.

"Farrah naman. Alam mo na namang-"

"You hate parties lalo na 'yung may inuman, right?" Putol niya sa sinasabi ko.

"Alam mo naman pala eh."

"Promise! Hindi kita pipiliting uminom. Sinabi ko na rin sa kanila. Tsaka gusto ka rin nilang maging kaibigan. Sama ka na, please?" Pagmamakaawa niya with matching puppy eyes pa. And I can't say no to that kaya...


012409


"Ayaw mo talagang uminom, Clarisse?" Alok ni Jane.

"Yup. Okay na ako dito sa chizzer."

"Sige. Then, take a good care of us, later, okay?" Sabi naman niya. Ngumiti na lang ako.


Nakailang bote na ba sila ng GSM? Sa pagka-bored ko ay binilang ko 'yung bote. Pang-pito na pala 'yung iniinom nila. Pinanood ko sila habang nagsasalit-salitan sa paggamit ng shoting glass. Medyo may tama na ang iba pero paulit-ulit kong binibilinan si Farrah na magdahan-dahan kaya siguro sa labing dalawang taong umiinom ay siya lang ang wala pang masyadong tama. Isa din iyon sa dahilan kung bakit pinilit ako ni Farrah na sumama, para may kumontrol sa kaniya. Isa pa, may limang lalaki din kaming kasama dito sa inuman. Ang dalawa ay boyfriend ni Jane at Gale at ang tatlo ay kaibigan nila. Ayaw ni Farrah na mawalan ng huwisyo ng wala ako. Takot din eh.


Habang nag-iinuman sila ay nagkukwentuhan naman sila. Out of season nga ang topic dahil puro katatakutan. Tungkol pa sa bahay na nasa likuran namin ang pinagkukwentuhan nila. Gusto ko sanang ipaalala na birthday party iyon at hindi halloween party pero napabuntong-hininga na lang ako. 


Nang maubos ang inumin nila ay nagpaalam ang isang kaibigan ni Jane na magbabanyo. Ilang segundo lang itong pumasok ng bahay ay sumunod naman ang isa pa nilang kaibigang lalaki na kanina ko pa napapansing nakikipag-flirt doon sa kapapasok lang. Ganoon din ang paalam ni Jane at ng boyfriend nito at ilang minuto na nga ang dumaan ay wala ng bumalik sa kanila. Ayaw ko mang mag-isip ng masama pero mukhang alam ko na ang nangyayari kaya kinalabit ko na si Farrah. 'yun lang parang ang weird lang kasi na aalis kami ng hindi nagpapaalam sa celebrant. Maya-maya ay napalingon ako kay Farrah ng kalabitin niya ako.

ONE SHOT HORROR/MYSTERY/SCARY STORIES (©LBOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon