"No it's okay! Ingat ka din bye girl!"
* * *
"Bakit kasi mama nagtitiis ka parin diyan sa lalaking yan? Hindi niyo ba nakikita? Pera lang ang habol niya sa'yo! At ngayong naubos na ang pera mo ginaganito ka nalang niya! At ang masakit pa don, may bago na siyang kabit!" Naaasar nasermon ko kay mama. Puro latay na naman siya.
Tapos na ang trabaho ko at naisipan kong daanan si mama. At as usual, puro na naman siya pasa. Kakabugbog sa kanya ng batugan niyang kinakasama.
Minsan gusto kong sabunutan si mama sa kalagayan niya ngayon. Pero anong magagawa ko? Ayaw naman niyang iwan yung lalaking iyon.
"Hayaan mo na. Magbabago rin naman yun." Hinang-hinang sabi ni mama.
"Naku naman mama ilang daang beses niyo na bang sinabi yan? Kelan ba siya nagbago? Mama naman. Hindi ka ba naaawa sa sarili niyo? Haaay!" Sabi ko habang ginagamot ang sugat niya sa kung saan saan.
"Ma sumama nalang po kayo sa akin. Kaya naman natin eh. May trabaho nako. We can already make a living!"
Nakita ko ang nangilid niyang luha. "Anak, wag mo na akong alalahanin. Kasalanan ko naman ito eh." Lumapit si mama at umupo sa silya doon sa may lamesa kaya naupo narin ako. Lumandas din ang luha ko. Nangibabaw ang awa para saking ina.
"Hindi mama, kung hindi ka ipinagpalit ni papa sa iba hindi ka maghahanap ng kahalili sa buhay mo." Hinawakan ko ang kamay ni mama na nakapatong sa lamesa. Ayokong sanang umiyak pero sa tuwing nakikita ko ang kalagayan ni mama sa poder ng sadista at batugan niyang kinakasama ay hindi ko maiwasang ungkatin ang nakaraan.
"Nadine anak, hayaan mo na ako. Okay lang naman ako. Sarili mo ang intindihin mo. Okay ka lang ba sa trabaho mo? Kumakain ka ba sa tamang oras?" Tuloy tuloy ang ayos ng luha ko. "Huwag kang magpapagutom ah. Okay lang si mama dito. Don't worry about me, Nadine." Malungkot na ngumiti si mama. Wala nalang akong nagawa kundi ang yakapin ng mahigpit ang aking ina.
***
"Oh pano? Umuwi ka na Nadine at baka maabutan ka pa ni Manuel."
"Lasing na naman yun panigurado. At iuuwi naman niya dito yung bagong babae niya hindi ba?" Nakita kong yumuko si mama at may tumulong luha sa mata niya.
"Mama, sinabi ko naman na sakin ka nalang--"
"Anak sige umuwi ka na okay lang ako, gabi na may pasok ka pa bukas."
Napabuntong hininga nalang ako at wala nang nagawa. "Uuwi na po ako ma."
Kahit ayaw ko pang umalis, umalis nalang ako kasi baka nga abutan pa ako doon ng kabit ni mama at malagot na naman siya. Bago ako umalis nilingon ko si mama at isa lang naisip ko..
Naiinis ako sa sitwasyon ni mama. At kailan man ay ayokong matulad sa kalagayan niya..
* * *
"Are you with someone?" Kahit nahihilo na ako sa dami kong nainom, pilit ko paring tiningnan kung sino yung nagsalita sa tabi ko. Hindi ko naman maaninag kasi madilim at blurr na yung paningin ko, siguro sa dami na talaga ng nainom ko.
"Nope."
"Good. By the way Im Neil. How about you miss beautiful?" Sabi niya.
"I'm Nadine."
"Can we dance?"
"Sure." Sabi ko nalang. Bigla naman niya akong hinila at dahil nahihilo na nga akong masyado, hindi ko alam kung saang banda kami napunta basta ang alam ko nasa bar pa kami kasi may tugtog parin.
"Hey let's dance. " Narinig kong may bumulong sakin. Kaya wala sa loob na sumayaw ako.
Basta todo bigay nalang ako. Wala akong pakialam sa mundo. Narinig ko naman silang naghiyawan ng gumiling na ako.
Bigla namang may lumapit sakin at niyakap ako ewan ko ba pero feeling ko hinahalikan niya ako sa leeg ko kaya na tulak ko siya.
"Hey what's wrong?" Lumapit siya ulit at hinalikan niya ulit ako pero this time sa labi na kaya tinulak ko siya at sinampal.
"Ang arte mo pang babae ka ha?"
Napapikit na ako kasi alam kong sasaktan niya ako or else. Pero walang nangyari. Unti unti kong minulat ang umiikot kong mga mata para tingnan kung ano bang nangyari.
Nakita kong akma na akong sasapakin nung Neil ba yun? Pero pinigilan nung isang lalaking hindi ko kilala.
"Huwag ka nang makialam dito pare! Girlfriend ko yan! " Galit na sabi nung Neil at susuntukin na yung lalaki. Pero agad siyang sinuntok nung lalaking hindi ko kilala at tumba yung Neil.
At sa takot tumakbo na yung mga tao. Luluray luray na naglakad na akong pauwi. Ano ba yan? Masyado na talagang umiikot ang paningin ko.
"Hoy saan ka pupunta?" Tanong nung lalaking sumuntok kay Niel pero hindi ako sure kung siya nga yun. Ang dilim na kasi dito sa labas ng bar eh.
"Uuwi na bakit?" Sabi ko at naglakad na.
Nagulat ako ng hawakan niya ako sa braso at hilain sa kung saan. Sinakay niya ako sa isang kotse. At nagdrive na siya.
"Hoy saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.
"Sa bahay ko."
YOU ARE READING
No Strings Attached
General Fiction"I'm Pregnant. . ." Mangiyak-ngiyak na sabi ko sa kanya habang hawak ang isang pregnancy test. Ramdam ko ang pagbigat ng hininga niya sa mga sinabi ko. Napahugot ako ng hininga nang akmang aalis na siya, mabilis kong hinawakan ang braso niya. "A-an...
Chapter 1
Start from the beginning
