Fifteen

478 16 3
                                    

DISCLAIMER: This work is purely fictional.
✍🏻: TitusGrey
Copyrights 2018.
~~~
Third Person's POV

Tumigil ang mundo ni Richard sa kanyang narinig. Natauhan lamang siya ng marinig ang sunod sunod na paghikbi ni Dawn.

"K-kung ayaw mo sa batang ito. Pupunta na lang ako kay m-mama sa Amerika." sabi pa nito.

"M-magiging tatay na ko? S-sa baby natin?" utal utal na tanong ni Richard na sinagot naman ni Dawn ng tango.

"WOOOHOOOO!!!! MAGIGING DADDY NA KO NG ANAK NAMIN NG BABAENG MAHAL KOOOO!!! YESSS LORD!!! THANKYOU!!!" sigaw ni Richard at bigla pa tong napatayo na winawagayway ang kamay sa ere.

"Gomz!!! Ano ka ba?!" hitak ni Dawn sa kanya, nagpasupil naman si Richard at tinugon ng halik ang pagsuway ni Dawn sa kanya.

"Mahal na mahal kita, Rach. Mahal na mahal." sabi ni Richard ng taos sa puso niya. "Ang tagal ko tong hinintay. Sobrang tagal."

"Mahal na mahal din kita, Gomz. Sobra." sagot naman ni Dawn.

"P-pwede ko bang mahawakan?" tanong ni Richard habang nakatingin sa tiyan ni Dawn.

"Oo naman."

Lumebel naman si Richard sa tiyan ni Dawn.

"Baby, hello... Si Daddy mo ito. Kamusta ka na dyan? Anak, pasensya na ha? Hindi ko kaagad kayo naprotektahan ni mommy mo. Pero nandito na ngayon si daddy, anak. I won't let anyone hurt you at ang mommy mo." pagkausap nito sa baby na akala mo naman sasagot sa kanya.

Hinaplos haplos ni Richard ang tiyan ni Dawn. Si Dawn naman ay nakatulog na sa sobrang pagod pagtingin sa kanya ni Richard. Nagdesisyon naman si Richard na buhatin si Dawn at dalhin na sa kwarto para maging kumportable ito. Binantayan niya si Dawn at hinaplos haplos  ang buhok nito.

"Mahal ko, you're now back in my arms again. I love you so much. I will protect you and our child. I will keep both of you away from harm. I promise. Aalagaan ko kayong mabuti. Patawarin mo ako kung hindi kaagad kita naprotektahan. Na kung dahil sa akin nasira ang perpektong pamilyang binuo mo. Patawad mahal ko kung kinailangan mong maranasan ang ginawa ni Anton sa'yo. Bibigayan ko ng hustisya lahat ng sakit na dinanas mo, mahal." sabi niya kay Dawn habang pinagmamasdan niya ito.

Kinuha ni Richard ang celphone at tumawag siya sa mga koneksyon niya. He set a flight for him & Dawn to Paris. Ilalayo niya na ito mula kay Anton. Tumawag din siya sa tamang awtoridad upang isuplong ang ginawa nito kay Dawn. Dahil para kay Richard, wala ni sinuman ang may karapatang manakit sa babaeng pinakamamahal niya mula noon hanggang ngayon.

~~~

MALAYA [feat. CharDawn]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon