032 - Ang Pansitan ni Mona

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sa 'yo lang ako ngayong gabi, kung maililigtas mo ako rito." Nanginginig man, ay naibulong ko pa rin naman ito sa kanya.

Akala ko, hindi ito kakagat. Nakadagan na kasi sa akin ang unang manyak sa pila bago nito nagawang maitulak ito para kuhanin ako at maitakbo.

Alam ng mga kasamahan n'ya kung saan ako at siya nakatira, kaya napilitan kaming sumakay ng jeep patungo sa isang mall sa Mandaluyong, kaysa ang umuwi sa aming tinitirahan.

"Hindi na ako makakabalik do'n. Ewan ko na lang sa 'yo kung gusto mo pang bumalik sa iskwater area na 'yun." Naaaburidong wika nito, "hindi rin tayo pwedeng tumambay rito dahil mamaya lang magsasara na 'tong mall!"

"Mag pera ka ba?"

Dinukot nito ang wallet sa bulsa, "lilimang daan. Pero may pera pa ako sa ATM, bakit?"

Kinapa ko ang secret pocket ko sa skirt na kinalalagyan ng pinagbentahan ko buong araw. Kinuha ko ang pera at binilang ito. "Kung maihahatid mo ako sa Lola ko sa La Union, sagot ko na ang pamasahe mo kung saan mo man balak pumunta."

"A-akala ko ba...'yung ano...kapalit ng..." namula ang mukha nito kaya nakuha ko naman agad ang ibig n'yang sabihin.

Gustuhin ko mang basagin ang ipinangako ko, mas nangibabaw sa akin ang isang salita ko. Kung hindi dahil sa kanya, siguradong na-gang-rape na ako. At dahil halang ang mga kaluluwa ng sinamahan nyang gang, napaka-imposible na hindi rin nila ako papatayin at palulutangin na lang sa ilog pasig.

"Oo. Kasama 'yun." Sagot ko.

Lalong namula ito at halos hindi makatingin sa akin. "Pasensya ka na Mona. Medyo gago lang ako at rebelde sa mga magulang pero hindi ako masamang tao. Napasama lang ako sa masama dahil nakikituloy lang ako sa isa sa kanila rito sa Maynila. Pero..."

"Pero?"

"Pero malakas talaga ang tama ko sa 'yo una pa lang kitang nakita sa palengke. Sorry kung naki-manyak ako dahil nakihawak ako noon sa pwet mo. Hindi naman kasi ako pogi para mapansin mo kaya sinamantala ko na 'yun para mahawakan kita. S-sorry...sorry kasi sinasadya ko 'yun at hindi ko pinagsisihan. Kundi ba naman grabe ang offer mong reward kung maililigtas kita kanina, itataya ko ba naman ang buhay ko para ro'n?"

Natawa ako, "ano ba ang offer ko sa tingin mo?" biro ko.

"'Yung ano."

Naaaliw ako sa kanya dahil sa kabila nang hitsurang sanggano nito, malaki ang katawan, matangkad, may balbas at medyo hawig ni Rez Cortez noong kabataan nito. Tumitiklop at namumula ito sa aking harapan. Hindi naman ito pangit sa opinion ko. Mukha lang talagang maton.

"Ano nga? Sige ka, kapag hindi mo sinabi, 'di mo make-claim." Biro ko.

"Di ba sabi mo maaano kita kapag iniligtas kita?"

"Maaano nga!" Napahagikhik na ako.

"Sabi mo makaka-Lucky Me ako sa 'yo!" Nakabungisngis ito.

"Anong Lucky Me?"

"Pancit Canton."

Hindi naman talaga ako matimtimang berhen kaya nakuha ko agad ang ibig n'yang sabihin, "pero paano 'yan kung sabihin ko sa 'yo na baka inaasahan mo na wala pang naka-Lucky Me sa akin. May naka-Canton na sa akin ha? Tatlo na. Iba-iba. Akala ko kasi mahal ako eh!"

"Ok lang. Sa ganda mong 'yan hindi ko naman talaga inisip na wala pang naka-Lucky Me sa 'yo. Wish ko lang, sana ako rin. Kahit one time lang tulad ng pangako mo. Alam ko namang hindi ka papatol ng seryosohan sa patapong tulad ko."

"Ano bang pangalan mo?"

"Ferdie."

"Taga saan ka ba talaga?"

Untamed Confessions [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon