7. Ang Paglalaban

7.6K 344 7
                                    

                 Sabay sabay na naghapunan sila Joshua. Iniakyat ni Fatima ang kanyang mga niluto sa kuwarto kung saan naroon ang sanggol at doon sila sabay sabay na kumain. Lahat ay kinakabahan sa maaaring mangyari. Wala pa si Aling Osang at hindi nila alam kung napatay na ba ang aswang o hindi pa. Kung buhay pa ang aswang, maaaring sumugod ito sa bahay nila para kunin ang sanggol.

                    Mabilis na tumatakbo ang aswang papunta sa bahay ni Aling Osang. Mapapasakanya na ang sanggol, wala nang makakapigil sa kanya.  Kapag nakain niya ang sanggol, babalik ang kanyang kabataan at lao pa siyang lalakas. Ngayong nagawa na niya ang gusto niyang mangyari sa kanyang anak ay lalong wala nang makakapigil sa kanila.

Uubusin nila ang mga tao sa San Gabriel!

Mayamaya pa ay natanaw na niya ang bahay ni Aling Osang. Medyo hiwalay ito sa karamihan ng bahay kaya madali niyang talunin ang mga tao dito. Bago dumating ang mga taong tutulong, nakuha na niya ang sanggol. Lalo pa nitong binilisan ang pagtakbo.

Nagkukwentuhan sina Joshua at Angelo ng biglang matigilan sila sa narinig.

TIK!  TIK! TIK! TIK!

Napatayo sina Angelo at Joshua. Pati si Edgar at Arturo ay napatayo din. Mahigpit ang yakap ni Gellie sa anak at si Fatima ay nanginig sa takot.

Nandito na ang aswang!

TIK!  TIK! TIK! TIK!

Umiikot ang huni ng tiktik sa bahay. Palipat lipat ito ng pinanggalingan. Biglang may kung anong bumagsak sa  bubong at animo'y hinahalukay ang mga pawid na parang may gustong pumasok.

Napasigaw sina Gellie at Fatima sa takot.

" Angelo, tusukin mo! "  sigaw ni Joshua.

Inundayan ni Angelo ng buho ang pinagmumulan ng ingay. Tumagos ang kawayan sa bubong pero wala itong tinamaan.

Mayamaya ay ang saradong binatanang kawayan naman ang niyugyog na parang gusto itong wasakin.

Sumugod si Edgar sabay saksak ng itak sa siwang ng bintana. Wala itong tinamaan.

Lumipat ang ingay sa kabilang bintana. Pinakawalan ni Joshua ang palaso ng baslay. Tumagos ito sa kawayan ngunit wala itong tinamaan.

Nagpaikot ikot ang ingay sa paligid ng bahay. Minsan ay nasa bubong, minsan ay nasa dingding at minsan naman ay sa nakasarang bintana. Lalong natakot si Gellie para sa anak. Alam niyang ito ang pakay ng aswang.

Naisip ni Joshua ang sinabi ni Tandang Erning. Nililito sila ng aswang para lalo silang matakot at mataranta. Maaaring paraan ito ng aswang upang hindi sila makapag-isip ng maayos at  makuha nito ang sanggol.

Biglang inuga na naman ang bintana sa gawing kaliwa ng bahay. Parang may gustong pumasok dito. Sinugod ito ni Edgar ng itak.

" Papatayin kita, demonyo!" sabay saksak ng itak sa siwang ng bintana. Naramdaman niyang parang may tinamaan siya dahil ng huhugutin na niya ang itak ay parang may pumipigil dito.

" Angelo tinamaan ko!. Tuhugin mo ng buho!" sigaw nito kay Angelo.

Sumugod si Angelo sabay tarak ng buho sa siwang ng bintana. Tumagos ito hanggang sa labas.

Sabay sa pagsugod ni Angelo ay biglang bumukas ang bintana sa gawing kanan. Nakasungaw na ang ulo ng aswang at akmang papasok na ito. 

Napasigaw si Gellie ng makita ang aswang.

" Sa kabila,sa kabilang bintana!

Inaasahan ni Joshua ang galaw na iyon ng aswang. Hindi siya tumulong kanina kina Angelo sa pagsugod sa bintana sa gawing kaliwa dahil inaabangan niya ang bintana sa kanan. Hindi nga siya nagkamali. Dito nga papasok ang aswang. Pinakawalan niya ang palaso ng baslay.

Si Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel     (Book I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon