2. Ang Babae sa Salamin

9.9K 427 15
                                    

                                                                  CHAPTER II

            Tumatakbong pumasok sa gate ng paaralan si Angelo.. Pawis na pawis na ito at halatang malayo pa ang pinanggalingan. Dumiretso agad ito sa Main Buliding at pasilip silip sa bawat silid. Kailangan niya makita si Joshua agad. Kapag pumayag ito ay isasama niya sa probinsya nila. Ayaw niya na sila lang ng Kuya Edgar at ang asawa nito ang makakasama niya sa pag uwi. Baka mabaliw siya sa inip dun kaya kailangan niyang maisama si Joshua. Bukod kasi sa mahilig ito sa ganong lakaran, masaya din itong kasama.

" Nakita mo ba si Joshua? " tanong nito sa isang kakilala.

" Sinong Joshua?" Tanong nito. Tatlo kasi ang Joshua na kilala sa school nila. Si Joshuang Kulot, na naka "apro" ang buhok, si Joshua "Big time", na hindi naman mayaman pero sobrang laki ng suot na relo at ang Joshua na hinahanap niya.

" Si Lagalag", sambit ni Angelo.

" Hindi e " sagot nito. " Pero nakita ko yung kuya niya, si Jolet. Nandoon sa court, naglalaro ng basketball."

" Salamat "  sabay takbo ni Angelo papuntang basketball court. Inabutan niya dun si Jolet, panganay na kapatid ni Joshua. Matangkad ito , maputi at medyo balingkinitan ang katawan. Varsity player ito ng basketball kaya madalas makikita dito sa court.

" Kuya Jolet, si Joshua po?" 

"Nandun sa Archery, may practice siya ngayon. Bakit mo hinahanap si Joshua, at bakit ganyan ang itsura mo?" urirat ni Jolet kay Angelo.  " Malamang sumabit na naman kayo sa gulo ano?"

" Hindi po, may lakad lang po kami mamaya." sagot ni Angelo. " Puntahan ko na lang po siya doon. Salamat po."

Tumakbo uli si Angelo papunta sa direksyon kung saan nilalaro ang Archery. Medyo malayo yung lugar na iyon dahil kailangan pang tawirin ang  dalawang baseball diamonds bago marating iyon. Medyo delikado kasi ang sport na iyon kaya isolated. Walang gaanong taong pinapayagan manood kaya inilagay sa dulo ng school. Nagtataka si Angelo kung bakit Archery ang napiling sport ni Joshua. Bukod sa mahal ang mga gamit, parang hindi pa nakakatuwa panoorin. Sila-sila lang sa Archery Team ang nakakaalam kung paano ang scoring. Hindi ka rin pagpapawisan dahil nakatayo ka lang. Sa pagkakakilala niya kay Joshua, parang hindi bagay sa kanya ang sport na ito. Hindi kasi ito napipirmi sa iisang lugar lang kaya nga ang tawag nila dito ay Joshua Lagalag. Kapag ganitong magbabakasyon na, sumasama ito magbakasyon sa mga kaibigan at kung saan saan nakakarating.Magaling din ito sa computers at ibang gadgets. Kabisado niya ang mga cheats and tricks sa computer games kaya nangangamote sila kapag nakakalaban nila ito. Kaya rin nitong magbukas ng celphone kahit naka-locked ang keypad. Kapag tinatanong naman nila, hindi rin daw niya alam kung paano. Parang nakakapa niya lang ang tamang gagalawin pag hawak na niya ang gadget. Marami rin iba pang sports na sinalihan si Joshua at magaling siyang player ng mga ito. Nagtataka lang si Angelo kung bakit sa lahat ng sports na natutunan nito ay Archery ang kanyang napili. Mayamaya pa ay nakarating na siya kung saan nilalaro ang Archery. Nakita niya si Joshua na nagliligpit na ng gamit. Matangkad din si Joshua kagaya ng kuya niya pero mas malaki ang katawan ni Joshua. Matipuno ang mga braso dahil siguro sa kakahatak ng pana sa Archery. Maraming babae ang may gusto dito na hindi naman niya pinapansin. Mas gusto pa nito ang maglagalag ng mag-isa o kasama siya kaysa magsama ng babae.

" Joshua!" tinawag agad niya ito. " Pauwi ka na ba?"

" Oo " sagot nito. " Bakit ganyan ang itsura mo Angelo? Napaaway ka na naman ano?"

" Hindi, wala akong kaaway. Good boy na ako ngayon. Yayayain sana kita magbakasyon sa probinsya namin..Iuuwi kasi ng kuya ko ang asawa niyang buntis. Ayaw ni Auntie na dito sa kanya manganak ang asawa ng kuya ko. Hindi daw siya marunong mag-alaga ng bata."

Si Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel     (Book I)Where stories live. Discover now