5. Si Tandang Erning

7.9K 366 28
                                    

                        Halos hindi makatayo si Joshua dahil sa sakit ng tiyan. Sinasabi ni Aling Osang na kinukulam sila ng aswang pero parang ayaw niyang maniwala. Naisip niya, hindi kaya dahil sa karne na kinain nila kaya sumakit ang tiyan nilang lahat?  Hindi ito inilagay sa refrigerator at maaaring may mga mikrobyo na kumapit dito.  Dapat pala ay nagdadala din siya ng  mga gamot sa mga lakad niya para sa ganitong pagkakataon. Sabagay, hindi rin naman siya naniniwala sa aswang dati pero ngayon may babaeng nagtangkang kumuha sa anak ni Edgar. Ano ang gagawin ng babae sa sanggol? Bakit hindi sumigaw si Fatima nung nakita nito na kinukuha ng babae ang bata? Marami siyang tanong na dapat sagutin pero sa ngayon, kailangan niya ay gamot para sa sakit ng tiyan.

                             Mayamaya pa ay dumating na si Arturo kasama si Tandang Erning, ang albularyo ng San Gabriel. Medyo mahina  na ito at mabagal na maglakad at inaalalayan pa ni Arturo. Payat ito, maputi, matangos ang ilong at medyo may katandaan na , mahina na ang boses kapag nagsalita ngunit may kakaiba sa kanyang mga mata. Sa halip na itim ay medyo maasul ito at kapag tinitigan ka ay parang nababasa niya ang iyong iniisip. Siya yung tipo ng tao na kapag nagsalita ay maniniwala ka sa lahat ng sinasabi at makikita mo rin sa kanyang mukha na marami na siyang pinagdaanang pagsubok sa buhay.

" Mukhang astig pa si Lolo." komento ni Angelo ng makita si Tandang Erning. " Naka contact lens pa.! "

" Itong batang to, puro kalokohan." sabi ni Aling Osang." 'yan si Tandang Erning. Mahusay na albularyo 'yan pagdating sa mga sakit na dulot ng mga engkanto at aswang. Sinasabi ng mga tagarito na kaya asul ang mata niya kasi anak ng engkanto 'yan.  Natipuhan daw ng isang engkanto ang nanay niyan nung minsang nagpunta sa gubat."

" Ang tawag dun ay fairy tale rape." biro ni Angelo. " Ginahasa ng fairy."

Nangiti si Joshua sa usapan ng mag-ina. Sa pagkakaalam niya, ang pagiging asul ng mata ay maaaring dulot ng iyong genes, ibig sabihin ay may ninuno kang asul din ang mata o maaaring dulot ito ng isang sakit. Maaaring may lahing European ang mga ninuno ni Tandang Erning o hindi sapat ang melanin niya sa katawan habang lumalaki siya. Ang melanin ay siyang nagdudulot ng pigmentation o pag-itim ng mata. Ito rin ang dahilan sa pagiging itim ng buhok.. Sabagay, naisip ni Joshua, kung totoo ang aswang, totoo ang engkanto, at maaari ding totoo ang sinasabi ni Aling Osang tungkol kay Tandang Erning.

Nang makapasok na ng bahay ay isa-isang hinawakan ni Tandang Erning ang kanilang mga tiyan. 

" Kinukulam nga kayong lahat maliban sa kanya." itinuro ni Tandang Erning si Arturo. " Maaaring may nagalit sa inyo na marunong mangkulam o may bagay siyang gustong kuhanin pero hindi ni'yo ibinigay."

" Masakit din po ang tiyan ko pero hindi ko masyadong iniinda." sabat ni Arturo.

Ikinuwento ni Aling Osang kay Tandang Erning ang pangyayari noong nagdaang gabi. May kinuha ang matanda sa dala nitong bayong at ibinigay kay Aling Osang. isa itong bote na may lamang langis at  kung anu-anong mga ugat ng kahoy sa loob.

" Lagyan mo ng tatlong patak nito ang isang basong tubig at inumin ninyo. Pansamantalang mawawala ang nararamdaman ninyong sakit ng tiyan." sabi ng matanda

" Pansamantala lang po?" tanong ni Gellie.

" Hanggat hindi inaalis ng kumulam sa inyo ang ginawa niya, hindi maaalis ang pananakit ng inyong tiyan. Ang gamot na ibinigay ko ay may bisa lamang sa loob ng isang oras. Kapag sumakit uli ang tiyan ninyo ay uminom kayo uli. Dapat matanggal ang kulam bago maubos ang langis." paliwanag ni Tandang Erning.

" Paano po matatanggal ng tuluyan ang kulam? ' si Edgar naman ang nagtanong.

" Kumuha kayo ng damit na hinubad ng taong kumulam sa inyo. Gupitin ninyo ang isang bahagi nito at pakuluan. Ang tubig na ginamit sa pagpapakulo ay inyong iinumin. Iyon ang paraan para mawala ang bisa ng kulam." paliwanag ng matanda.

Si Joshua Lagalag at ang Aswang sa San Gabriel     (Book I)Where stories live. Discover now