Chapter 5: Libre

1 0 0
                                    

"Nethaniah"

Nagtungo kaming lahat ng mga kaklase ko sa Gymnasium. Nag announce kase yung President namin na may program ngayon. Wala akong kaalam alam na mayrun pala.

Lahat ng grade ay alam kong nandun sa Gym kase pumunta sila ng maaga dito sa school kanina.

Ito siguro yung tinutukoy nilang program kanina na akala ko ay hindi pa gagawin ngayon.

Mabuti nga at may program kase walang klase. Kapagod kaseng makinig ng makinig sa mga guro laging nag didiscuss ng walang katapusan.

Kasama ko naman yung apat pagpasok ng gym.

Sabay sabay kaming naghanap ng upuan. Halos puno na ang bleachers kaya natagalan kami bago nakaupo.

"Dito tayo oh para malapit tayo sa stage" sabi ko.

Dinivide naman itong gym para sa mga dapat na grade na uupo pero yung iba kase kahit saan nalang umuupo kaya may ibang nag sasuffer.

English month pala ngayon. Akala ko natapos na yun nung nag pa book display si Sir. Bret.

Mabuti na din to hahaha walang klase.

Malapit na nga din yung Periodical Test namin for sure sa dalawang gabi ng araw ng test ay mag aaral lang ako ng mag aaral.
Isasarado lahat ng bintana at pinto. Patayin lahat ng dapat patayin para makapag concentrate sa ginagawa.

Sino ba namang tao ang gustong hindi makapag concentrate sa ginagawa??? Baka kayo siguro.

Nagsimula na ang program sa pagtayo ng lahat dahil sa isang panalangin na ginawa na isang Grade 10 student at sinundan ito ng pagkanta ng Lupang Hinirang.

"Please sitdown" sabi ng emcee na teacher din namin dito.

As the program goes. Hindi maiiwasang hindi kami magdaldalan.

Ingay doon

Ingay dito.

Napatingin ako sa banda ng aking tabi at nalaman kong halos mga Grade10 student pala ang mga kasama namin na katabi ko.

Kinabahan agad ako pagkakita ko sa mga ito kase baka nandito si Vennie. Baka nandun sa sa dulo or sa gitna kung saan hindi ko siya nakikita.

Pagkatapos nun ay tumingin na lang ako sa harap at nakinig tungkol sa mga mangyayari sa English Month.

After 30mins

Hindi padin natatapos yung program at halos lahat ay nag iingay na dahil sa kaboringan ng pangyayari.

Eh ako nga dito halos di na makahinga sa kaba at gulat nung makita ko si Vennie na nasa

Likod ko lang pala.

Akala ko nandun siya nakaupo sa linya namin.

Pero ang thought na nasa likod ko siya. Sa mismong likod ko!

Nagtataka kase ako kung baket hindi maingay yung nasa likod baka kase nag ce cellphone o ano pero yun nga pagtalikod ko ay yung mismong mukha niya ang bumulaga sa akin.

Halos sa mga minutong iyon nung ibinalik ko na ang paningin ko sa harap ay nakatunganga lang ako at halos wala na akong ingay o galaw na ginagawa baka kase masagi ko siya.

"Blah blah blah blah blah blah blah"emcee

"Ehem"

Hindi ko alam kung sini iyong tumikhim pero sure ako na sa likod ko iyong nanggaling.
Baka may plemang bumara kaya napaganun.

Hindi ko na iyon pinansin.

Sa ikalawang pagkakataon ay tumikhim ulit ito ng mas malakas pa kaysa sa kanina.

FacebuddyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora