Prologue

3 0 0
                                    

      Sa salitang LOVE alam nating lahat na kakambal nito lahat ang mga iba't ibang feelings at alam natin na ang pinaka common sa lahat ay ang SAKIT.

Sakit diba kasi di natin ito maiiwasan. Kahit anong pilit nating pag iwas ay para itong mga pangyayari na nakasulat sa libro na hindi kayang ibahin. May iba't ibang uri ng sakit depende sa sitwasyon na nangyayari sa kasalakuyan: may tamang sakit lang, may tumatagos na sa puso at ang pinakamasakit sa lahat ay yung aabot ka sa depression.

Isang rason kung bakit na dedepress ang mga tao ay dahil sa mga pinagdaanan nilang sobrang sakit na at hindi na kayang labanan ng kanilang puso at isip.

Lahat ay may kaakibat na sakit. Nakakaramdam tayo nang sakit dahil may puso tayo, may feelings tayo. At ang mas masakit pa dun ay yung taong ayaw na ayaw mong nasasaktan ay  ang mga taong nagpapasakit sayo.

Ang hirap ng buhay diba? Ganyan talaga yan. Pero lahat ng yan ay kaya mo namang lampasan kase kung alam mong malakas ka ay kakayanin mo.

Ako kasi,,,, natutunan ko lang siyang mahalin. Akala ko hindi ako aabot dun, akala ko di ko siya mamahalin, akala ko di lalalim ang nararamdam ko sa kanya, akala ko tama itong nararamdaman ko.

Oo, sa simula tama iyong minahal ko siya. Tama iyong nararamdaman ko. Alam kong minahal ko siya nang todo todo pero baket nasaktan ako?

Bakit napako niya lahat ng mga pangako niya sa akin? Bakit niya ako iniwan na parang tuta na walang nag mamay-ari? Bakit niya ako tinalikuran na parang hindi niya ako minahal? Bakit lahat ng mga tanong ko ay sobrang hirap sagutin?

Bakit sa isang tanong ay wala ring mabilis at payak na sagot?

Ganyan talaga ang mundo. Lalo na sa mundo ng social media.
Gadgets lang ang nakakonekta sa mga puso niyo. Ito lang ang bagay na magiging dahilan ng pagtatagal niyo pero kailangan ba hanggang diyan lang?
Saan ang love dun? Nasa computer?

Nakilala ko siya sa Facebuddy. Ewan ko ba kung bakit nakilala ko siya dun.

Sabi ko nung una sa sarili ko na masaya ako na meron akong siya sa buhay ko.

Pero ngayon binabawi ko na. Ayaw ko na siyang maalala, gusto ko na siyang makalimutan at iisiping panaginip lang ang nangyari sa aming dalawa.

Ako nga pala si Nethaniah Glyze Maquilan and this my story goes.

FacebuddyWhere stories live. Discover now