Chapter 4: Offend

0 0 0
                                    

"Nethaniah"

   

Natapos ang klase na wala akong masyadong maintindihan kase kulang ako sa tulog. Kung baket? Ewan ko ba hindi na kiclear yung isip ko. Palagi lang akong may iniisip kagabi. Isa na dun si Vennie.
Kaya nga ngayon eh halos kamukha ko na ang adik dun sa kanto namin.

Bitbit ang mga libro ay lumabas na ako ng room.

Di na muna ako sumabay kela Jamaica kase nagmamadali ako. Gusto ko ng matulog sa kama hanggang hapon.
Gusto kong bumawi ng tulog kase halos 3 oras lang ang tulog. Kaya sa sobrang puyat ay ganun na din ang katawan ko. Pagod.

Nakalabas na ako ng school na kita ko na clear ang area. Wala akong nakitang grupo kagaya kahapon na maiingay at wala akong Vennie na nakasalubong.

Haist. Half of me want to see him. Half of me dont.

Ewan bakit ba.. Di ko pa kase alam ang gagawin ko kung magkakita kami ulit. Maboboang ako myghaaad....

Pagkadating ko sa bahay ay diretso na akong natulog.

Wala na muna akong plano mag online ngayon at mamayang gabi kase madaming activities tsaka may project kaming book a book tapos due date na yun ngayon Thursday eh Tuesday na tayo ngayon.

Sa book a book kase dapat may 5 poems, 5 essays, 5 stories all about nature at kailangan bibigyan mo ng iyong own idea kung ano ang naintindihan sa mga ito.

Kailangan pa nga printed eh ang mahal na print. Hirap kami ang hirap hanapin ng five pesos.

Umidlip muna ako.










----_-------------

Hindi ako naggising sa oras ng pag alarm ko which is 6pm.

Sobrang late ko ng naggising. 7:23 na tapos wala pa akong kain kanina.

Kaya ramdam ko na ang gutom sa loob ng tyan ko.

Pagbaba ko ay nandun si Papa at Mama nanunuod ng Tv Nagpapatrol.

Tinignan lang nila ako at di pinansin.

Alam ko yang mga ganyang tingin...nagtataka sila kung bakit ang tagal ko naggising.

Dumiretso na ako ng kusina...nakita ko sa hapag ang paborito kong ulam. Praaayd CHICKEEEEN.

HIHI love nila ako talaga!!!

Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ako ng LAHAT ng pinagkainan namin. Huhu di nila ako mahal!

"Ma Pa sa taas lang ako" sabi ko sa kanila.

"Ge... Thaniah kunin mo nalang yung baon mo dun sa ibabaw ng ref ha? Pang whole week allowance mo na yun" Sabi ni mama. Siya bangko namin dito eh

"Opo" sabi ko.

Pag akyat ko kwarto ay kinuha ko agad ang bag ko.

Linabas ko lahat ng mga gamit ko dun particularly yung notebook ko saka nagscan kung may dapat ba akong pag aralan at kung may gagawin bang assignments.

5 assignments ang ibinigay at 3 activities din ang dapat gawin.

Filipino

English

Math (T_T)

Ap

Mapeh

Dyan ay may assignments.
At yung 3 activities naman ay sa Filipino lahat. Bad si maam walang awa sa mga estudyante niya.

Habang sinasagutan ko ang mga iyon ay na bore ako kaya kinuha ko ang plug ng tv at remote tsaka ito in-on.

In-on ko din yung electric fan sa gilid ko kase ang init ng gabing ito ngayon nakakastress ng mukha. Mas papangit pa ako nito lalo.

FacebuddyWhere stories live. Discover now