Hindi ako umimik. Hinayaan ko na lang siyang magsalita at pinakinggan ko na lang ang lahat ng sasabihin niya.

"'Yung sinabi ko sa'yong gusto akong ipakasal ni dad sa anak ng katrabaho niya, hindi totoo 'yon. Nagsinungaling ako. Ang totoong dahilan kung bakit bumalik ako dito ay--"

"Renz--" bago pa ako makaiwas ay bigla na niya akong nahalikan.

Isa lamang iyong mabilis na halik na parang nagpakuryente sa buong katawan ko.

The feeling is different. Very different from what I felt on Vincent.

"I missed you. Wala eh, hindi ko kaya. Oo na, ako na ang OA pero sinasabi ko sa'yo, hindi ako makatulog doon. Wala akong maayos na araw dahil hindi ako sanay ng wala ka. Ang lakas ng loob kong sabihin noon na kailangan natin ng oras para sa isa't isa. Ako pa pala ang unang susuko."

"Renz.."

"Kung sa pagkakataong ito, ire-reject mo uli ako -- it's ok. Hindi ako magagalit sa'yo. Irerespeto ko ang kung ano mang magiging desisyon mo."

"Renz, anong gagawin ko?"

"Ken--"

"I-I'm sorry." Sabi ko sa kanya. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

"H-hey, Ken! Kakasabi ko lang! Ok lang, ok lang talaga. Promise. Hindi ako galit. At least, alam ko na ngayon na wala na talaga akong pag-asa. Nagpapakatapat ka lang sa nararamdaman mo. I'm really ok. Promise. Kampante pa rin ako kahit hindi na ako ang gusto mo. Dahil alam ko na kung sinong gusto mo." Sabi niya.

"At iyong taong 'yon, may tiwala ako sa kanya. Hindi ko na siya sisisihin. Hindi ako magagalit sa kanya dahil inagaw ka niya sa akin. Kung tutuusin, dapat pa nga akong matuwa dahil mas matino siyang lalaki kesa sa akin. Mas maaalagaan ka niya." Dagdag pa niya.

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.

"Mahal kita, hindi 'yon magbabago. Kung sakaling masaktan ka, nandito lang ako. Promise, hindi kita sisisihin."

"Renz, alam mo naman na mahal rin kita, 'diba?" Sabi ko sa kanya.

He smiled sadly. "Oo. At naa-appreciate ko kung gaano mo ako kamahal bilang kaibigan mo. Gusto kitang pasalamatan dahil doon."

I smiled at him. "Thank you."

Bumuntong hininga siya at tinanggal na niya ang pagkakahawak niya sa pisngi ko.

"Si Vincent. He's willing to do everything para lang mapatunayan niya ang pagmamahal niya sa'yo." Sabi niya.

Nang mabanggit niya ang pangalan ni Vincent ay napatingin agad ako sa kanya.

"Si Vincent? Nakausap mo siya? Anong sabi niya?" Tanong ko sa kanya.

Curious na curious ako. Gusto kong malaman kung anong napag-usapan nila. Gusto kong magkaroon ng balita tungkol sa kanya. Miss na miss ko na siya. Sobra.

Sa halip na sagutin ni Renz ang tanong ko ay kinuha niya ang malaking teddy bear na nasa tabi niya at ibinigay niya ito sa akin.

The teddy bear was familiar.

"Ayan 'yung tinitingnan mo nung isang araw. Para sa'yo na talaga 'yan nung binili ko. Binibigay ko na 'yan sa'yo. At isa pa, if you want to know more about Vincent, know it yourself." Sabi niya at tumayo na siya.

"Ken, gustuhin ko mang ihatid ka ngayon pauwi, I'm sorry pero pass muna. Ibang ruta ang dadaanan ko dahil may iba pa akong pupuntahan."

"Renz--"

"Ok lang talaga ako, Ken. Huwag ka nang mag-alala. Mag-ingat ka sa pag-uwi." Sabi niya at umalis na siya.

Naiwan naman akong nakatulala dito. Nakakainis naman siya. Ni hindi man lang niya ako binalitaan tungkol kay Vincent. Ang sinabi lang niya sa akin ay willing siyang gawin ang lahat mapatunayan lang na mahal niya ako.

Dapat ba akong maniwala sa sinabi niya? Paano kung umaaasa lang pala ako? Gusto kong maniwala. Gustung-gusto. Kaya lang, iniisip ko rin ang kapakanan ni Vincent. If he's really willing to do everything, malaking risk ang haharapin niya. At ayokong mangyari iyon nang dahil lang sa akin.

Nang mapansin kong sobrang lalim na ng gabi, naisipan ko na ring umuwi. Dala-dala ang malaking teddy bear na ibinigay sa akin ni Renz ay tumalikod na ako at naglakad pabalik sa bahay.

At hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o panaginip o ano, bigla akong nakaramdam ng pagkamanhid sa likuran ng aking ulo. Damo at kamay ni teddy ang huling imaheng natatandaan kong nakita ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

~*~


M

adilim. Hindi ako makakita. Halos mabingi rin ako sa katahimikan. Tila isang nakaririnding tunog lamang ang naririnig sa ngayon na gawa pa ng aking imahinasyon.

Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong ideya. Para akong nasa loob ng isang eksena kung saan ako, bilang bida ay na-kidnap at ipamb-blackmail sa aking pamilya kapalit ng malaking halaga ng pera.

May piring ang aking mga mata. May nakatali ring tela sa bibig ko. Nakatalu ang dalawa kong kamay sa likod ng upuan at ang aking mga paa ay magkadikit ding nakatali.

Maya-maya ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Naramdaman kong may pumasok sa loob. Pinakiramdaman ko muna kung anong gagawin nito. Hindi ako kumilos o lumikha ng kahit anong ingay.

Hanggang sa makaramdam ako ng isang malakas na suntok.

Namanhid ang panga ko. Nalasahan ko rin ang dugo mula sa labi kong pumutok.

"Walang hiya ka," matigas na sabi nito.

Maya-maya ay sinuntok niya ako ng isa pa. At sinundan pa ito ng isa hanggang sa umangal na rin ako dahil sa sobrang sakit.

"T-tama na," halos hindi ko makahingang sabi.

"Gago kang bata ka. Ang lakas ng loob mong sumabat sa usapan. Ngayon, nadamay ka. Kasalanan mo rin." Sabi pa nito.

"W-walang kasalanan s-si V-vincent. W-wala siyang kasa--"

"May kasalanan siya o wala, kailangan niyang managot. Sa pagkakataong ito, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. At iyon ay ang hustisya." Sabi niya at binitawan na niya ako.

"Sinabi mo sa akin ito. Nilikha ng Diyos ang mga anghel upang gabayan tayo sa lahat ng mga ginagawa natin sa araw-araw. Pinagmamasdan nito ang mga kasalanang ginagawa natin at kung sino man ang lalabag sa kautusan niya, ay siyang parurusahan sa pamamagitan ng pagsunog ng iyong kaluluwa sa impyerno. Ngunit sa pagkakaalam ko, ang demonyo ay nagmula sa isang anghel. Sa tingin mo, sino ang lumikha sa demonyo? 'Di ba't ang Diyos din? Kung maparurusahan man ako nang dahil sa ginagawa ko. Huwag kang mag-alala, may ide-demonyo pa ako." Sabi pa niya at naramdaman kong lumayo na siya.

"Ikaw na ang bahala rito. Ikaw ang malalagot sa akin pag nakatakas 'yan." Tila utos nito sa isa pang taong pumasok at hindi ko na siya narinig pang magsalita.

Biglang nagsara ang pinto at narinig kong may lumapit na naman sa akin. Inihanda ko na ang sarili ko sa gagawin nito. Dahil anytime, maaaring masuntok na naman ako, o mahampas o mabugbog. Hindi ko na alam ang mangyayari sa akin.

Ngunit sa halip na makaramdam ako ng suntok, hampas at pananakit ay bigla nitong tinanggal ang piring sa aking mga mata. Hindi ko halos maimulat mata ko dahil sa luhang walang tigil na lumalabas mula dito.

Nang tuluyan ko nang maimulat ang mata ko ay idinako ko ang aking tingin sa taong nagtanggal ng piring sa akin.

"A-anak?"

At muli, sa pangalawang pagkakataon -- nawalan ako ng malay.

---

His Deepest Secret ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon