natural disasters;

Start from the beginning
                                    

Ricci's eyes were closed and naka pucker up pa rin lips nya, as if hindi pa siya ready mag let go sa kiss.

"Bro, you the man!" Brent was suddenly in front of us laughing wildly and sobrang pang-aasar lahat narinig namin. All the boys were hooting and hollering so suddenly lahat ng attention sa amin napunta. All of them kept on congratulating Ricci whilst me on the other hand is medyo napipikon na. I decided to go to the bathroom alone and fix things up. I checked the time and it's almost 2am. 30 minutes, I might go home na rin.

"Akala ko umuwi ka na!" I hear Ricci say once I get back at our couch. It seems like tapos na nila asar asarin si Ricci and everyone's up on their own business kaya mag-isa na lang uli siya nakaupo. I noticed na medyo slurred na yung pagsasalita nya. I wonder gaano kalasing na 'tong taong to?

"Nag-cr lang ako but I might leave na rin. I'm sorry nga pala kanina. Nadala lang ako ng emotions ko," Aaminin ko, nag sorry naman talaga ako hindi dahil sa nadala ako, kung hindi dahil pinagselos ko lang Ex ko. Pero siyempre, hindi ko na sasabihin yun.

Ricci smiled. Aba, sobrang gwapo pala nito. Ngayon ko lang talaga siya nakita ng malapitan. Or maybe it's the alcohol talking?

"Sus, okay lang yun ano ka ba. Ako nga dapat mag-sorry eh. Akala ko nga galit ka." Ricci responded, while pouting. Confirmed! Gwapo nga siya!

"Ako? Galit? E ako nga yung nag-push sa'yo. Sorry sobrang desperate ko ata. Ayan tuloy, inaasar ka na nila." I replied back.

"Okay lang talaga. I don't mind. I feel so lucky pa nga eh," he said, and napapansin kong palapit na naman ng palapit yung heads namin. I better act fast!

I immediately stood up and tried collecting my things. I better go bago pa magtuloy tuloy to.

"Uhmm, it's 2:30, may mass pa ako tomorrow with the family I have to go..."

Ricci stood up too and his face fell. "Uuwi ka na?"

I shook the sadness that I felt nung na-feel kong disappointed siya. "Oo eh, my parents would kill me if hindi ako makauwi ng maaga bukas." I excused. Well, totoo naman talaga na may Sunday mass e, pero hapon pa.

It's as if biglang tumahimik yung group or napansin lang nia na parang g na g na ako umuwi when all of them suddenly looked at me.

"Marq, uuwi ka na?!" Alexa asked.

"Yeah, I really have to go. Uuwi pa ako bukas ng maaga." I lied.

"What the fuck? Ang aga pa! Seryoso ka ba Marq?" Stephanie hollered. Hiya naman ako sa pagkalasing mo girl.

"Yup," matipid kong reply.

"Don't worry guys, hatid ko na lang siya. Did you bring a car?" Ricci asked and all of a sudden everyone got back to their own drinking activities.

I frowned and I suddenly felt sorry for him. Sobrang sama ko ba na iiwan ko siya dito sa mga to ng magisa? But I really have to go. I promised myself that when I see Mico, aalis na talaga ako. I can't deal with him. Plus, nahihiya at naawkward-an na ako sa mga nangyari with Ricci at ayoko nang dagdagan pa.

"Yup! It's okay, sa the Strip lang naman ako naka-park. No need na," I explained and I saw him shake his head.

"Pagbigyan mo na, Marq, Na-inlove ata sa'yo si Ricci e. First kiss, eh?" Brent suddenly appeared habang pinalo ni Ricci si Brent sa tiyan.

"Baliw ka talaga Brent. Kung ako sa'yo umuwi ka na rin!"

--

Ricci and I walked downstairs and approached my car. I must admit, medyo na-aawkward-an ako sa nangyari pero nakita ko naman na parang wala lang sa kanya kaya I sucked up and sinubukan kalimutan ang nangyari.

"Sure ka bang kaya mo umuwi and mag-drive? If you want, hahatid na kita sa inyo. Then mag uber na lang ako pabalik?" Ricci offered, while scratching his head. Asan na ba kasi yung kotse ko?!

"Ano ka ba. Kaya ko. Hindi naman ako masyadong drunk," I replied, hastily. Sweet naman niya and magpapaka hassle pa siya talaga for a drunken kiss?!

"Shocks, na kay Kuya kasi yung car keys. Ganito na lang. Kukunin ko yung keys kay Prince tapos convoy tayo... so that I know na safe ka makakauwi." Nagpapanic nyang sinabi and nagulat ako. Ganon talaga siya ka-caring ba?

I laughed and lightly punched him on his right arm. Sakto, nakita ko na rin kung saan ako naka park.

"Ano ka ba! Okay nga lang ako, Ricci. Swear, you don't have to worry about me. Also, tignan mo nga. Nakainom ka na rin. Hintayin mo na lang si Prince matapos then umuwi na kayo okay?" I fished for the keys inside my bag.

"How would I know if safe ka nakauwi?" he innocently asked.

Jusko Ricci. Eh kung gusto mo lang naman makuha number ko sana kanina mo pa sinabi hindi yung may pa hatid hatid effect ka pang nalalaman dyan!

"What's your number? Here, I'll text you when I get home." Ricci dictated his number and I dictated mine as well. Para fair, diba?

After naming magbigayan ng number, nagkaroon ng silence. Siguro kasi hindi na naming alam gagawin namin next. Hindi naman kami masyadong close so paano kami mag-bye?

"Sige, I have to get going. Ingat kayo ni Prince! Pabantayan na rin si Alexa and Steph ha?" I said, opening my car door.

"Sige, thank you! Ingat ka rin. Text kita," Ricci replied. And the next thing I know, he reached for my lips and gave me a quick peck on the lips for two seconds before running out.

Bwiset na yon! Nagnakaw pa ng kiss!

--

"Come to think of it, it's not even a big deal. It's just a kiss!" I explained to Alexa. Napapagod na ako i-explain yung sarili ko sa lahat. Plus, bakit ba kailangan ko mag explain?

"If it's just a kiss, bakit sobrang affected ka dyan?"

"Nakakairita kasi. Parang sobrang kalat sa lahat na we kissed. Sobrang big deal sa GA as in. I'm sure naman they've quite a few make outs especially during Happy Thursday. Hindi ko ma-gets." For the nth time today, nag explain na naman ako. Pwede nyo na ako i-hire as tutor ng mga anak nyo. Galing ko mag explain eh?

Alexa was about to respond when I felt my phone vibrate.

Kaklase pala kita?

I squinted and I saw that 'Ricci Rivero' was the one who texted. I looked around and I didn't see him but once we stepped inside the classroom...

There he is, looking as fancy as ever.

Oh boy, ano ba kasi 'tong pinasok ko?!

Get You | Ricci Rivero COMPLETEDWhere stories live. Discover now