Chapter 3

48.9K 1.2K 24
                                    

"Rig, nanalo ang bata mo," siko ni Arnel sa kaibigan na hindi sumagot at nanatiling nasa stage ang mga mata.

Mayamaya'y nakisiksik si Rigo sa karamihan upang makalapit sa stage. Pagkatapos ng paglalagay ng korona at kuhanan ng larawan ay bababa si Lacey at gusto niyang kamayan ang dalagita.

Bukod sa mataas at malaki si Rigo ay kilala siya ng karamihan sa mga estudyante kaya madali siyang nakasiksik. Ang iba'y tinatapik siya at nanunukso. Sa may ibaba ng hagdan siya naghintay kasama ng iba pa.

Si Lacey ay hawak-hawak sa braso ng Daddy niya pababa ng sementadong hagdan na may apat na baitang. Nasa huling baitang na siya nang marinig niya ang malalim na tinig na iyon. "Congratulations..."

Nag-angat ng ulo ang dalagita. Mukha ni Rigo ang nasa harap niya na iniaabot ang kamay. Sandali siyang hindi nakakilos. She inhaled softly.

Sa wakas, nakaharap niya nang malapitan ang binata. She was only seeing him from a distance.

So this is the infamous Rodrigo dela Serna! Up-close, devilishly handsome. Ex-scholar, star player, hot-tempered on and off court, playboy numero-uno. Pinangingilagan at kinaiinggitan ng kapwa lalaking estudyante pero tila langgam ang mga babae na nakapaligid dito.

At tulad ng dati, wearing his famous tight jeans and leather jacket.

May ilang hibla ng kulot na buhok ang bumagsak sa noo nito. His lips twisted a little in a very sexy smile. Very similar to that of the King of Rock, Elvis Presley, during the sixties na ang malaking poster ay naka-display sa kanyang kuwarto.

Humigpit ang hawak ng Daddy niya sa kanyang braso kasabay ng tikhim at matalim na sulyap kay Rigo. Mabilis niyang tinanggap ang kamay ng binata na nakalahad. Subalit sa halip na kamayan siya'y dinala ito ng binata sa mga labi.

"Oh!" mahinang bulalas niya.

"You don't shake hands with a crowned princess. You kiss it," marahang wika ni Rigo intended for her ears only. Pero sa dami ng mga naroroon ay tiyak na narinig ng mga ito.

"Thank you..." tugon niyang ibig himatayin. Lahat halos ng mga estudyanteng babae sa campus ay naghahangad na mapansin ni Rigo.

Hinila na siya ng Daddy niya palayo. Maraming sumalubong at kumamay. Teachers, classmates, friends, at kung sino-sino pang hindi na niya matandaan.

Crazy, pero bindi niya gustong ibigay ang kamay niyang hinagkan ni Rigo at baka mawala doon ang init na naramdaman niya kaninang dalhin ng binata ang kamay na iyon sa mga labi nito.

Pilit siyang lumingon sa karamihan ng mga tao upang muling masulyapan ito pero wala na ang binata roon. At nanghihinayang siya na ganoon lang kadali ang pagtatagpo nila.

She was intrigued by him at hindi iilang beses na ginusto niyang panooring maglaro ito pero dumarating sa takdang oras ng uwian ang sundo niya. Hindi papayag ang daddy niya na maatraso siya ng uwi.

Malayo siya sa grupong ginagalawan ni Rodrigo dela Serna. Nasa ikatlong taon ito sa Mechanical Engineering. Out of her league. Nasa high school siya. Bata kung tutuusin kompara sa mga dalagang nakapaligid dito.

Maliban sa mga panakaw na sulyapan nila sa isa't isa ay hindi sila magkakilala. At hindi niya inaasahan ang ginawa nito ngayong pagbati.

Hindi niya gusto ang pagsali sa contest na ito. Hindi siya mahilig sa ganitong uri ng kompetisyon pero hindi niya matanggihan ang principal nila na siya ang napiling representative in favor of Yda. Dalawa sila ng kaibigang pinagpilian kung sino ang ilalahok.

At nagpakatanggi-tanggi siya dahil baka makaapekto iyon sa kanila ni Yda. But the principal approached her father.

Pero ngayon ay ikinagagalak niya ang pagkakasali at higit sa lahat ay ang pagkakapanalo. Kung hindi dahil doon ay hindi siya lalapitan ni Rodrigo dela Serna.

Sana'y gumawa ng paraan si Rigo na magkita silang muli. Sana'y pansinin siya nito. At sana'y higit pa sa pagsulyap-sulyap ang gawin ng binata.

Sweetheart Series 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon