Chapter 4: Weekend Getaway

Magsimula sa umpisa
                                    

What is happening to me? Mahal ko na ba siya? This can’t be possible. Well whatever this is, I think I need to talk to him.

To: Adam

“Meet me at the shore at 2, I’ll be waiting”

(Message Sent)

I prepared myself tapos pumunta na ako sa shore.

After waiting for an hour, hindi pa rin siya dumadating. Where are you, Adam?

2 hours had passed, its almost 5 in the afternoon.

Tumakbo ako papaalis, at pumunta sa unit niya. I tried to knock on his door but no one answered, kaya nung nakita kong bukas ang pintuan ay pumasok ako. Walang gamit sa loob ng unit niya. At nang binuksan ko ang cabinet pero walang mga damit doon.

Hindi kaya umalis na siya? Pero saan naman siya pupunta?

Dumeretso ako sa receptionist para magtanong.

“Excuse me ma’am what can I do for you” she politely asked.

“Yes, please I just want to know kung nag check out na ba yung nakatira sa room 204?” tanong ko.

“Actually, wala naman pong naka check in dun I remembered the last person who stayed there was a high school girl. But its been 2 years since she left” she explained.

“Huh? Hindi kasi ganito yan my friend Adam lives there, pero wala na ang gamit niya” sagot ko

“Sorry ma’am pero wala po talagang naka check in sa room 204” paliwanag niya

At umalis na ako then took my car in the parking lot at nag drive. Uuwi ako ngayon sa hometown ko, kailangan ko talagang makausap si Adam.

(Calling Adam…)

(The subscriber cannot be reach) ayan ang paulit ulit na sagot ng operator.

Where are you? Unti unting pumatak ang mga luha ko sa pag aalala.

(Knocks)

Nakarating na ako sa bahay nila, and later on pinagbuksan ako ng pintuan ni Tita Sandra (his mom)

“Nandito po ba si Adam?” tanong ko

At tumango siya na para bang may kalungkutan sa mga mata niya, niyakap niya ako. Hindi ko siya maintindihan.

“He’s been comatose for 5 years, Belle” sagot niya at umiiyak na siya.

At parang binagsakan ako ng lupa ng makita ko ang kalagayan niya, nakahiga siya sa kwarto niya at may apparatus sa gilid niya, nandun rin yung personal nurse.

Hindi ko na napigilang umiyak at niyakap ko siya.

“Please don’t leave me” naiiyak kong sinabi.

“It’s a car accident, he was on his way home when that happened” dagdag nung nurse.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, imposible dahil nag kita pa kami nag kausap pa nga kami.

I saw several pictures of us in the wall. Iyak pa rin ako ng iyak, hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inakala na may mas sasakit pa pala sa break up namin ni Finn. 

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon