Chapter 4: Weekend Getaway

23 4 0
                                    

Belle’s POV:

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko ngayon, pero may napansin ako sa sarili ko. Nawala na ang lahat ng sakit na naramdaman ko ng ipinagpalit ako ni Finn.

 Naalala ko bigla si Adam, bakit ba bigla siyang sumagi sa isip ko?

Hindi kaya… No, hindi pwede. Malabong ma in love ako sa kanya, best friend ko siya.

At naalala ko ang mga pinagsamahan namin back in our hometown

(Flashbacks)

Pinahiran niya ako ng icing sa mukha

“Eww. Kadiri ka talaga” reklamo ko

Sabay hinampas ko ang braso niya na parang bata at natawa naman siya

“Para ka talagang bata” pang-aasar niya

“Ah ganun pala a” sabi ko sabay inilagay ko ang buong plato ng icing sa mukha niya

“That was cheating” sabi niya at ako naman ang tumawa sa kanya

“Hindi ka na makakabawi, wala ng icing” pang aasar ko pa sa kanya

At kinuha niya ang flour at binuhos sa akin ang lahat ng laman ng iyon. Unfair! Bakit may harina?

“This is not a playground” galit na sabi nung teacher naming, oonga pala nasa classroom kami tapos baking ang topic.

At pinalabas niya kami, well bad kids as always. It doesn’t matter we had fun, school was awesome

-End of Flashback-

SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon