"Nung nasa States ako, nagkaroon ng problema ang kumpanya. Sinubukan kong tumulong kasi kahit papaano may napag-aralan na ako. Naayos ang ibang gusot kaya lang di ko alam na may nautangan pala si Dad sa ibang kumpanya. Kapag di namin nabayaran 'yun, babagsak ang negosyo namin. Kaya lang masyadong malaki ang halaga. Hindi namin kaya kaya may naipropose yung CEO ng company na yun. Just like other rich parents, he wants me to marry his daughter."

Naramdaman ko ang pagkagulat ni Ayu. Nanlaki ang mata niya sa narinig.

"Krista. Siya yung anak.Syempre hindi ako pumayag. Ikaw lang kasi ang gusto kong pakasalan. Hanggang sa isang gabi narinig kong nagtatalo ang magulang ko. Doon ko rin narinig na hindi pala nila ako tunay na anak. Ang sabi kasi ni Mom, hindi pwedeng ako ang pagbayarin sa utang namin bilang unfair daw sa akin yun. Hindi ako Yu pero ako ang sasagot sa utang nila. Hindi nila alam na nandun ako at narinig sila."

Hinawakan niya ang kamay ko at diniinan ko naman ang paghawak dito.

"Nagalit ako sa kanila. Sinabi ko rin na hindi ako magpapakasal sa iba bukod sayo. Kaya tinakot ako nung tatay ni Krista na sisirain ang negosyo ng daddy mo. Sa sobrang takot ko na madamay ka, napa-oo na lang ako. Ang gulo ng isip ko nun. Nag-aattend ako sa parties para makalimutan ang mga problema hanggang sa may ibagsak akong subject. Nahiya ako sa sarili ko sa lahat ng nangyari. Nahiya ako kasi ampon ako kaya nakipaghiwalay ako sayo. Pero ginawa ko rin yun kasi ayokong idamay kayo sa gulo ko."

She held my face and wiped away my tears. I didn't know I was crying. "Hanggang ngayon naguguluhan ako sa nangyari pero hindi pwedeng nakaupo na lang ako sa isang tabi. Ayoko ng isuko ka. I'm miserable without you."

Nginitian niya ako, "We'll fight together, Ken. Aayusin natin lahat ng problema. Huwag kang mahiya na magpatulong sa problema mo. Hindi ka nagiging pabigat. Noong may problema ako sa daddy ko hindi mo ko iniwan. Kaya ganun din ang gagawin ko sa'yo. Walang makakapaghiwalay ulit sa atin."

Napangiti ako at niyakap siya. Nababalot man ng dilim ang mundo ko ngayon, masaya pa rin ako dahil lumitaw na ang liwanag sa buhay ko. Alam ko tuloy tuloy na 'to.

***

"Kuhanan ng class cards namin ngayon. Magkita na lang tayo after?"

"Pwedeng sumama?"

Tinitigan niya ako at saka ngumiti, "Sige."

Hinila ko siya palapit sa akin at inakbayan, "Namiss talaga kita."

"Woah! Wait, wait. Anong nangyayari dito?"

Napalingon kami kay Sab na halatang nagulat talaga sa nakita niya. Sino bang hindi? Parang kahapon lang hindi pa kami nagpapansinan ni Ayu tapos ngayon balik na kami sa dati. Balik na nga ba? Kami na nga ba ulit? Pati ako naguguluhan.

Sa likod ni Sab ay si Yannie at Xander na nakangiti. Syempre, alam na nila ang nangyari.

"Kayo na ulit?!" sigaw pa ni Sab.

Hindi ko alam ang isasagot ko kasi hindi ko naman tinanong kay Ayu 'yan kagabi kaya napatingin ako sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at ngumiti.

"Ohmyghad! Kayo na nga!" kita mo 'to. Wala naman akong isinagot.

"Kayo na lang naman ni Josh ang hindi e." bulong ni Zoe sa isang tabi pero narinig ni Josh at Sab kaya parehas namula ang dalawa.

"Tara na at makakuha ng class card." Pag-iiba ng loko sa usapan at nauna ng maglakad palayo.

Naghiwahiwalay kami at nagpunta sa kanya-kanyang professors. Nag-aabang kami ni Ayu ng harangin kami ng isa niyang kaklase. 'Yung nautusan ko nung nakaraan.

Teen Clash 2: Battle between Heart and MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon