Chapter 27: Escape

En başından başla
                                    

Paulit ulit niya lang ginagawa ang ballet steps niya at lumalapit sa akin para ipabasa ang nasa palad niya. Binuo ko lahat ng natatandaan kong letters at pinagsunod sunod pero nalilito ako kaya sinulat ko na lang gamit ang honey sa plato.


Napalaki ang mata ko ng mabuo ang mga letrang iyon. Kaya medyo kinabahan ako, napatingin ako sa kanya at kinindatan niya ako hindi naman nahalata ng mga guest. Kaya tumayo agad ako pero pagtayo ko nakatingin sa akin si Ellie ng masama, hindi ko na lang iyon pinansin at lumakad patungong backstage.



Bakit kasi ngayon niya lang sinabi? Dapat kanina o kahapon, hindi ko napaghandaan ang ganito kaya di ko masyadong kabisado ang gagawin.



Bago ko gawin ang gagawin ay luminga linga muna ako para siguraduhing walang nakasunod sa akin dito sa backstage, busy ang lahat sa panonood sa Prinsesa kaya sigurado akong walang magbabalak na sumunod sa akin.


Tumago ako sa likod ng mga box na mabibigat ang laman para hindi ako agad makita.


.
.
.
.
.
.
.
.

Jewel's POV



This is it. Matatapos na rin ang matagal kong pag iisip kung totoo nga ba ang sinasabi sa akin ni Lusia about kay Demi. Hayy bakit ba paulit ang ballet steps niya, iyan lang ba ang gagawin niya? Nasaan na ang ability na sinasabi nila?


"Tulong! Tulong!" Napalingon kaming mga council sa gawing likuran ng may sumigaw, isang babae ang nakadress na umiiyak. Nilapitan agad siya ng ibang estudyante at kinausap, lahat kami ay nakatingin lang sa babaeng iyon at patuloy na umiiyak.


"Bakit? Anung nangyari?" Tanong ng isang estudyante.



"Ang ang kapatid ko na nawa nawawala siya, nalibot ko na ang buong Academy pero hindi ko pa rin siya nakikita. Kaya sob sobrang nag aalala na ako. Kaya tulungan niyo niyo po akong hanapin siya. Hu hu hu." Halata sa mga mata niya ang takot at pag alala ng sabihin niya iyon, lumapit ako kina Merold para alamin kung saan galing ang babaeng iyon. Pero hindi niya alam kaya napilitan akong magtanong kay Prince Eron.


"Your highness, sino po ang babaeng iyan?"



"She is a junior high school from Aqualux Kingdom, and her sister is a freshmen student na nagperform lang kanina. She is Luwisa Grey then Carly Grey naman yung kapatid niya."


"Luwisa Grey and Carly Grey?" Patanong kong sambit sa Prinsipe.

"Opo, bakit po?"


"Ah wala naman, may naa may naalala lang ako sa sinabi mo."


"Huh? Sino naman po?"



"Ah hindi niyo po siya kilala your highness dahil hini pa kayo pinapanganak ng makilala ko siya." Napakunot ang noo ng Prinsipe kaya agad din akong bumalik sa table namin.




Hindi pwede, Luwisa Grey and Carly Grey. Bakit ba narinig ko na naman ang apelyidong iyon? Bumabalik tuloy ang mga pangyayaring dapat hindi na balikan pa.
Tsaka anung kinalaman nito sa kaibigan kong si Carnia, bakit pareho sila ng surname? Walang nabanggit si Carnia sa akin na may kamag anak siya o kahit kapareho ng surname dito sa Magicae Orbis. Hindi kami nagtatago ng mga sekreto sa isa't-isa.



Napatingin ako kay Marmela ng sumagi iyon sa aking isipan. Alam kong alam din ni Marmela na walang sekretuhan ang namamagitan sa aming tatlo noon. Kaya lang parang ngayon nawala yung tiwala ko sa Carnia Grey na kaibigan ko noon at patay na ngayon.


"Jewel okay ka lang ba?" Napatingin ako kay Merold ng tapikin niya ang balikat ko.



"I'm fine Merold, hand me the red wine please." Pag uutos ko sa kanya.



.
.
.
.
.
.
.
.


Third Person


Agad ring lumapit ang lahat sa umiiyak at natatakot na si Luwisa, kaya nawala na ang atensyon ng lahat sa Prinsesa na sumasayaw. Itigil na rin niya ang pagsayaw at agad na bumalik sa rest room. Napansin naman ni Lliyah na umalis si Demi kaya napahabol tingin lang ito sa tumatakbong Prinsesa.

Habang ang mga apprentice naman at iba pang royalty ay lumabas ng hall at tinulungan mahanap si Carly. Ang iba naman ay nakabantay sa mga Hari at Reyna gayundin sa Reyna ng Darvil na si Avreel.




.
.
.
.
.

"Lliyah saan ka pupunta?" Napatigil sa paglalakad si Lliyah, pero hindi na niya nagawa pang lingunin si Ice.


"Pupunta lang ako sa CR, pero susunod din ako."



"Sige hihintayin kita dito." Agad ding tumakbo si Lliyah sa CR para sundan ang Prinsesa.


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Lliyah's POV

Mabilis akong nakarating sa CR. Dahan dahan naman akong pumasok para hindi ako marinig at maramdaman ni Demi.


"Much better po kung lumayo muna kayo at mag isip isip, then para na rin maimprove ninyo ang ability ninyo."

"Pero anu na lang ang sasabihin nila sa akin kapag bumalik ako?"


"Ako na po ang bahala your highness, ang mahalaga po mapaghandaan ninyo ang araw na iyon. Wala na pong oras kailangan niyo na pong umalis."


"Sorry talaga at ikaw pa ang napili kong gumawa ng paraan para sa kalagayan ko."


"Okay lang po your highness."


"Aalis na ako, ikaw na ang bahala sa lahat."


Napatulala lang akong nakatingin sa kawalan matapos marinig ang lahat ng pinag usapan ni Princess Demi at kung sinong babaeng iyon.


Anu ang tinutukoy nila? Sino ba ang babaeng iyon na tumutulong sa Prinsesa? Bakit kailangan pang maimprove ang ability ni Demi? May injuries ba siya para muling simulan ang pag iimprove ng ability ng isang mortal. Huwag niyang sabihin na tatakasan niya ang araw na ito.

Agad rin ko namang tiningnan ang loob pero wala ng tao doon kundi ako lamang.

PRINCESS POWER Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin