"The creation"

273 21 1
                                    

Vince's POV

"Oi naka bili kana nung NSBWS? Laro tayo ng nightmare online!!"

"Dalian mo mag lalaro pa ako ng nightmare online!"

"Nightmare online, nightmare online! Nightmare online!"

Wahhhhh! Anu ba to! Nasisira na ulo ko sa mga tao sa paligid ko! Anu bang pinag kaguguluhan nila! Lumabas lang ang NSBWS sa publiko marami na agad ang na adik dito.

Ako si Vince Logan 22 years old. Half brit. Tatay ko britaniyo nanay ko naman syempre pilipino. Lumipat kami sa pilipinas nung sampong taong gulang na ako. Nakatapos na ng college. Sa isang unibersidad kaso di parin nakakakuha ng matinung trabaho. So ito ako ngayon nag jojob hunting.

Di naman ako bobo. Di naman ako bulakbol na estudyante. Mataas nga grado ko naka pasok pa ako sa deans list deans list nayan! Wala naman palang naiitulong! Tsssk!

Kagagaling ko lang sa isang interview na kung saan sinabihan lang akong tatawagan ako. Sa isang sabi di ako kukunin at naka hanap na ng iba.

Wala tayong magagawa. Sad life ang bida nyu ehh..

So here I am your protagonist a broke adult with a little bit of life left. Syempre may kaunti pa di pa naman ako namatay ehh. Haha! Ok corni ni tsuung.

Nightmare online: ReleaseWhere stories live. Discover now