Bago sinagot ni Faith ang tanong na iyon ni Xavier ay bumangon siya mula sa pagkakahiga at sumandal siya sa headrest ng kama. Kinuha din niya ang unan at inilagay iyon sa kandungan niya.

"Twenty four, Sir." sagot ni Faith habang ang tingin ay nasa harapan.

"I'm four years older than you." sabi ni Xavier. Sa pagkakataong iyon ay bumaling siya sa nakahigang si Xavier. Nakaunan pa rin ito sa dalawang kamay habang nakatitig ito sa kisame. Seryosong nakatingin ito roon. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon si Faith para pagmasdan muli si Xavier. He was really good looking. Hindi naman niya itatanggi iyon. Sige, aaminin na rin ni Faith na isa siya sa mga kababaihan na nahuhumaling rito. Who wouldn't? Xavier was epitome of the word handsome. Isa rin siya sa mga babaeng tagahanga nito bilang isang magaling na car racer slash good businessman. Hindi lang kasi magaling na car racer si Xavier. Magaling din itong negosyante. Pag-aari ng binata ang XB Motors—ang pinakamalaking car company sa bansa. Kaya hindi masisisi ni Faith ang mga kababaihan—lalo na siya na mahumaling rito. Na kay Xavier na kasi ang lahat ng katangian ng gusto ng isang babae. Mayaman, sobrang gwapo at higit sa lahat ay matalino ang binata. Hindi din itatangi ni Faith na crush niya ang binata. Isa rin siya sa mga maraming kababaihan na nahuhumaling rito. Isa din iyon sa dahilan kung bakit tinanggap niya ang alok ng pamilya ni Xavier na maging private nurse nito. Para kahit papaano ay makasama niya ito kahit panandalian lamang. Pagkakataon na ni Faith na makasama ang iniidolo at crush kaya sinunggaban na niya ang pagkakataon iyon. Alam naman ni Faith na mahirap makalapit sa binata—lalong lalo na sa magkakapatid na Brillantes. Kaya, maswerte siya kahit papaano dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makasama and at the same time ay makilala rin ito sa dalawang linggo bilang private nurse ng binata. Ngayon ang kailangan lang gawin ni Faith ay alagaan ito hanggang sa gumaling na ang tinamo nitong pinsala sa aksidente. Pero ang kinatatakutan ni Faith ay baka lalong mahulog ang loob niya kay Xavier. Baka lumevel up iyong nararamdaman niya para sa binata lalo pa't makakasama niya ito ng dalawang linggo. Lalo na't magkasama sila sa iisang kwarto at higit sa lahat ay magkatabi silang matulog sa iisang kama. Alam naman ni Faith na hindi maganda sa kanyang puso ang ma-in-love siya kay Xavier. Dahil alam niyang wala siyang makukuhang katugon kapag nangyari iyon.

So, my heart, be careful. Don't fall in love with him. Okay?Para iwas heartbreak...

-----------

"WAKE UP..."

Isang mahinang ungol lang ang isinagot ni Faith sa gustong gumising sa kanya. "Wake up."

"Give me more five minutes, Ma. Inaantok pa ako. But promise after five minutes ay babangon na ako." groggy na wika niya habang ang mata'y nanatiling nakapikit. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. "Hmm..." wika niya ng maamoy niya ang amoy ng kanyang unan. Pamilyar kay Faith ang amoy pero dahil inaantok pa siya isinawalang kibo na lang niya. Idinilat niya ang isang mata ng maramdamang parang may gumalaw mula sa kinahihigaan niya. Bigla niyang idinilat ang isang pang mata nang mabungaran niya ang mukha ni Xavier na ilang dipa lang ang layo sa mukha niya. Nanlaki ang mata niya ng mapagtantong ang unang niyakap niya ay katawan pala ng binata. Mabilis pa sa alas kwatrong humiwalay siya rito at bumangon. At nasisiguro ni Faith na namumula na ang pisngi niya. Bigla ding nawala ang antok na nararamdaman sa sandaling iyon.

Napasulyap siya sa mga unang inilagay niya sa gitna nilang dalawa ni Xavier. Noong tulog na kasi ang binata kagabi ay naglagay siya ng unan sa gitna nila. Proteksiyon na rin niya iyon para sa sarili at para na rin sa binata. Malikot kasing matulog si Faith.

"G-good morning po, Sir Xavier." bati ni Faith kay Xavier habang pinapasadahan ng suklay ang magulong buhok gamit ang mga daliri sa kamay. Isang simpleng tango lang naman ang isinagot ng binata sa pagbati niya at para kay Faith ay napakalaking improvement na iyon sa parte ng binata. Bakit? Dahil kahit papaano ay tumango ito sa pagbati niya. Napangiti ay napakagat labi si Faith ng maalala kung ano ang nangyari kagabi. Hindi talaga inaasahan ni Faith na maririnig niya ang pagtawa ni Xavier. Wala kasi sa personality iyon ng binata. Napakaseryoso kasi nito. At tingin niya ay napakamahal ang ngiti nito dahil hindi pa niya nakikitang ngumiti ang binata. Kaya nagulat na lang siyang biglang tumawa si Xavier kagabi dahil lang sa sinabi niya. At hindi niya maipaliwanag sa sarili kagabi kung bakit nakaramdam siya ng pagmamalaki sa sarili. Bakit? Dahil sa isiping siya ang dahilan kung bakit tumawa si Xavier.

Bossy Boss (Xavier Brillantes-Completed)Where stories live. Discover now