Chapter Four

11.6K 507 7
                                    


Unedited

PABILING-biling si Faith sa pagkakahiga. Kahit ano kasing gawin niya ay hindi siya dalawin ng antok. Paano naman siya makakatulog kung may katabi siyang isang lalaki sa kama. At hindi lang iyon basta-basta isang lalaki lang—isang nag-uumapaw na sex appeal ang katabi niya. Kanina, sa couch sana siya matutulog. Kinuha na nga niya ang unan at kumot at nang handa na sana siyang mahiga sa couch ay biglang nagsalita si Xavier. Nagalit ito sa kanya dahil hindi niya sinunod ang utos nito. Inulit pa nito ang sinabi nito sa kanya kanina, na hindi siya nito papayagang matulog sa couch. Kaya kahit ayaw niyang tumabi rito sa pagtulog ay wala na siyang nagawa.

Nagmulat ng mata si Faith. Sinulyapan niya ang lalaking katabi niya. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Pero kitang-kita ni Faith ang malapad na balikat ng binata. Hindi tuloy niya napigilan ang mapabuntong-hininga. Mayamaya ay napasinghap si Faith ng marinig niya ang medyo groggy na boses ni Xavier.

"Sleep." wika nito sa nang-uutos na tinig.

Napalabi si Faith. Pati ba naman sa pagtulog ay kailangan siya nitong diktahan. Naku! Nakapa-bossy talaga ng lalaking ito. "I can't sleep, Sir." sagot naman niya sa binata.

"Hindi ka makatulog, kaya nangdadamay ka." ani Xavier. Sa pagkakataong iyon ay humarap ito sa gawi niya. And as usual ay nakakunot noo na naman ito.

Napanguso siya dahilan para tumaas ang adam's apple nito. "Kasalanan ko ba kung hindi ka din makatulog?" sabi niya kay Xavier.

"I told you, I can't sleep if someone looking at me." ani Xavier.

"And I told you so many times that I'm not looking at you, excuse me lang, ha?" hindi mapigilan ni Faith ang magtaas ng isang kilay. Gustong-gusto din ni Faith na sagu-sagutin si Xavier dahil gusto niyang makita ang pagkunot ng noo ng binata. Lalo kasing guma-gwapo ito sa paningin niya sa tuwing nakakunot ang noo nito. Tulad na lang ngayon. Siguro kung ibang babae lang siya ay baka nakaramdam na siya ng takot sa klase ng tinging ipinupukol ng binata ngayon. Pero hindi nga siya ibang babae dahil sa halip na matakot ay nginitian lang niya ng matamis si Xavier dahilan para mapatitig ito sa kanyang mukha. May dumaang kakaibang emosyon sa mga mata nito sa sandaling iyon. Pero no'ng kumurap siya ay agad iyong naglaho. Namamalikmata lang siguro siya.

Nanlaki ang mata ni Faith ng ilapit ni Xavier ang mukha nito sa kanya. "Anong...anong ginagawa mo, Sir?" tanong niya sa kinakabahang tinig. Hindi ito sumagot sa halip ay patuloy pa rin nitong inilalapit ang sarili sa kanya. "A-akala ko ba hindi mo ako type?"

Napamaang si Faith ng hindi inaasahang tumawa si Xavier sa sinabi niya. Nanatili namang nakatitig si Faith sa mukha ng binata habang patuloy pa itong tumatawa. This is her first time she heard him laugh. Hindi pa nga niya ito nakikitang ngumiti kahit isang beses lang. Kaya priceless at nakita at nadinig niya itong tumawa. Kaya para siyang na-starstuck sa kinahihigaan habang pinapakinggan ang pagtawa nito na dahilan upang bumilis ang tibok ng puso niya. She doesn't know why her heart beat just like that. Ito kasi ang unang pagkakataon tumibok iyon ng mabilis habang pinapakinggan lang niya ang tawa nito.

"You really amaze me, Miss Faith." iiling na wika ni Xavier ng mahismasan ito sa pagtawa. Pero naroon pa rin sa mata nito ang amusement habang nakatingin sa kanya.

Hindi napigilan ni Faith ang magtaas ng isang kilay. "Is that a compliment, sir?" painosenteng tanong niya.

Hindi ito sumagot bagkus ay inilagay nito ang dalawang kamay sa ilalim ng ulo nito. "How old are you, Faith?" tanong ni Xavier sa halip na sagutin ang tanong niya.

Bossy Boss (Xavier Brillantes-Completed)Where stories live. Discover now