Kabanata 9

59 5 22
                                    

Kabanata 9

Elthon

Tagaktak ang pawis ko ng makarating ako sa isang ospital. Labis ang kalabog ng aking puso dahil kinakabahan ako. Hawak-hawak ko ang kamay ng aking asawa at batid kong ganon din ang nararamdaman nya.

Mula rito sa labas ng pinto ay rinig namin ang bawat hagulgol na nanggagaling sa loob. Unti-unting namuo ang luha sa aking mata, napakagat labi na lamang ako upang pigilan ang luhang kakawala sa aking mata.

"Ton" tawag ni Irene sa akin, tinignan ko naman sya. Umiiyak sya ngayon sa aking harapan, pinisil ko ang kanyang kamay. Sa ganoong paraan ay pinalalakas ko ang kanyang kalooban

"P-pasok na tayo" sabi ko at tumango naman sya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, liwanag ng sikat ng araw ng tumama sa aking mukha kaya naman napapikit ako at sa muling pagdilat ay nasa lubong ko ang lalaking nakahiga ngayon sa kama. Mahimbing na natutulog at pakiwari'y walang dinadalang problema.

"S-sir" tinakbo ko ang distansya sa aming dalawa at niyakap ko sya ng mahigpit. Kabaklaan mang tignan pero hindi ko mapipigilan ang emosyon ko. Masyadong mabigat ang aking nararamdaman ngayon para isipin pang kabaklaan to.

"S-sir? Gumising po kayo dyan. Laban lang po" sabi ko habang niyuyugyog sya. Rinig ko ang bawat hikbi ng mga taong naririto. Palakas ng palakas ang kanilang pag-iyak, parehong kinakapitan ang mga taong nariyan sa kanilang tabi.

Napadako ang tingin ko kay Sir. Hindi pa rin sya dumidilat, nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Ang sakit, napakasakit na madatnan syang ganito.

Inilinot ko ang paningin ko sa bawat taong naririto hanggang napadako ang tingin ko sa isang matandang babae na nakangiti lamang habang pinagmamasdan si Sir.

"Ano nyo po sya?" tanong ko habang pinapalis ang luha sa aking mata. Tinignan naman ako ng matanda at nginitian.

"Isang anak" aniya. "Isang mabuting anak, isang mabuting tao na palaging tumutulong sa iba pero hindi naman nya matulungan ang sarili nya" makikita ang lungkot na nakapaskil sa kanyang mukha. Parang nalukot naman ang aking puso sa tono ng kanyang pagkakasabi. "Matagal na syang naging malakas, pero matagal na dinh mahina ang katawan nya" pagpapatuloy nya. "Maaaring sa sandaling ito'y nais na nyang lumisan pero batid nyang hindi pa maari hanggat hindi pa dumarating ang huling taong nakausap nya" naguluhan naman ako sa sinabi nya. Sino yung huling taong nakausap ni Sir kung gayon?

"Ano po bang sakit nya?" tanong ni Irene kaya naman napalingon kami sa matanda.

Ngumiti naman ito. "Hindi ko alam. Maski ang doctor ay hindi matukoy ang sakit nya, basta na lamang syang nagkaganyan. Maaring ito'y naging sanhi ng matagal nyang pag-iisa at pagiging malakas sa kabila ng kahinaan na kanyang pasan" ani ng matanda.

Hindi mo mararamdaman ang sakit kung hindi mo makikita ang kalagayan nya. Maaring malakas sya pero tao pa din sya at nagiging malakas din.

Ilang minuto ang lumipas ng muling magbukas ang pinto. Isang magandang dilag ang pumasok at mumugto-mugto ang mga mata laking gulat ko ng makita ang aking boss. Hindi nya kami pinansin at dire-diretso lamang ang pasok nya.

"Don't leave us, please? Please? We need you! Kailangan kita, kailangan ka namin!" aniya at niyugyog ang katawan ni Sir. "Tang-ina wag mong gawin to, kumapit ka pa!"

Hanggang ngayon, malaking palaisipan sa amin kung sino ba talaga si Sir. Hindi namin sya kilalang lubusan. Tanging "Sir" lang alam namin sa kanya.

"Sabi mo hindi mo a-ako iiwan eh! Pero bakit g-ganto? Bakit?" humahagul-gol na sabi ng aking boss.

"Dumating na ang takdang oras" malungkot na sabi ng matanda kaya naman napalingon kaming lahat sa kanya. Lahat kami ay nakakunot ang noo at tumutulo ang luha sa aming mata. Batid namin pare-pareho ang sinabi nya pero ang hirap pa ding tanggapin.

Bigla na lamang tumunog ang makina na sumusuporta sa kanya. Lahat kami ay gulat at tarantang-taranta.

"T-TUMAWAG KAYO NG DOKTOR!" sigaw ng boss ko na pumasok kanina habang yakap yakap si Sir. "NO! YOU CAN'T LEAVE US HANGING HERE! YOU C-CAN'T DO THIS T-TO U-US!" sigaw ng boss ko at humagulgol doon. Ganoon rin ako pati na rin ang ibang taong naririto.

Pumasok ang doktor at pinalabas kami. Sana, sana hindi pa sya tuluyang lumisan dito. Hindi pa namin kaya, kailangan pa namin sya. 

"K-kent" sabi ng aking boss habang nakadungaw sa pinto.

"P-paano mo nalamang ang pangalan nya?" tanong ko kaya naman napalingon silang lahat sa akin.

Ngumiti ng bahagya ang babae at pinunasan ang kanyang luha. "Dahil sya ang una't huling pag-ibig ko. Kaya lahat ng tungkol sa kanyan alam ko"

At bigla na lamang pumasok ang eksena taon na ang lumipas. Nung oras na magtagpo ang mga mata nila, the way na kapag nagsalita. Now it make sense, dahil dati pala silang magnobyo at magnobya. Napabalik na lamang akosa reyalidad ng biglang lumabas ang doktor. At don tuluyang gumuho ang aming mundo.

"Sorry, Mam and Sir. But we did our best para masalba sya pero sya na po ang kusang bumitaw. Time of death..." sabi ng doktor.

Hindi, hindi ito totoo! Ayokong marinig ang sasabihin nya.

"January 12 at 9:34 am"

Pero kahit anong pigil man, hindi magbabagong wala na sya. Wala na ang lalaking minsang nagpayo sa amin.

Ang Mga Payo Ni Sir[COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu