Kabanata 7

57 6 13
                                    

Kabanata 7

Trisha

Hindi mo mararamdaman ang sakit, kung hindi mo pa ito nararanasan.

Isa sa mga narinig ko sa buhay ko pang-araw-araw. Tama nga naman 'yon, dahil paano ka nga ba masasaktan kung hindi mo pa nararanasan diba? Katulad ngayon, alam kong ayaw nya ng makitang umiyak ako. Pero, paano ko mapipigilan ang hindi lumuha? Ngayong nakikita ko sya sa ganitong sitwasyon.

Nakatayo sya sa baybayin, tila kinakabisa ang paglubog ng araw. Tinitignan kung gaano nga ba kaganda ang mga tanawin, ng walang mababakas na kalungkutan sa kanyang mga mukha. Para syang isang inosenteng bata na ang alam lang ay maglaro ng maglaro.

Pinalis ko ang luha sa aking mga mata, ayokong makita nya akong lumuluha. Tiyak na magagalit sya, I need to be strong even though hindi ko kaya. Kailangan ko to. I need to.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa gawi nya. Ang bigat ng pakiramdam ko, nanginginig ang mga kamay ko. Paano kung hindi ny ako matandaan? Paano?

"S-sir" tawag ko sa kanya. Nilingon nya ako, nandon pa din yung gwapo nyang mukha. Yung mapupungay nyang mga mata, yung matangos at perpekto nyang ilong at ang mapupulang labi nya.

"Huh? Ate, ako po ba kausap nyo?" aniya at bakas ang pagkalito sa kanyang mukha. "Hindi naman po ako titser, hehehe" sabay kamot nya sa kanyang ulo.

Hindi ko na napigilan pa, kusang kumawala ang aking mga luha. Tang-ina, ang sakit! Sobrang sakit ng ganito! Bakit sya nagkaganito? Anong ginawa nyang masama?

Nagmadali akong puntahan sya upang mayakap man lamang sya. Batid kong nagulat sya sa ginawa ko pero wala na akong pakielam don. I just want to hug him tight. To the point that I want to feel his pain! Hindi ko makayanang makita syang ganito.

"A-ate? B-bakit nyo po ako niyakap?" tanong nya.

"S-sir. A-ako to si T-trisha, di mo po ba ako matandaa?" tanong ko. Tinignan ko naman sya ng harapan, naka direktang tingin sya sa akin at sabay na umiling. Bumagsak ang balikat ko at sunod-sunod na tumulo ang aking luha. Totoo nga, hindi na sya nakakaalala pa.

"Hala! Bakit ka po umiiyak? Hala! Hala! Yari ako kay Nanay nito at kay Mamang Pulis! Waaah!" bakas ang panik sa kanyang mukha at labis na takot. Takot na baka mapagalitan sya. Ibang-iba na sya noon, ibang-iba na.

"S-sir, hindi nyo ako kilala? Hindi nyo po ba talaga ako matandaan?"tanong ko, umaasang magiging sa bangungot na ito.

Umiling sya. " wala po akong kilalang, Trisha" aniya at muling hinarap ang tanawin.

Napatingin din ako don, sabay balik ng mga ala-ala noon na kung saan nakilala ko sya. Ang gurong minsang, tumulong sa akin. Napakabuti nya, wala syang ginawang masama sa kapwa nya. Pero bakit nya kailangan maranasan ito? Bakit sya pa? Pwede namang iba nalang.

"Ate Trisha" tawag nya kaya naman nilingon ko sya. Pinalis ko ang aking mga luha at sabay ngiti.

"Hmm?"

"Wag ka na pong umiyak. Tignan nyo po yun!" sabay turo nya sa araw na unti-unti ng nawawala. "Maganda po diba?" tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Pero nakakalungkot kasi, mawawala na sya" bakas ang lungkot sa kanyang boses kaya naman para na namang nalukot na papel ang aking puso. "Pero, kinabukasan babalik sya. Parang paglisan lang po yan ate. Sa una maganda pero pagnagtagal na, aalis na. Hindi po kasi lahat nag-stay sa buhay natin. May pagkakataon na kailangan nilang lumisan kasi kailangan yon. Dahil po" nilingon nya ako. "May mga taong nakalaan sayo, at yung umalis na 'yon, hindi sya ang nakalaan sayo. At kapag sumikat ang araw, ibig sabihin isa na lang syang ala-ala sayo. Ala-ala na nagbigay aral sayo, at sa'yong puso.." Aniya at nginitian ako. Napangiti ako habang umiiyak, wala pa rin syang kupas sa pagpayo. Ganon pa rin sya.

"Wag ka na pong umiyak, hindi bagay sayo. Gusto ko kapag nagkita po ulit tayo, hindi kana umiiyak" sabay yakap nya sa akin. Napahagul-gol naman ako don.

Kahit nagkaganito sya, hindi pa rin nawala ang kabaitang meron ang puso nya. Sya at sya pa rin ang Sir namin wala ng iba.

Paregas naming pinanuod ang paglubog ng araw. Sana'y, malagpasan nya ang sakit na kanyang pasan-pasan. Dahil hindi namin nakakayang makita syang nagkakaganito.

Mahal ka namin, Sir.

Ang Mga Payo Ni Sir[COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz