Darkness no.06: Bite and Blood

Start from the beginning
                                    

"Langya kang bakulaw ka!!!!" Sigaw nito.

Biglang binato ni Benedict sa likod ang bampira ng isa niyang sapatos. Boom! Sapol namin ito sa spinal cord. Agad na naagaw ni Benedict ang atensiyon nito kaya naman eh bInitawan niya ako. Para akong isang laruan na biglang hinulog sa may lupa.

Ngayon si Benedict naman ang namumurblema. Di ito mapakali. Dahan dahan naglalakad papunta sa harapan niya ang bampirang panget! Halata sa mga muka nito ang pag sabik sa dugo at pag patay ng tao. 

Sa di kalayuan ay nakikita ko ang reaksiyon ni loko. Para itong matatae na hindi maintidihan. HIndi naman kasi nito kayang gampanan ang pagiging hero eh nag hehero herohan pa! Habang papalapit si bampirang panget kay Benedict ay nakaisip ako ng paraan. Naalala ko kasi ang malaking krus na laging dala ni Benedict pero I wonder kung sa niya ito itinago. Punyemas!

Dahan dahan akong gumapang. Swerte ko namang nakita agad ang bag ni Benedict na hindi yata nilalabhan ng isang taon na nasa ibabaw ng mga magugulong gamit. Agad ko itong binuksan. pero bubuksan ko palang ito ng bigla akong na tense. Pano naman kasi tong si Benedict eh nag sisisigaw na. Kasalukuyan kasing hinihipo hipo ng bampirang yon ang muka nito.

Kaya naman mas dinaliaan ko. Agad kong binuksan ang bag niya. Magulo ang gamit ni Benedict pero. Mas namumutawi ang malaking krus. Dahil nga sa angking laki nito. 

Kahit na nabibigatan sa sobrang laki at nanghihina pa ako ay hinila ko ito sa kinaroroonan nila. HIndi nila naririnig ang pag dating ko dahil nasasapawan ng sigaw ni Benedict ang paglapit ko.

Pumwesto nako sa likod ni Bampirang pangit. Ngunit ng aangatin ko na ang malaking krus eh bigla itong lumingon sa akin. Nagulat ako. Agad kong tinusok ang dulo ng krus sa may tiyan nito. Ngunit hindi rin masyadong madiin. Kahit papano ay nasaktan si Bampira. Sinabayan naman ito ng pagpupumiglas ni Benedict kaya naman eh nakawala siya. 

"Benedict lika na!!!"  Wika ko na nakahawak parin sa krus. Agad ko na tong binitawan ang naturang krus abay bit bit sakin ni Benedict papalabas. Nauna si Benedict na lumabas ng pintuan. Samanatalang ako eh medyo nahuli ng konti. Biglang nanlabo ang paningin ko. Naging blurred ang lahat. Ultimo ang tingin ko sa may pintuan ay guhit na lamang.

"Benedict!!!!" Wika ko. 

Maya maya pa ay may bigla namang may humila sa paa ko. Punyemas! Pagkatapos ay nakaramdam naman ako ng isang matinding sakit... "AHHHH!" sigaw ko sa sobrang kirot. Para akong kinagat ng aso. Baon na baon ang mga pangil nito sa paa ko.

Agad namang akong narinig ni Ben. Mula sa labas ay to the rescue si Loko. Agad niya diniinan ang krus na kasalukuyang naka tusok parin sa tiyan ng Bampirang yon. 

"Patay kayo kay Haring Voltaire! "Wika ng bampira na dumudugo na ang bibig dahil sa pagkagat sa  paa ko. "Ahh magsasalita kapa ahh." Mas lalong diniinan ni Ben ang pagtusok sa krus. Pinaulit ulit niya iyon hanggang sa mamatay ito at mawalan ng hininga. 

"Pare pare gising ka!" Wika naman ni Benedict sa akin habang kinakalog kalog nito ang ulo ko.

"Pare tawagan mo si Kuya!" Wika ko naman.

BIglang mas lumabo ang paningin ko. Halos hindi ko na makita ang paligid. Para itong puno ng hamog. Ultimo ang muka ni Benedict na nakaharap sa akin ay hindi ko na makita.

Pare!!!! Pare!!! Pare!!!

Yan nalang ang paulit ulit ko ng naririnig pag ka pikit ko. Ang buo kong lakas ay unti unit ng nawawala. Sabayan pa natin ng pagod at sakit ng sugat ko.

Tapos nun ay hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. 

X~X~X

TOT TOT TOT! Yan ang naririnig ko pag katapos kong mag karoon ng malay. Tunog pala ito ng isang aparato na naglalayong imonitor ang galaw ng aking puso. Unti unti kong binuksan ang mata ko. Hindi ko maigalaw agad ang mga barso ko at paa. Teka baldado naba ako?

Ang expected ko sa aking muling pagmulat ay nasa ospital ako at that time dahil yun naman ang kadalasan ng pinupuntahan ng mga kagaya kong galing sa engkwentro.

Oo may breathing aparatus... check!

Nasa hospital bed ako... check!

May dextrose... check!

Nakabenda ang aking mga sugat... check!

Naka hospital clothes ako... check!

Pero bakit ganon? Para akong nasa isang malaking incubator??? Nasa ospital ba talaga ako??? Wika ko sa aking sarili habang nakatingin sa buong kwarto.

Nasan na kaya si Benedict? Pero bakit ako lang ang nandito??? Follow up kong tanong. Bigla akong kinabahan. Agad akong napatingin sa sugat ko sa paa. "Paano kung...???" Tanong ko bigla ngunit hindi ko na naituloy.

Biglang may dumating na mga doctor makalipas ang ilang minuto. Naaninag ko kasi sa mala plastik na kurtina na nakabalot sa kama ko ang mga pigura nila. Agad akong pumikit ulit mula sa may kama ko. Kunyari eh natutulog lang ako upang kahit papano ay marinig ko ang paguusap nila.

"Nagising naba siya?" Sabi ng isang lalaking doctor.

"Doc hind pa po." Wika naman ng isang nurse na babae. 

"Okey imonitor ninyo lahat." Wika ni Doc.

"Yes Doc!" Agad namang tugon ng nurse at sa pakiwari ko ay may sinusulat siya sa isang maliit na clipboard.

"Where's the result?" Tanong naman ni Doc. Pag katapos himas himasin ang dextros.

"Ito po doc." Sabi naman nang nurse.

Muling natigilan sila sa pag sasalita. Hindi ko alam kung bakit. Nakatulog ba sila???

"What's the result Doc. Marquez?" Tanong ng isa pang Doctor.

Sandali muna itong ng pause. "Posiitive ang result!" Wika ng Doctor sa medyo nadismayang boses.

Red Moon (Published Book under LIB)Where stories live. Discover now