Chapter 6 . Step Brother

Magsimula sa umpisa
                                    

Mom?! It's already one am. Nagmadali akong lumabas at nakita kong nagmamadali din si kuya. Sabay kaming tumingin sa ilalim ng stairs at nakitang nagsisigawan si daddy and mommy.

"ANONG GUSTO MONG GAWIN KO RYLE? PABAYAAN NALANG SIYA?!" sigaw ni daddy at halatang galit na siya pero nakikita parin ang sakit sa mata niya.

Hindi ko mapigilan ang mapahikbi sa nakikita ko. Hindi ko sila kayang makita ng ganito. Yinakap naman ako ni kuya.

"IKAW LUKE?! ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?! TANGGAPIN SIYA?! HINDI AKO GANUN KA MARTYR! HINDI AKO GANUN KABAIT! TAO LANG AKO!" sigaw ni mommy at tumakbo papunta sa direksyon namin. Parehas silang nagulat ni dad na makitang nandoon kami.

"Chand, Alina.. halika kayo. May sasabihin ako sainyo mga anak." sabi ni mommy at hinila kami papasok sa kwarto ko pero nagsalita ulit si dad.

"Sasabihin mo na sakanila?" tanong ni dad sa mahinahon na boses. Humigpit ang hawak ni mommy sa amin.

"Hindi ako katulad mo luke. Hindi ko hahayaan na bukas.. magulat nalang ang mga anak ko pag pinasok mo na siya sa pamilya natin." Saad ni mommy habang tumutulo ang mga luha niya.

Naguluhan ako lalo. Kita ko rin ang pagkalito sa mata ni Kuya. Hinila kami ni mommy sa kwarto ko. Umupo kaming tatlo sa kama.

"Mom ano bang nangyayari?" mahinahon na tanong ni kuya pero bigla nalang humagugol ulit si mommy.

"Mom!"

Mabilis ko siyang yinakap.

"May anak sa iba ang daddy niyo"

Napaawang ang labi ko sa sinabi ni mommy. No that can't be! Baka may pagkakamali lang. Hindi magagawa ni daddy 'yon!

Naramdaman ko ang pagsakit ng puso ko. I can see mom's pain as a mother and a wife. I can also feel my pain as my dad's daughter.

"Kukupkupin niya ang bata. Ayokong idamay yung bata sa galit ko sa nanay niya pero hindi ako perpekto. I'm sorry kids if I haven't protected this family."

Umiling ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni mommy.

"Mom.. don't worry. We will accept him as long as hindi kasama yung mommy niya. Of course I know that would hurt a lot and you have protected this family. It's just.. things happen.."

Tama siya, hindi pwede idamay ang bata sa gulo. Wala naman siyang kasalanan sa nangyari. Though I still want to hear dad's side.

Though I still wish na panaginip lang ang lahat.

"No!" sigaw ni kuya. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Pero lumabas siya.

Namilog ang mata ko at nagmadali kami ni mommy para sundan si kuya at nakita namin na sinuntok niya si dad. Napaawang ang labi ko sa nakikita ko.

The family I thought was perfect is getting destroyed in frong of me.

"How could you that, dad? Kayo pamo ang hinahangaan ko dito sa pamilyang then ito lang gagawin niyo?! Now? You want us especially mom to accept your child sa ibang babae?!" sigaw ni kuya na galit na galit.. well dad trained him to be the protector of this family when he is not around.

"Don't talk to me that way! I am still your father!" sigaw ni dad. Pero ngumisi lang si kuya.

It's like seeing the Luke 2.0.

"No dad. I won't tolerate this. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang kapatid ko at ang mommy." sabi ni kuya at kumunot naman ang noo ni daddy.

"Hanggang hindi kayo nakakapag desisyon kung anong gagawin niyo sa anak niyo sa labas. Aalis muna kami" sabi ni kuya.

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon