CHAPTER 8

7K 134 0
                                    

Papasok pa lang sina Marivic sa mala-villa'ng gate ng farm ni Lance ay hindi niya na mapigilang humanga sa ganda ng paligid. Sobrang lawak ng garden. Halatang alagang-alaga maging ang damo sa lupa dahil sa pagkakapantay ng taas ng mga ito. Nagkalat sa garden ang mayayabong at matataas ang puno ng niyog, acacia, mangga at kung anu-ano pang fruit bearing trees na tila sinukat ang layo sa isa't isa. Pinasadya din ang upuang gawa sa semento na nagsisilbing barrier ng mga puno. Lumapad ang ngiti niya nang may mahagip siyang hammock sa di kalayuan. Katulad ng paborito niyang lugar sa hardin nila. Kung pagmamasdan ang berdeng paligid, hindi mo aakalaing dinaanan ng bagyo ang farm nito sa sobrang ganda.

Lance's place is close to paradise. Kung may ganoon lang silang pag-aari, malamang ay matagal niya ng naisipang magresign at magconcentrate na lang sa photography and online jobs. Sa lugar pa lang nito, marami na siyang makukuhang subject. At hindi siya magsasawang humarap sa laptop niya kung nakahiga siya sa isa sa mga hammock na nandoon.

Tumikhim ang lalaki. "Pasensiya ka na sa lugar ha?"

Napatingin siya dito. Bagama't may nakikita siyang panunukso at yabang sa ngiti ng lalaki, hindi iyon ang klase ng yabang na madalas nitong pinang-aasar sa kanya. It was something that he was really proud of.

"Ang yabang mo talaga 'no?" nakatawang sabi niya. Kung siya man ay may ganoong farm, talagang ipagmamayabang niya din iyon.

Nakitawa din ang binata sa kanya. Pagkatapos ay kumibit ng balikat. "Pagdating sa lugar nito, totoo talaga ang kayabangan ko."

Well, hindi niya ito masisisi. Every corner of the place spells heaven. Maging ang bungalow and American style house ng lalaki. Gawa iyon sa narra tree. Ang haligi ng bahay ay gawa sa brick at nagbeblend ng maganda sa kulay ng kahoy. May walong baitang na hagdanan bago ka makarating sa main door. May maliit na balcony at rocking chair sa isang gilid. At talagang ginastusan ang bubong.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nito. Bumaba ito. Hindi niya intensyong hintayin na pagbuksan siya ng binata. Pero sobra siyang naging abala sa pagmamasid sa paligid kaya hindi niya na namalayang nakaikot na pala sa tabi niya ang lalaki at binubuksan na siya nito ng pinto.

"Thanks." mahinang sabi niya na hindi man lang gaanong pinansin ang lalaki. "Ang ganda talaga..." She can't help but be astonished with his haven. No wonder nagpablackmail ang lalaki sa nanay niya. Kung siya man ang malagay sa katayuan nito na nanganganib na mawala ang isang lugar na tinuturing niyang paraiso, kahit siguro ang makipagdate kay Mulo ay gagawin niya.

"Hindi ko inaasahan na makukuha ko ang reaksyong na yan galing sayo."

Napangiti siya. Pagkuwa'y tinampal ito sa braso. "Ano ka ba, hindi naman ako namemersonal eh. Sayo lang ako imbyerna. Bakit ko naman isasali tong maganda mong farm?" biro niya.

Natawa lang ito. Alam nila parehong tapos na sila sa stage na inis sa isa't isa.

Natigil ang usapan nila sa sigaw ni Mulo. "Bossing!" Lumitaw ito sa kaliwang bahagi ng bahay. Binati siya nito na ginantihan niya rin.

"Handa na bang pananghalian?" tanong ni Lance.

Nagkamot ito ng ulo. "Hindi pa po eh."

"Ayos lang. Ililibot ko rin naman si Mavic sa buong farm. Pakilabas naman ng mga bisikleta."

Hindi niya napigilang hindi magtaas ng kilay sa sinabi nito.

Sumaludo ito sa binata. "Areglado bossing!"

Nang tumalikod ang binatilyo ay hindi niya napigilang hindi sundan ito ng tingin. Narinig niya ang sigaw ni Mulo para ipaalam ang pagdating nila. Kasunod niyon ay ang masayang hiyawan ng mga nasa likod ng bahay.

The Unscripted Love (UNEDITED & COMPLETED)Where stories live. Discover now