*26: Fetus - Abortion

Start from the beginning
                                    

                “Hindi mo alam kung anu-ano pa ang mga kaya kong gawin.”

                “Tigilan mo na ‘ko! Sinubukan kong pumatay kagabi, pero hindi ko nagawa! Sirang sira na ang buhay ko! Tigilan mo na ‘ko!”

                “Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko ‘yun nakukuha!”

                “Ayoko na!”

                “Sumusuko ka na? Sinusuko mo na ang buhay ng pamilya mo?”

                “Ililigtas ko sila! At sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!”

                Tumawa s’ya. “Ano’ng gagawin mo? Babyahe ng sampung oras para bantayan ang pamilya mo? E, paano kung sa loob ng sampung oras na ‘yun, ay napatay ko na sila?”

                “Hindi mo kayang gawin ‘yun!”

                “Sigurado ka?”

                Kung pareho kaming nandito sa terminal, imposibleng magalaw n’ya ang pamilya ko. At kung plano n’yang makipag-unahan sa’kin sa probinsya, malamang ay sabay kaming makakarating doon. Mapipigilan ko s’ya. “Sigurado ako.”

                Ngunit muling s’yang tumawa. “Kung gano’n, pakinggan mo ‘to.”

                Naramdaman kong inilayo n’ya sa kanya ang gamit n’yang telepono at itinapat ito sa ibang direksyon. Malinaw kong narinig ang mga taong nag-uusap.

                “Anak, patayin mo na muna ‘yang TV. Kumain ka na.” Boses ni Mama.

                “Opo, Ma. Sandali lang po.” Boses naman ni Gale, ang bunso kong kapatid.

                “Bilisan mo’t hindi na ito masarap kapag malamig.” Narinig ko ang pagkalansing ng mga kutsara’t tinidor, at paggalaw ng mga upuan. “Tawagin mo na rin ang mga kapatid mo.”

                Natulala ako. Hindi pwede ‘tong iniisip ko. Imposible! Imposibleng nasa probinsya ang lalaki. Imposibleng nasa labas s’ya ng bahay namin at nagtatangkang patayin ang buo kong pamilya. Nag-isip ako ng pampakalma; kailangan ko ng mga positibong bagay. Bigla kong naisip, andu’n si Papa. Hindi n’ya hahayaang may manakit kina Mama at sa mga kapatid ko. Ngunit bigla kong narinig ang usapan sa kabilang linya.

                “Ma, nasaan po si Papa?”

                “May inasikaso lang sa kabilang bayan, bukas pa uuwi.” Tumunog ulit ang mga kutsara’t tinidor. “Halika, kumain na tayo.”

                Dumoble pa ang bilis ng tibok ng puso ko kumpara kanina. Hindi ko na alam kung ano’ng iisipin.

                “Layuan mo ang pamilya ko!”

                “Gawin mo kung ano’ng gusto ko.”

                “Demonyo ka! Napakasama mo!”

                “Pareho lang tayo.”

                “Ilang taon na ang nakalipas! Nagsisi na ‘ko!”

                “Kahit sabihin mong nagsisi ka na, ikaw pa rin ‘yun! Ikaw pa rin ang Dominic na nagtangkang pumatay ng kapwa n’ya; na nakipagtalik sa isang babaeng hindi n’ya kakilala! Ikaw pa rin ‘yung Dominic na madumi’t makasalanan! Kaya sabihin mo nang demonyo ako, pero magkasama tayong pupunta ng impyerno!”

Ang Mga PangalanWhere stories live. Discover now