Chapter 17 (Where Do I Belong?)

Magsimula sa umpisa
                                    

Wala ng graduation ceremony..

Sayang yun pa naman yung hinihintay ng lahat

..

Bagsak din dapat ako sa Computer eh..

Kaso sabi ko gusto ko pa din mag summer class..

Ayoko naman kasing pumasa lang ako bilang pagbabayad ng eskwelahan sa kapalpakan na nangyari..

Sayang naman ang matututunan ko..

Kaya yung ibang 4th year na may mga bagsak din nagrequest na lang ng summer class.. isa ako duon..

Pero nag-arkila na lang yung school ng ibang building para pagdausan ng klase..

Kagaya ko kasi ayaw na namin makita yung eskwelahan..

Nag ka trauma din ako..

Halos lahat ng nakaligtas..

Ayaw na balikan yung lugar..

….

Nagkaroon din ng misa para sa mga namatay  na pinamunuan ng school namin..

Nung una parang ayoko magpunta..

Pero naisip ko pumunta na lang..

Nang sa gayon kahit papano may kasama akong magdasal para sa mga pumanaw..

Kaunti lang ang tao..

Yung iba kasi hindi pa din matanggap ang nangyari..

Masakit pa din naman para sa akin lahat..

Kaso naisip ko na din na maki-isa dito..

Mahalaga din kasi na marinig ko yung sasabihin ng pamunuan ng school sa misa dahil isa ako sa estudyante nila..

.....

Matiwasay na nailibing si Jared..

Duon ko napag alaman na lima pala sa kaklase ko ang namatay..

Lahat yun bilang respeto sa kamag-aral at kaibigan..

Dumalaw ako at nakipaglibing..

…….

Si  Mam Ana naman..

Ay inuwi ang bangkay sa probinsya kung saan naninirahan ang pamilya nya..

Kawawa naman ..

Sya pala ang tumataguyod sa pamilya nila..

Magkikita kaya ulit sila ng boyfriend nya??

Dahil hindi ko na sya nakita kahit nasa loob ng kabaong pinagdasal ko na lang sya ..

Yun na lang kasi yung magagawa ko para bumawi sa mga kabutihan nya sa akin..

…….

Si Colleen naman..

Nakatakip ang kabaong..

Dahil siguro sa hindi magandang kondisyon ng nangyari sa katawan nya..

Umiyak ako nung unang gabi na dumalaw ako sa burol nya ..

Gustong gustong gusto ko sana sya tignan sa kabaong para makita man lang yung maamo nyang mukha..

Pero hindi pwede..

Sa huling hantungan nya pina cremate sya..

Sayang naman noh.. kung nabuhay lang sana sya ..

Mas lumalim pa yung pagkakaibigan namin..

Siguro mas tumibay pa yung samahan namin..

Kaso wala na ..

Sabagay mas Masaya na sya kung nasan sya ngayon..

Minsan Sa Wattpad May Isang Walang Kwentang KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon