Chapter 17 (Where Do I Belong?)

249 16 17
                                    

Nang gabi din yun nahuli si Putol sa tulong ng matalinong bata na si Donna..

Hindi ko na alam kung anu-anong kaso ang isinampa sa kanya o kung  gaano katagal syang magbubuno sa kulungan ..

Ayoko na din usisain..

Ang mahalaga naman nagkahustisya ang mga namatay..

Ang mahalaga Nagsisi si Putol sa ginawa nya..

At higit na mahalaga ay Humingi sya ng tawad..

Oo siguro nga mahirap syang patawarin dahil sa dami ng nawakasan nyang buhay ..

Pero para sa akin ..Sa sarili kong opinyon.

Yung magsisi ka at humingi ka ng tawad..

Kahit gaano kalaki yung kasalanan mo ..

Sapat na yun..

Alam kong maraming taon syang uusigin ng kunsensya nya ..

Pero alam ko din ..

Darating ang araw..

Pag napagbayaran na nya ang lahat..

Pag inabot nya ang kanyang kamay sa kawalan..

May hahawak nito para tulungan ulit syang bumangon..

………….

Ilang araw lang din nahuli si Diego..

Ang guard ng school..

Kung mas mababa ang sintensya nya , di ko na  yun alam..

Basta..

Mapagbayaran na din nya yung kasalanan nya..

At magsisi din sya..

Sapat na yun ..

Wala ng dapat pang pag-usapan

…..

Ayoko na din mag hangad na sana mamatay na din sila.

Kagaya ng gusto ng iba ..

Naisip ko kasi..

Tao din sila..

Nagkakamali..

At ang nagkakamali..

Dapat pinapatawad…

…………………..

Nagsimula daw magka trauma si Donna

Kinabukasan matapos yung insidente..

Pinagbakasyon muna yata sya sa ibang bansa para matakasan yung takot..

Pilit daw syang tinatanong kung sinong nagligtas sa kanya..

At sino ang gumawa ng pagtali kay putol para hindi makatakas..

Ang lagi lang daw nyang sinasagot..

“Si Jesus… Dahil mahal nya ako..”

Matapang yung batang yun ..

Alam ko ..

Malalagpasan nya agad lahat ng takot..

…………………

Pinasara na ang school namin..

Marami din nag demanda eh..

..

Para bigyan ng konsederasyon ang mga magtatapos na kagaya ko

Ipinasa na lang kami sa lahat ng subject..

Minsan Sa Wattpad May Isang Walang Kwentang KwentoWhere stories live. Discover now