Chapter 13 (I Can't Stand To Fly)

171 15 8
                                    

Chapter 13

Sa isang iglap nagbago ang lahat..

Kanina lang ordinaryo lang ang araw ko..

Kanina lang bugnot na bugnot ako dito sa school..

Sobra sa bilis ang mga pangyayari..

Ngayon nababalutan ako ng takot..

Ngayon para na kong biglang napunta sa isang gera ..

Kahit naman sino hindi aasahan ang nangyayari ngayon sa isang eskwelahan ..

Tuloy tuloy ang tunog ng bell ng school ..

Nagkakagulo ang lahat ..

Marami pa ring estudyante ang nagtatakbuhan ..

Mga takot na takot din ..

Ang daming sugatan ..

Ang daming patay ..

Yung kaninang walang kwenta kong araw

Ngayon delubyo na ..

Kanina lang nakikipagmurahan ako kay Jared …

Kanina lang si Carlie sobrang Feeling maganda..

Kanina lang si Mam Ana ang ganda ganda pa ng ngiti sakin

Si Colleen ,kanina lang Masaya kaming naguusap ..

Ngayon lahat sila patay na ,

Patay na katulad ng ibang estudyante na akala eh ordinaryong araw lang ang meron sila sa eskwela ..

..

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na panaginip lang ang nangyayari ..

Pero hindi ..

Kahit ilang beses ko kusutin ang mga mata ko at imulat ulit..

Kahit ilang beses ko pagsasampalin at sabunutan ang sarili ko ..

Hindi ko na maitatanggi ..

Totoo to lahat ..

Lahat ng to ..

Hindi panaginip ..

……

Pero hindi pa pala tapos ..

Ngayon..

Hawak ni putol ang isang bata habang tutok tutok ang baril sa ulo nito ..

Na sa pagkakakilanlan ko eh apo ng principal ..

Si Donna..

Isang grade 1..

…..

Nagtatakbuhan ang mga estudyante palabas ng school

Ang dami na ring nausyoso sa labas ng gate na mga nakarinig ng pagsabog ..

May nasusunog na din sa room kung saan unang may sumabog na pinagtutulungang patayin ngayon ng mga nagtatapang tapangang mga estudyante at guro ..

Hindi na alintana ng iba yung mga nadadaanan o naaapakan nilang bangkay basta makalabas lang sa gate na bahagya din na nasira ..

..

Ako eto nakatayo lang ..

Hindi alam kung aalis na din ba

O

Susubukan ko din magtapang tapangan para tumulong sa iba ..

..

Naririnig ko pa din ang iyak ni Andrea

Minsan Sa Wattpad May Isang Walang Kwentang KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon