#12 ang kanta

308 18 13
                                    

*kinabukasan*

 di pa rin ako makaget over sa text ni Calvin kagabi. hahaha. pero ngayon, wala na naman siyang text. ni hindi niya sinabi kung dadaan niya ako at sabay kaming pupuntang school. :( naman kase. umaasa na naman ako. konting text niya lang eh umaasa na agad ako. eh di ba kaibigan niya lang ako? --_--

naglakad na ako papuntang school. hindi ko na hinintay si Calvin alam ko namang ganun pa rin yung mangyayari. --___-- mauuna na naman siya sa school.

at yung kanta niya. syet lang. di ko pinakinggan.

saka na pag ready na ako. hahaha. epic talaga noh?

isa lang naman akong ordinaryong estudyante, anak, kapatid. at isang normal na taong nagmamahal sa isang tao di naman ako kayang mahalin pabalik.

naalala ko pa nung una kong nakilala si Calvin. masaya talaga kame nun. sobrang saya. ako naman kasi talaga. di ko napigilan ang sarili kong mahalin siya.

pero ganun naman talaga diba? may mga bagay na kahit anong pigil mo, nangyayari at nangyayari pa rin.

"bangs!" narinig kong mallit na tinig na pumasok sa tenga ko. naka earphone kase ako pero asa kayo, di ko pinakinggan yung kantang sinend niya sa akin kahapon.

lumingon ako. nakita ko si Calvin na inis ang mukha.

ano naman? bakit magkasalubong na naman ang kilay ng kupal na to?

"napakinggan mo ba yung kanta?" tanong niya sa akin.

syempre nagkunwari ako. sabi ko naman "OO napakinggan ko."

kunwari lang yun. baka kasi magtampo siya pag nalaman niyang di ko yun pinakinggan kahit intro lang.

hahahaha. nakatingin lang naman siya sa akin.

"tapos? anong ma-masasabi mo?" nauutal niyang tanong sa akin. ha? anong masasabi ko.

"syempre maganda. " nakangiti kong sagot. kahit di ko naman yun pinakinggan. syet naman kase. required ba talaga yun na mapakinggan ko? --_______-- ayoko na..

"maganda? yun lang?" sabi niya. ay ano pa bang dapat kong sabihin?

"halata namang di mo pinakinggan. grabe ka naman." sabi niya sabay walk-out.

hala ka? anong nangyari dun? paanong nalaman niya na di ko yun pinakinggan?

"hoy Calvin, saglit nga!" sabi ko sabay habol sa kanya.

naman. malelate na talaga kame sa ginagawa namin. naglalakad na nga lang kame, pahayahay pa. syet.

"di mo man lang pinapahalagahan yung gawa ko." sabi niya sa akin.

sabi ko na sa inyo eh. magtatampo talaga ang kupal na to.

"oy wag ka ngang OA. tsaka isa pa, okay lang naman yun kahit di ko pa pinapakinggan eh di naman yun para sa akin." diretsahan kong sabi sa kanya.

"tanga." bigla niyang sabi sabay lakad.

"OO. TANGA AKO." bigla kong nasabi yun ng malakas dahilan para mapahinto siya sa nilalakaran niya.

patay. nilingon niya ako.

"sana kahit kalahati man lang ng kanta, pinakinggan mo." sabi naman niya.

"oh eh di ngayon ko pakikinggan." sabi ko sabay scroll down sa playlist ko. ang simple lang kaya ng problema namin.

hinablot naman niya ang cellphone ko. syempre, picture naming dalawa ang wallpaper dun. HAHAHAHAHAHA. syet lang eh. laglag ako.

kinuha niya sa akin ang cellphone kong lenovo at ewan ko kung anong ginawa ng kupal na yun. dinelete niya yata yung kanta. kontrabida talaga siya.

"wag mong idelete." sabi ko. tiningnan naman niya ako.

sana matapos mong marinig ang kanta, walang magbabago sa ating dalawa.

naguluhan ako sa sinasabi niya. bakit naman ako magbabago matapos kong marinig yun? ah oo. kasi baka akala niya iiwasan ko siya kasi syempre may mahal siyang iba. at yung kantang gawa niya para yun dun sa babaeng kinababaliwan niya.

syet talaga. di nalang ako sumagot.

------------0----------

buong araw kaming di nagkita ni Calvin. huling pag uusap namin yung tungkol sa kantang gawa niya kaninang umaga. malapit na pala ang Finals. paniguradong subsob na naman ang mga estudyante sa pag aaral.

pauwi na  lang ako, wala pa rin si Calvin, di man lang siya nagtext kung sabay ba kaming uuwi o may date siya.

naglakad na ako. nagsimula na naman akong nagmumuni muni.

mahirap pala talagang umasa sa isang bagay na malabo.

nilagay ko ang earphone ko sa tenga at nag soundtrip na ako habang naglalakad pauwi.

kumakanta kanta ako sa daan habang naglalakad. nung nasa gate na ako ng bahay namin, naalala ko si Calvin, sobrang namimiss ko siya kahit nagkita naman kami kaninang umaga. namimiss ko ang text niya. at ang pangungulit niya sa akin. :(

diretso ako sa kwarto ko at humiga kahit di pa ako nagbibihis ng pambahay.

biglang next song na ang nagpeplay sa earphones ko. io-off kona sana nung..

NAPATIGIL AKO SA NARINIG KO.

eto na ba ang kantang gawa niya?

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon