#9: FIL-AM filingerang ambisyosa

338 23 7
  • Dedicated kay Vanessa Montebon
                                    

Halik sa NOO. Parang tumigil sa pag ikot ng mundo. Ano yun? Nalunod ako sa di maipaliwanag na dahilan. Gadddd!! Hahaha. Kinikilig yata ako. Hindi yata, KINIKILIG TALAGA AKO! Wahaha!

Kame naba??

 Tss.

Kakasabi lang niya na di ka mahalaga sa kanya, nag iilusyon ka na naman na gusto ka niya? Porket hinalikan ka sa noo eh kayo na? eh magkaibigang nga kayo eh. Syunga!

Nabibingi ako sa sigaw ng utak ko.

“hoy!” sabi ni calvin sabay batok sa akin.

Sabi na eh! Pagkatapos niya akong halikan sa noo bigla niya akong babatukan.

Picha. Paasa talaga ang hunghang na to!

“ano ba?” ako yan. Inis na talaga ako.

Tawang tawa naman siya sa akin. Ano bang nakakatawa?

“kala ko ba may klase ka pa?” natatawang tanong niya sabay hila sa kamay ko.

“bitaw nga! Tae ka talaga calvin oh.” Inis kong hinila ang kamay ko.

Binitawan niya naman ako at tiningnan ng masama.

“alam mo, ikaw. Nagiging moody ka na talaga. Meron ka ba?” seryosong tanong niya ng walang preno preno.

“anong meron ako?” inis kong tanong sa kanya.

“ano. Um. Yung monthly flow ng pacific ocean.” Sagot niya sabay talikod at naglakad.

Ano yun?? Monthly flow ng pacific ocean? Ang lalim ng English niya. Swear! Ano ba kase yun?

Monthly…

Then I knew it! pati ba naman yun itatanong niya sa harapan ko?

Hinabol ko siya sabay sapak ng likod niya.

Sapul!

“aray naman. bakit ba?” inis niya akong nilingon.

“wala lang! sige aalis na ako. May klase pa ako.” Sabi ko at naglakad na palayo.

Malayo na ako sa kintatayuan niya.

Loko yun. Di man lang ako sinundan. Hahaha! Asa pa ako. Tss.

Pumunta na ako sa classroom ko. pilitin ko mang making. Wala pa rin akong concentration sa klase ko. this is getting worst.

Hanggang sa mag dismissal na kame.

Wala pa rin ako sa isip. Gusto kong kausapin si calvin.

Pero natatakot ako.

Si Calvin naman kasi. Di ko talaga alam kung ano ang iniisip niya. Pansin ko na sa buong kwento na to, ako at ako lang ang may point of view. Ako lang ang nagsasalaysay ng mga nararamdaman ko. ano ba naman yan author. Gusto kong marinig ang salaysay ni Calvin. Hahaha.

Ni minsan di ko magets kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Di ko alam ang takbo ng utak niya. Minsan moody, minsan sweet. Minsan nagagalit na lang bigla. Kaya minsan naiisip ko, kaya siguro wala siyang masyadong kaibigan. Mabait naman siya sa oras na makikilala mo siya.

Pero kung di mo siya kilala, siya ay isang mayabang at trouble maker na tao. Kwento nga niya sa akin nung highschool siya, lagi siyang napapagalitan ng teacher niya kasi sobrang pasaway raw siya. Minsan pinaparusahan pa siya.

Hayyy. Si Calvin naman kasi. Kung di lang ba siya sweet at maalaga sa akin, di talaga ako magkakaproblema ng ganito!

I fell in love with my bestfriend.

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon