Chapter 1

846 18 0
                                    

Tulad ng mga totoong Royalty, ang isang Prinsesa at isang Prinsipe ay hinahangaan at kinagigiliwan ng lahat.

Tulad din sa mga fairy tales, kapag nagsama ang isang Prinsesa at Prinsipe, expected ng lahat na wala ng makakahadlang sa kanilang pagmamahalan.

"Si Keith!!!" tili ng isang babaeng estudyante.

"Uy, si Sophie!" bulungan din ng ibang estudyanteng lalaki.

"Ayan na sila!"

Walang katapusan ang mga bulungan sa tuwing makikitang dadaan ang dalawa sa pinakasikat na estudyante sa Haylight International Highschool.

"Sheeeeeeet! Bagay na bagay talaga sila no?!" tili pa ng grupo ng mga babaeng nagkumpol kumpol sa gilid ng school hallway habang magakahawak kamay na dumadaan ang Campus' Perfect Couple.

Sophie Morales. Sya ang nabansagang Campus Princess dahil sa taglay nitong kagandahan at kabaitan. Always confident, presentable and nice to everyone. Kakatransfer lang nito last year, ganun pa man, mabilis ang pagsikat nito sa buong eskwelahan. Isang Role Model ang tingin sa kanya ng mga guro. Tulad ng isang gandang prinsesa, madami syang mga tagahanga mapa babae o lalaki man.

Keith Jacobs. Dala ng isang pagiging half-australian, ang kanyang kagwapuhan ay di matatawaran. Sya naman ang nabansagang Campus Prince ng Haylight International School. Daig pa ang isang artista dahil sa may sarili itong fans club. Liban sa outstanding physical hotness nya, sya rin ang nangunguna sa kanyang klase. Magaling sa sports at marunong tumugtog ng iilang musical instruments. Sa loob ng tatlong taon nya sa highschool, there was never a day na walang nagcoconfess ng feelings sa kanya hindi lang sa sarili nitong eskwelahan kundi sa ibang schools din.

"Ganda talaga. Sayang pare, mukhang wala na talaga tayong pag asa kay Sophie." side remarked ng ilang estudyanteng lalaki

"Nagtaka pa kayo. Obvious naman na sa school na ito, no one is better than Keith! Looks pa lang, wala na kayong binatbat! Mahiya nalang kayo kung magtangka pa kayong makipagkumpitensya sa kanya no." sagot ng ibang estudyanteng babae

Kasabay ng pagtatalo ng ilang estudyanteng babae at lalaki, deadma'ng nagpatuloy sa paglalakad ang tinaguriang The Campus Perfect Couple kahit dinig na dinig naman nila ang bawat sinasabi ng mga estudyanteng nakapaligid sa kanila.

Parang wedding lang ni Prince Charles at Kate Middleton ang gracefulness ng kanilang paglalakad. Kulang nalang ay lagyan ng red carpet ang lupang tinatapakan nila dahil sa nag split sa dalawang opposite side ang mga estudyanteng nag aabang sa kanilang pagdating.

As soon as makarating na ang dalawa sa mas tahimik na lugar at nasigurado ng walang ibang tao kundi silang dalawa lamang...

"How long do you plan to stick to me?!" bulyaw ni Sophie sabay pagsapok ng hawak nitong libro sa ulo ni Keith.

"Ouch! What did you do that for?! Ikaw nga to'ng parang tuod kung makadikit sa akin! Tapos pawisin pa yang kamay mo, pasmado ka ba?!" balik ni Keith dito

"Ang kapal ng mukha mo ah! Ikaw nga dyan parang linta kung makahawak sa kamay ko! Halos matapilok pa ako sa bilis ng paglalakad mo! Nagmamadali ka?! May lakad?!"

"Alam mo, just shut up. Mababasag na eardrums ko sa tinis ng boses mo eh!"

"Ah shut up pala ah?" sinabunot ni Sophie si Keith ng dalawang kamay.

At nagpatuloy ang bangayan ng dalawa.

Yan ang totoong Sophie Morales at Keith Jacobs. Pag wala ng ibang taong nanunuod sa kanilang bawat galaw, lumalabas ang tunay nilang mga ugali.

Sophie in reality is clumsy, unladylike and has a very low self-confidence. Marami syang insecurities sa sarili nya na itinatago. Kailangan nyang magpanggap na confident, demure, at mabaet sa lahat ng tao kahit deep inside eh gusto nalang nyang sumigaw na tantanan na sya ng lahat.

Keith on the other hand is actually not the genius guy everyone thinks he is. Since mayaman sila, his mother hired one tutor for each subject that Keith is taking. Ganun din pagdating sa pagtugtog ng mga musical instruments at sport related matters. He is rude and is a very short tempered guy. All the time that he needs to pretend that he's cool, truth is gusto nya nalang bulyawan ang mga babaeng walang sawang naghahabol at lumalandi sa kanya.

Well. Well. Well.

So much for being THE PERFECT COUPLE everyone thought they were.

The Perfect Couple (Short Story)Where stories live. Discover now