Kabanata 40

1K 19 1
                                    

Last chapter na! Maraming salamat sa pang-unawa. At patuloy na pagsuporta. Kita-kita sa next story.

Kabanata 40

"Nasaan ka ba?" sigaw mula sa kabilang linya.

Naiinis na inilayo ko sa tainga ko ang cellphone. Sa halip ay sumigaw ako sa mouthpiece. "Wala kang pakialam!" sabay patay ng linya.

Katulad ng inaasahan, tumawag ulit siya. Napilitan tuloy akong sagutin iyon dahil tila nag-i-eskandalo iyon. "Bakit ba?" patamad na sabi ko na may halong pagkairita.

"Sinong kasama mo?" matigas ang tinig na tanong niya.

Bago pa man ako makasagot ay may nagsalita na sa unahan ko. "Okay na ba ang order mo?"


Tumango lang ako kay sa kaharap ko. Mauunawaan naman siguro nito kung hindi ko muna siya kakausapin. Mas uunahin ko lang ang may topak na boyfriend ko.

Tumango naman sa akin si Vonvi. Maging ito din ay kinuha ang sariling cellphone at naging abala na rin siya.


"Sino 'yang gagong 'yan? Si Vonvi ba ang kasama mo?" halos pasigaw na tanong niya.

"Pwede ba, hinahaan mo ang boses mo?! Kanina pa ako nabibingi sa'yo." may halong pakiusap na sagot ko.

"Bakit ba kasi kasama mo ang gagong 'yan?"

"Walang malisya 'to." patuya kong sabi ngunit malambing. Wala naman talaga kaming ginagawang masama. Date lang ng isang kaibigan ang meron kaming dalawa. "Nagpapaalam lang naman si Vonvi. Dahil sa ibang bansa na siya mabibase—” nang kaniyang photography career.

Sa isip ko na lang yata natuloy ang huli dahil mabilis ng pinutol ni Caleb ang iba ko pang sasabihin.


"Wala akong pakialam."

"Eh, bakit nagtatanong ka pa. Wala ka naman palang pakialam."

"Girlfriend, ayoko lang na kasama mo ang gagong 'yan."


"Caleb!"

"Where are you? I'm going to kick his fat ass."


Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko. Kailangan ko talaga ng mahabang pasensya, sa taong 'to.

"Ano mo ba ako?" sa halip ay tanong ko sa kanya.


"Anong klaseng tanong 'yan?"


"Sagutin mo na lang."

"Girlfriend kita... I mean fiancee."

"May tiwala ka naman sa akin, di ba?"


"Malaki."

"‘Yon na pala, eh. Sige na, may kakausapin lang ako." paalam ko.

"Gi—"

Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan ko ang aking cellphone. Siguro naman ay hindi na niya ako iistorbohin. Kaya lang wala pang ilang segundo ay tumunog na naman ulit.

Vonvi tsked, "Damn, Santillan. Hindi talaga mapakali kapag wala ka sa tabi niya. Hindi ka niya talaga mapaubaya sa'kin kahit ngayon lang." natatawang pahayag niya. "Anong gayuma ang binigay mo d'yan?"

"Mayroon ba non?" inosenteng tanong ko.


Ngumisi lang ang binata sa akin at hinarap ang pagkain niya. Umingos naman ako sa kanya.


"Hey, friends!" matinis na tili ng babaeng bagong dating habang nakaangkla ang mga braso sa kanyang nobyo. Hindi na yata mapaghihiwalay ang dalawang ito.

Nakipagbeso siya sa akin ng makarating siya sa aming mesa. Actually, hindi naman talaga kaming dalawa ni Vonvi ang magkadate. Kasama din naman si Josh at Fretzie, since kaibigan nila talaga ang una. Dapat nandito rin si Daya pero hindi ko alam kung bakit wala pa siya hanggang ngayon.


"Hindi makakasama si Gretch, may jetlag."

"Lagi naman..." tipid na sang-ayon ko.


Alam ko naman 'yon, sikat na modelo na siya ngayon kaya hindi na siya basta-basta maiistorbo.

"Nandyan na pala si Daya... teka... kasama n'ya si Caleb? Tinawagan mo ba?" nagtatakang tanong ni Fretzie.


Naniningkit ang mga matang hinayon ko ng tingin ang magpinsan. Tsaka ako nagtaas ng kilay sa kanilang dalawa. Bakit sila magkasama? Kanina lang ay kausap ko si Caleb pagkatapos ngayon ay nandito na siya. Hinuhuli niya ba talaga ako sa akto? Talagang sinusubukan ng lalaking ito ang pasensiya ko.

Hindi pa man hustong nakakalapit sa akin si Daya ay panay na ang paliwanag niya. "Sorry... pinilit niya akong sabihin kung nasan ka." palubong na sabi niya.

Padabog na umupo sa tabi ko si Caleb at masama ang tinging pinukol niya kay Vonvi. Ngumisi lang ang huli na parang nang-aasar. Sunod na naramdaman ko ay ang pagpatong ng kamay ni Caleb sa balikat ko. Hindi pa siya nakuntento sa hawak. Halos masaktan ako sa paghila niya palapit sa kanyang katawan.

"Ano ba?" mahinang piksi ko.

Masyadong naman kasi siyang possesive.

Naramdaman ko ang labi niya sa sentido ko. Habang nakatitig siya sa kanyang kaharap.

Mabuti na lang talaga at binasag ni Fretzie ang namumuong tensyon. "Guys, order muna tayo."


Napatawad ko naman na si Daya, since wala naman talaga siyang kasalanan. Biktima lang talaga siya ng pinsan niyang masyadong praning.

"Let's go!" wala sa timing na yaya ng lalaking nasa tabi ko.


"Hindi pa ako tapos kumain, eh."

"Hindi na 'yan kailangan sa pupuntahan natin."

Nakahinga ako ng maluwag ng magsalita si Daya. "It's too early, kuya."

"Saan ba kasi kayo pupunta? Walang naman agawan ng eksena. Araw ni Vonvi ngayon, oh." ani Fretzie habang nakatingin dito.


"Gagawa ng baby!"

Gusto kong lumubog sa aking kinauupuan. Walanghiya talaga si Caleb. Kailangan talagang sa harap ng mga kaibigan naming lahat. Pinong kurot ang binigay ko sa kanyang tagiliran. Pero tila balewala lang iyon sa kanya.


"Go! Humayo kayo at magpakarami."

Halos magkulay kamatis ang mukha ko sa mga tudyuhan nila. Habang pangiti-ngiti lang si Caleb.


🐞🐞🐞
©froggybean

---

Sorry sabaw. Nagmamadali na akong matapos, 'to. Dami ko ng kwento na di na susundan ng update!

Loving The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon