“Siguraduhin mo lang na hindi yan makakalapit sakin ahh. Alam mo naman iba ang iisipin niyan pagnakita niyang kasama ko ang babaeng taga-isla dito” tumango-tangona lamang si Arman habang may halong pilyong ngiti sa labi.

Syempre hindi gagawin ni Arman ang inutos ni James ang bantayan nito ang kapatid ni James dahil sa pustahan nilang dalawa iyon. Nakasuot nang Boho si James habang na siyang bumagay sa kanya ang mabulaklaking polo na binili niya bago pa sila umalis nang maynila at nag tungo rito

Mariing inilibot ni Shaira ang kanyang paningin dahil sa hinahanap niya ang taong nagaya sa kanya na samahan ito. Hindi siya komportable sa kanyang suot ngayon dahil kay Belenda

“wow friend, may date ka pala tonight” panunukso ni Belenda sa kaibigan nito, pero ginantihan lamang ni Shaira nang kurot ang kaibigan nito

“Huwag ka ngang nagsasalita nang kung anu-ano jan, alam mo naman na sinabi niyang samahan ko lang siya na manuod nang fire dance ngayong gabi” paliwanag ni Shaira habang humahanap nang masusuot sa kanyang maleta. Hindi nga siya makapaniwala kung saan nakukuha nang lolo niya ang mga magagandang damit na siyang nireregalo nang kanyang lolo sa tuwing kaarwan niya

“date na din yun bes, pag inaya ka nang lalaki na lumabas o manuod nang kung ano man jan e date na din yun” saad ni Belenda habang hinahalungkat ang mga damit sa maleta ni Shaira “Ano kaba, palibhasa hindi mo sinasagot ang mga nanliligaw sayo sa paaralan kaya wala kang kamuwang-muwang sa mga date na iyan”

‘”Perfect”excited na saad ni Belenda nang may nakita itong magandang damit. Isang white silk dress na siyang manipis na tela lang na halos makikita ang ilalim nito pag nailawan.

Napatigil naman si Shaira sa paglilibot nang makita niya ang lalaking kanina niya pahinahanap, mariing nasa kabilang bahagi nang nagsasayawang tao si James kaya mariin siyang napatitig sa lalaki upang hindi na mawala sa kanyang mga mata si James. Agad namang napatingin si kinanaroroonan ni Shaira si James na siyang dahilan upang magkatitigan ang dalawa at mapako ang kanilang tingin sa isa’t-isa.

----------------------------------------------------------------

Please Vote and Follow me

@DancingFucker

Devastated Wife[COMPLETE]Where stories live. Discover now