Mabuti nalang at inayos ko na ang mahahalagang documents kanina pa. Simula na ba ito nung deal namin kanina? Maybe. 

Nakasakay nako dito sa kotse ng boss kong GGSS. Means? Gwapong-gwapo sa sarili. Haha. Totoo naman eh. Akala nya sobrang gwapo niya. Medyo lang. Mas gwapo pa rin si Kyle Shin-Woo sa kanya. 

"Saan po tayo pupunta sir?" Magalang kong tanong. 

"You're too formal. We're couple outside th company so it's better kung sasanayin mo na ang sarili mong tawagin akong baby."

"What?!"

"Baby."

Seriously?! Required ba yon? "Are you serious sir?" Tanong ko na hindi makapaniwala. 

"Yeah. I'm damn serious. Call me baby. I'll call you baby, too."

Crazy bastard. Why should I call him baby? Nakakadiri tong si Luke Palermo. 

"And practice yourself to be a seductive girlfriend."

"Seriously?!" Ano ba 'tong pinasok ko? 

"Yes again. I'm damn serious. Kailangan mo akong landiin sa harap ng ibang babae sa bar. Tch. Ano bang ine-expect mo? Na tatabi kalang saken at ide-deklara mong girlfriend kita? No. You need to make a move para maniwala sila."

Oh, God. Patawarin nyo po ako. Magkakasala pa yata ako. Shemay na Luke Palermo na to!

"Bakit kailangang maging seductive pa?"

"Kailangan mokong landiin sa mismong harap nila. You can kiss me, hug me or touch my body. I allow you to do that." He smirked. 

"Aaarrrrraaaay!"

Hinampas ko sya ng shoulder bag ko kaya napa-preno agad sya. "Ang manyak mo!" Sigaw ko. 

"WHAT?! Ako manyak? I'm giving you the opportunity. Swerte mo pa nga."

"Ako swerte? Hoy Luke Palermo. Alam kong boss kita pero wag ka namang pervert. Nakakasuka ka."

"Anong sabi mo?!"

"Wala po, sir!" Sabi ko ng nakasimangot. Kainis. Nakakainis talaga ang lalaking 'to. Hindi ko pinangarap na mahalikan siya o mayakap sya o mahawakan pa ang katawan niya. Akala mo kung sinong macho. Tingting naman ang katawan. Psh. 

"Tch. Wrong move, I'll fire you."

Okay fine. Panakot nya yan eh. Behave nako. Psh. Pasalamat ka ayaw kong sayangin ang pagkakataon na nakapagtrabaho ako sa kompanya nyo.  

-
At the bar..

Dumiretso kami ni Luke dito sa dulong table. Mas malaki 'tong table dito kesa sa ibang table dito sa bar. Siguro pang-VIP 'to. 

"Hey, man. May chicks ka na naman."

Teka kilala ko 'to. Okay. Si Ken Sarmiento, ang ultimate playboy din ng tigers. 

Bakit ko alam? Stalker nga ako dati ni Kyle Shin-Woo kaya nga pati buong tigers na-stalk ko na din. 

Umupo nako saka tumabi saken si Luke. Bigla niya akong inakbayan.

"She's my girlfriend. Hindi ko 'to basta basta chicks lang."

Naks. Sweet sana kung totoo. Saka kung iba magsasabi. Pero kung si Luke? Di bagay. 

"Whoa! Nagbagong buhay ka na pala Palermo. Painom ka nga. Tatawagan ko ang ibang tigers."

Oh my. Mami-meet ko ang ibang tigers. Shemay ang ga-guwapo pa naman nila. Except Luke. Ang bestfriend ko lang naman na si Aileen ang may crush kay Luke dati pa. 

Casanova's Love GameWo Geschichten leben. Entdecke jetzt