Chapter 25: Friendsary

Start from the beginning
                                    

"Ewan ko nga, hindi ko alam. Tinititigan niya lang kanina si Princess Demi then bigla bigla na lang siyang haharap sa akin." Sabay kamot niya sa kanyang ulo. Napaisip ako bigla, siguro may nakita si Ellie kaya siya nagkakaganoon.

"Sorry Gell." Napalingon kaming tatlo sa kanang bahagi ng stage.

"Ellie, may nakita ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wa wala po your highness, kina kinabahan lang po ako sa susunod na, sa susunod na gagawin ngayong kaarawan ng Prinsesa." Napatungo siya at dahan dahang umakyat ng stage.

"Sige babalik na kami sa table namin basta yung mga sinabi ko, agad naman kaming reresponde." Napatingin lang ako kay Gene ng sabihin niya iyon kina Gell at Ellie.

Agad na rin kaming bumaba ni Gene ng stage at bumalik ng table.

"May nangyari ba?" Salubong na tanong ni Jhielou sa amin, hindi ko na lang iyon pinansin sa halip ay umupo na lamang. Pero inentertain pa rin siya ni Gene.

.
.
.
.
.
.

Ystaice's POV

Nang mag ala una ay agad na muling sinimulan ang celebration. Pinagmamasdan ko si Ellie sa bawat galaw niya sa taas, nginingitian naman niya ako kaya lang nagtataka ako, hindi ba siya galit sa akin matapos ko siyang sagot sagutin noong nakaraang araw. O baka binabaliwala niya lang ang nangyari sa aming dalawa. Pero kilala ko si Ellie kapag may kagalit siya o kaaway ay hindi niya nginingitian ng ganito sa akin. Kaya nakakapagtaka lang.

"Good afternoon everybody and now we're back to continue the celebration this day. But before that I want to ask our King Razzel to come here in front and give a message to his daughter." Agad namang lumapit ang Hari sa host at nagbigay ng message sa anak niya.

"Uhm honey Demi happy happy birthday to you, wish you all the best and enjoy your special day. You are totally a lady from now on, and I want to say thank you for obeying me and your mother although you are hard headed and not responsible sometimes, but you change a lot when you came in this kind of Academy. So my child, my daughter, my one and only Princess I love you and happy birthday again." Nagsipalakpakan ang lahat ng matapos magsalita ng Hari. Syempre pumalakpak din ako dahil sino ba naman ang hind matatouch sa message ng isang ama sa anak niya.

I totally miss my father, I miss his hug, his presence, his beautiful message like the said before. But I can't see him anymore, he died when I was at middle school and I don't know what cause of his death. My mom don't want to talk about my father death, maybe she just want to move on and begin our journey without my father. But I want to know the whole story and catch the culprit, but my mom said no one knows who killed my father. That's why I study here at Academy because I want to learn my ability, magic and power. And find any evidence or clue who killed my father.


"Ystaice tawag ka sa taas."

"Huh?" Nagulat ako ng tapikin ng pinsan kong si Ice ang balikat ko at sabihing tinatawag raw ako sa stage.

"Magbibigay message ka kay Demi." Bumalik na ako sa sarilink ng mapagtanto ko na nasa gutna pala ako ng malaking event. Kaya agad din naman akong lumapit sa stage para magbigay ng short message sa Prinsesa. Iniabot ni Gell ang microphone kaya medyo kinabahan ako.

"Uhmm, happy birthday Demi I mean your highness. Thanks sa friendship na nabuo sa ating tatlo.....

Natigilan akong napatingin kay Ellie kaya napalunok ako na kinakabahan.

"Sa friendship na nabuo sa ating tatlo nina Ellie, ikaw man ang pinakabata sa mga royalties dito sa Academy ikaw naman yung pinaka the best. Sorry sa mga nagawa ko sayo, sana bumalik yung......

Napatigil ako sa pagsasalita ng may humawak sa kamay ko, pagtingin ko si Ellie. Tila sinasabi niya sa akin na huwag ko ng ituloy ang sasabihin lalo pa at hindi pa alam ni Lliyah ang mga nangyari.

"Bumalik yung araw na una tayong magkakilala, ang saya kasi no'n kaya hindi ko makalimutan. That's all and happy birthday." Tiningnan ko si Ellie at nginitian, alam kong ayaw niyang malaman ng Reyna ng Darvil ang mga nangyayari dito sa Academy. Bumaba na ako ng stage...

"Happy birthday Princess Demi. You, Ystaice and me are always be friends." Napatigil ako sa paglalakad pabalik ng table namin ng marinig ang mga sinabi ni Ellie, nilingon ko siya at tiningnan niya rin ako.


"Kayong dalawa ang pamilya ko simula ng tumungtong ako sa paaralang ito, kayong dalawa palagi ang nagbibigay lakas loob sa akin sa araw araw kong pamamalagi dito. Kahit na brat ako sa inyo tinanggap niyo ako, yung pagiging cold ko minsan binabaliwala niyo na lang kaya masaya ako na naging kaibigan ko kayo. Hindi kasi ganito ang buhay ko noon, pero ng makilala ko si Professor Bond tinulungan niya akong makapasok sa ganitong klaseng paaralan, then nakilala ko kayo. Minsan kinatatakutan ako dahil sa kakayahan kong makaramdam ng mga senses at dahil sa dark lightning na meron ako, pero hindi naman iyon ang basihan na masama ka diba? Ang basihan e kung paano ka makipagtungo sa kapwa mo at kung paano mo siya erespeto. Kaya nang ipakita ninyo iyon sa akin namulat ako na hindi sa lahat ng pagkakataon malakas ka, tulad ngayon nanghihina kapag pinag uusapan ang tungkol sa pagkakaibigan nating tatlo, mas ahead man ako sa inyo ng edad at taon hindi iyon mahalaga, dahil ang mahalaga sama sama nating nalalampasan ang mga pagsubok sa buhay natin. Your highness happy birthday and Ystaice Happy 2nd Friendsary." Nanghina ako sa mahaba niyang sinabi, ngayong araw nga pala ang araw na naging magkaibigan kaming tatlo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak, wala na akong pakialam kung masira ang make up ko ang mahalaga nailabas ko ang joy and pain nanandito sa puso ko.




.
.
.
.
.
.
.

Demi's POV

Nanghinahina ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung dahil ba sa mga sinabi ni Ellie o sa nalaman ko kay Allina kanina ang tungkol sa gagawin kong pagpapalabas ng kung anu ang natutunan ko dito sa Academy. Ayaw kong mabuking ako sa kung anu ang meron ako, ayaw kong mismong kaarawan ko pa. Nalampasan ko nga ang problema ng malaman  ni Ystaice ang tungkol sa kakayahan ko tapos ngayon ito na naman.

PRINCESS POWER Where stories live. Discover now