Chapter 14
Gab's POV
" Liam, eto na pala yung..."
Nagulat ako nung iangat ko na ang ulo ko para ibigay kay Liam ang gelatto nya.
" Sten..." pabulong kong sabi
No! No! This can't be!
"Eto na pala sya eh" sabi ni Liam.
"Elle, meet Cal and Mike. My best bros!" sabi ni Liam sabay akbay sakin.
" Bros, meet Elle. Gazelle Brihanna Suarez. People call her Gab Suarez so para maiba ako, I call her Elle." ngiting sabi ni Liam.
" Ah, Hi." matipid kong sabi kina Cal at Mike
Lumapit naman sakin si Cal sabay abot kamay at sinabing
" Hi Gab. Nice to meet you, in person "
Diin na sabi niya sa " in person" alam ko ang ibig sabihin non. Kahit na alam ko ding yung " in person " na yon ay minsan kasing naikwento daw ako ni Liam sa mga barkada niya.
Nakipagkamay din ako kay Cal, este Sten... ah bahala siya kung sino sya at agad bumitaw.
" Liam, pagod nako. Umuwi na tayo." pagsisinungaling ko kay Liam.
Nauna akong pumasok sa sasakyan at sumunod si Liam dahil nagpaalam muna siya sa mga kaibigan niya.
Sa daan lang ako nakatingin habang nagmamaneho si Liam. Iginilid ko ang mukha ko sa window ng sasakyan. Tulala pa rin ako sa mga nangyari.
" We're here" naalimpungatan na lang ako noon dahil sa sinabi ni Liam.
" Elle? are you ok?" tanong sakin ni Liam
" Yup. Pagod lang siguro" at pumasok kami ng bldg.
Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga kinikwento sa akin ni Liam habang nasa elevator kami. Kinkwento nya yung tungkol sa mga kaibigan nya, kabilang na dun si Sten.
Nasa harap na ako ng pinto ng unit ko nang tinanong ako ni Liam.
" You sure you're ok? "
"Yes I am fine.No worries. Sige na pasok ka na at magpahinga. Baka pagod ka na rin." sabi ko habang pinipidot yung passcode sa unit ko.
" Ok. Call me if you need anything."
" I will." At tuluyan na ako nakapasok sa unit ko.
Napasandal na lang ako sa pinto after I closed it. Naisip ko yung mga pangyayari kanina.
He exists.
Hindi. Imagination ko lang yun.
Pero siya talaga yun eh.
Sa tingin nyo, siya yon?
Eh kasi naman. Na speechless ako kanina sa sobrang shock.
Pero hindi. Hindi ako magpapaapekto. Hindi. Poser siya. Poser. Poser. POSER!!!!!!!!!!!!!!!!
* tok tok *
" Elle! are you ok?!" Si Liam
" Elle open the door!"
Pagkabukas ko, muntik nang matumba si Liam dahil nakasandal siya sa pinto. Halatang pinakinggan niya ako.
" Sorry Liam!" akala ko kasi nakapasok na siya sa unit nya
" why were you shouting? Who's the poser? Is he there?" sunod sunod na tanong ni Liam sabay diretso pasok sa unit ko.
" Baliw wala! Tinry ko lang umacting." I tried to composed myself.
" Sige dito na muna ako. Asan na pala yung gelatto ko?" sabi niya na nakalahad ang kamay
" Wala kinain ko na. Iba na lang kainin mo" sabi ko while putting away the groceries.
" Ikaw na lang kaya kainin ko?" Liam looked at me from head to toe
" Eh kung ikaw na lang kaya patayin ko? " then he hugged me from the back.
" Patayin sa pagmamahal?" he said
"Heh! Umalis ka na nga!" Sabay kalas sa kanya. Kadiri kaya. Mabuti sana kung boyfriend ko tong tao na to kaso hindi eh. Bestfriend ko siya.
" I'll prepare our dinner!" sabi niya sabay kindat.
STEN'S POV
May papalapit saming babae nina Xian at Mike. Sa hubog ng katawan nya, she's not that slim or fat. Sakto lang. Hindi ko makita mukha nya kasi nakayuko siya. She's getting something sa paperbag niya.
" Liam, eto na pala yung..."
unti unting umangat ang ulo niya mula sa pagkakayuko niya.
Ganoon na lamang ang gulat ko nang makilala ko ang babaeng nasa harapan ko. It's her! Wala ng iba. Si Gab Suarez to.
"Eto na pala sya eh"
sabi ni Xian.
"Elle, meet Cal and Mike. My best bros!"
Elle? Bakit Elle?! She's Gab!
" Bros, meet Elle. Gazelle Brihanna Suarez. People call her Gab Suarez so para maiba ako, I call her Elle."
sabi ni Xian sabay akbay kay Gab. Tang i na!!!! Ang sakit sa mata ah!
Ah kaya pala Elle. Sila na kaya? Bakit iba yung tawag ni Xian kay Gab? Huli na ba ako?
" Ah. Hi"
ang sweet ng boses ni Gab. Parang narinig ko na eh. San nga ba? Takte! Di ko ma alala!
Hindi ko na napigilan kaya naman lumapit ako kay Gab.
" Hi Gab. Nice to meet you, in person "
sabi ko sabay nakipghandshake sa kanya. Diniinan ko talaga yung last two words kasi alam kong alam niya ang sinasabi ko.
Mabilis siyang nakipaghand shake sakin at mabilis na sinabing masama daw ang pakiramdam niya. Pumasok siya sa sasakyan ni... ni Xian?!!!!
Nagpaalaman naman samin ni Mike si Xian at dumiretso na sya sa sasakyan nya.
Lahat ng yon bag flashback buhat nang mapatitig ako sa kisame ng unit ko. She's here. She's really here. But I guess I'm late?
Sana hindi pa huli ang lahat Gab. I'm gonna make you mine, forever.
---------------------------------------------
Wala! Wala talaga akong readers huhuhuhu bahala na. Bahala na talaga basta mairaos ko lang tong story na to :'(
YOU ARE READING
Mr. Poser's Girlfriend
Teen FictionPaano kung yung inaakala mong tao na hindi umeexist ay siya pa yung taong mamahalin mo? Paano kung one day, bigla na lang kayong magkaharap? Kakayanin mo bang makita siya? Meet Gab Suarez. Ang babaeng naging boyfriend ng taong akala niya poser. Meet...
