Chapter 13
He's back. Si Sten. May POV sya ulit hahahah.
Sten's POV
Yes I'm back. Galing akong California. Pinabalik ako dun ni dad for some business matters. At ngayong kababalik ko lang sa Pilipinas, I will look for her. Alam nyo na yan kung sino.
Tinawagan ko sina Caden, at mga kaibigan kong sina Xian, Patrick, Mike at ang bestfriend kong si Annika. We'll meet up for our lunch to make up our bonding times. Bakla ko naman masyado pag ganito.
Andito ako ngayon sa isang resto sa Fort. Dumating na rin sila Mike kasama ang girlfriend niyang si Monique. Si Patrick at ang girlfriend niyang sa Christine. Magkasabay na dumating sina Xian at Annika.
" Oh! Xian! Where's your girlfriend? Or meron ba talaga?" pabirong sabi ko kay Xian.
" Gago! Makikita nyo rin sya. Andon sa mall. Nahihiyang sumama" sabi ni Xian.
Nagtawanan naman kami. Nag kwentuhan ng kung ano ano. Eto ang masaya pag kasama mo ang mga totoo mong kaibigan. Masayang nagtatawanan.
About sa amin ni Annika, well ok naman kami ngayon. Minabuti naming itigil yung relationship namin kasi ayaw na nya. Saka dapat walang sisihin sa aming dalawa. At minabuti naming mag stay as bestfriends talaga.
" Ah guys, una nako ha. May pupuntahan pko eh." Xian broke the silence.
" Oyyy may date?" sabi ni Caden.
" Sana date" sabi ni Xian
" Shoot mo na pre!!! hahaha" sabi ko kay Xian
" Mga mokong kayo. Na mauna na ako" paalam ni Xian.
Gab's POV
Andito kami ngayon sa mall ni Liam. Sinamahan nya akong mag window shopping saka kumain. Naks naman. Ang takaw takaw ko talaga forever.
We decided to eat sa krispy kreme. Sarap non eh. Di ba?
Nag order kami. Nagtalo pa kami ni Liam dahil sabi niya siya daw yung babayad. Eh nahihiya na nga ako sa kanya. Feeling ko tuloy palamunin ako ni Liam.
We ate at naglibot libot. Namili ako ng mga girl stuffs ko. Saka nag grocery na din kami ni Liam.
" Ang bango" andito kami ngayon sa grocery. Naamoy ko yung alam nyo yun yung mga free food test sa mall. Yung mga nagsasabing babae na
" Sir mam, try our new product... blah blah blah"
Eh sa mahilig ako dun kaya lumapit ako sa babae at humingi bg free sample. Hinila ko na rin si Liam. Baka mawala. Hahaha
" Miss pahingi isa ha?" sabay kuha sa isang stick ng hotdog ata yun.
" Ang takaw mo talaga Elle! " sabi ni Liam na nakatingin saken.
" Mmmsharapp kaya" pabulol na sabi ko dahil sa may laman ang bibig ko.
" Heh! tara na nga! " at hinila nya ako sa fruit stand.
" Ano ba? Masarap kaya don!" paliwanag ko sa kanya
" Eto mas masarap kainin. mga prutas" aniya
" Asawa nyo sir? Ang ganda naman nya" Sabi ng babae. Sya siguro tagabantay sa fruitstand.
" Ah ate! Hindi po totoo na asawa ko siya. Kaibigan lang po. Pero yung maganda ako, totoo yun ate" sabi ko, sabay tingin kay Liam. :P
Binayaran na namin sa counter yung mga pinamili namin. Nag ikot ikot kami ng konti pa ni Liam sa mall.
Bumili ako ng ice cream. Masarap eh. Katakawan ko nga naman.
Xian's POV
Ang tagal naman nung babaeng yon. Sabi't may nakalimutan lang daw siyang bilhin eh. Andito ako ngayon nakasandal sa kotse ko.
Sakto namang napadaan ang kotse nina Cal at Mike. Katabi ko lang sila sa parking lot.
" Kawawa ka naman pre! Pinaghihintay ng ka date?" sabi ni Cal.
" Gago! May naiwan lang sa loob" sabi ko sabay baba ng dalawa sa kotse ni Cal.
" Ipakilala mo naman kami." sabi ni Mike.
" Mataray yun eh. Saka baka matatagalan pa." sabi ko
" Sus! ang damot mo!" sabi ni Cal
"Eh sa... ayan na pala siya eh" sabi ko habang nakatitig sa babaeng papalapit..
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Gab's POV
May nakalimutan akong bilhin sa loob kaya naman minabuti kong bumalik. Bumili ako ng pizza. Saka isang gelatto para kay Liam. Pabalik na ako ngayon sa sasakyan ni Liam. Kawawa naman yung pinaghintay ko pa.
Dinudukot ko sa paper bag ang gelatto ni Liam sabay papalapit sa kanya.
" Liam, eto na pala yung......"
Ganun na lamang ang pagkagulat ko sa mga nakita ko.
Si Liam......kasama si Sten
---------------------------------------------
Hahahahhaha walang reads
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Mr. Poser's Girlfriend
Genç KurguPaano kung yung inaakala mong tao na hindi umeexist ay siya pa yung taong mamahalin mo? Paano kung one day, bigla na lang kayong magkaharap? Kakayanin mo bang makita siya? Meet Gab Suarez. Ang babaeng naging boyfriend ng taong akala niya poser. Meet...
