Chapter 1: Section 4C

214 7 0
                                    

Author's Note: Hello guys, I will made a whole revision for this story. I will try to re-read and edit all the chapters. Thanks.

-----

Rica's POV

Good morning fellas! Pasukan na naman at excited ako!

Ako nga pala si Jarica S. Acosta, Rica for short. I hate my surname kasi pag sa klase lagi akong una, kung hindi naman, malapit sa una. Nakaka-asar kasi bobita ako. Di ako matalino. Minsan nga kulelat pa ako sa buong klase. Hind rin kami mayaman, tito ko nagpapa-aral sa amin. Kaka-15 years old ko pa lang, 4th year highschool and transferee, nasa last section ako "ULIT" ngayon katulad sa dati kong school, yun ang tapunan ng mga mahihina ang utak at pasaway na studyante, ang last section.

"Hoy rica! Late ka nanaman! 1st day of school, tapos late ka!" sigaw ng ate ko.

Talto kaming magkakapatid. Si ate Janina, si kuya Jamir, at syempre ako ang bunso. ^___^

Si ate Janina, 20 years old na. Pagtungtong nya ng 2nd yr. college di nya na pinagpatuloy ang pag-aaral nya, tapos nagtrabaho na lang sya.

Si kuya Jamir naman, 18 yrs. old at nasa 2nd yr college na sya sa kursong Business Administration major in Marketing Management.

Lahat kami yung tito namin ang nagpapa-aral sa amin, kapatid sya ng namatay naming papa.

Yung tito namin, wala silang anak ng kanyang asawa, pero magkasama pa din sila. Hindi naman sila mayaman pero sabihin na natin na nakakaluwag-luwag lang sila sa buhay kaya kinupkop na kaming magkakapatid. Simula kasi ng namatay si papa di na talaga kaya kaming pag-aralin at tustusan ang aming pangangailangan ng mama namin.

"Hoy! Ano ba! Sasabay ka ba sa akin! Kanina ka pa namin tinatawag ah!" sabi ni kuya Jamir. Oops! Nagwawala na sila. Maya na chikahan guys ah!

**Villa Mayo High School***

Weirdo ng name ng school namin diba? Dito ako ngayon nagaaral.

Si kuya semi-public yung pinapasukan nya, ako naman pangalan pa lang ng school public na.

Excited ako pumasok, kahit nasa lowest section ako. Sino kaya magiging kaibigan ko sa klase namin.l

Pagpasok ko sa room....

*toink

*swish!

"Wahahaha!!!!" tawanan ng mga studyante.

Aray ha! Ang iisip bata! Paano kasi pagbukas ko ng pinto ng room, biglang may nahulog sa akin na baldeng puno ng harina, tapos pagstep ko natapakan ko yung balat ng saging kaya ako nadulas at napaupo. Thank you talaga ah! urgh!!!!

Tumayo na ako at inayos ang sarili ko at habang naglalakad ako pinapagpag ko ang mga harina na nagkalat sa katawan at buhok ko.

"Nope! This is not vacant!" sabi ng girl.

"Hep! May nakaupo na din jan!" sabi naman ng lalaki.

"Ah ate! dito ka dali!" hinila ako nung isang magandang babae.

"Dito ka na lang umupo." tapos ngumiti sya, ang angelic face nya.

"Salamat ah." sabi ko.

"I'm Jocelle. Ikaw?" sabay abot ng kamay nya sa akin.

"I'm Rica. :) " tapos nag-shake hands kami.

"Pagpasensyahan mo na mga classmate natin ah. Pasaway talaga yang mga yan." naku! Muka nga! Ang ganda ng pag-welcome sa akin ng mga yun eh!

45 Days of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon