Chapter 1

185K 3.3K 487
                                    

1993

SA MAKASANGANG daan na nasa unahan niya ay pinili ng dalaga ang makipot at mabatong daan upang doon lumiko.

The road less travelled... iyon ang pumasok sa isip niya.

Sino nga ba ang sumulat niyon?

Mas maluwang at malapad ang daan sa kanan, so probably, mas mataong lugar ang patutunguhan niyon.

Sa bayan kaya ang Paso del Blas? At ang kaliwang daang tinatahak niya'y patungo sa Hacienda Kristine?

Gusto niyang matawa.

Villa Kristine, Hacienda Kristine.

How odd! Hindi nagha-harmonize ang tila modernong pangalan sa Spanish na katawagang 'villa' o 'hacienda'. Bakit hindi na lang kaya Villa Esmeralda o di kaya ay Hacienda Esmeralda?

Mas angkop, tutal ay Kristine Esmeralda ang pangalan ng Lola niya na pinagkunan ng mga pangalan ng villa at hacienda.

And very funny. Ang kanyang Daddy ay binigyan din siya ng ganoong pangalan, mas moderno nga lamang or mas English sounding.

Kristine Emerald. Except that while her grandmother opted to be called Kristine, siya naman ay mas type ang Emerald.

Maraming babae ngayon ang may gayong pangalan... Kristine. And she's thankful that her parents called her Emerald.

Sunod-sunod na tunog ang narinig niya sa loob ng kanyang 1983 model Toyota Corona. Pagkatapos ay umusok ang harap at makalipas lamang ang ilang segundo ay huminto siya!

"Oh, damn!" Marahan niyang napukpok ang manibela. "Dad used to say you're a reliable old car. Hmp, some reliable old car!" bulong niya nang lumabas ng kotse at buksan ang hood.

Maliban sa umuusok ang loob ng makina ng kotse ay wala na siyang alam na iba pa. Hindi niya alam kung ano ang problema.

Nakapamaywang na nilinga niya ang paligid. At sa buong buhay niya'y ngayon lamang siya nakakita ng walang katapusang gubat.

Tiningnan niya ang kanyang relo sa braso. Almost three o'clock! At sa tantiya niya, sa travel time na kanyang ginawa, she must be inside the hacienda.

Pero bakit ni isang bahay at tao ay wala siyang natanaw?

Tama ba ang daang pinasok niya? Ngayon niya gustong magsisi kung bakit hindi ang malapad na daan ang kanyang pinili, baka sakali, sa kabilang daan ay may tao, dito, wala tuloy siyang mapag- tanungan.

She could always identify herself bilang apo ni Leon Fortalejo. Ang sabi ng Mommy niya ay walang taong hindi nakakikilala kay Leon Fortalejo sa Paso de Blas.

Hindi tuloy niya maiwasang hindi kabahan. Nasa ilang na lugar siya at walang alam sa pag- aayos ng sasakyan.

Muli siyang bumalik sa loob ng kotse. Parang ngayon niya gustong pagsisihan kung bakit nagdala pa siya ng sasakyan. Sinabi na nga ng Mommy niya na hindi praktikal ang kanyang gagawin.

Naalala niya ang pagtatalo nilang mag-ina apat na araw na ang nakalilipas.

"Damn!" anas niya, halos bumaon ang daliri sa pagkakapindot ng delete sa computer dahil sa inis.

liling-iling si Anna habang ibinababa ang mug ng mainit na tsokolate sa mesa.

"You missed lunch, Emerald. Inumin mo muna 'tong tsokolate mo," wika nito sa motherly tone."Ano ba ang problema mo?"

"Mom, nauubusan na ako ng setting para sa mga novels ko. Nagamit ko na yatang lahat ang mga lugar na familiar sa akin at pati na rin iyong mga lugar na narating ko na. And I've been using one place twice already. And I just can't create a certain place."

Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo)Where stories live. Discover now