“Tara Dara!” hawak ni Elo ang kamay ko at nagmamadaling lumakad.

“Teka Elo .. wag mong sabihin makiki usyoso tayo sa kanila?” takang tanong ko .. kelan pa sya nahilig sa cheer dance?

“Dara .. nakalimutan mo na ba? Member si Venice dun! Kaya kelangan ko syang mapanood!” at dahil sa pagmamadali nya nauna na syang tumakbo at binitawan ako.

Marami ng tao sa Gym na tipong may laban ng basketball. Hindi ito ang first time na mapapanood namin si Venice sa cheer dance .. palaging buo ang barkada kapag laban nya para sumuporta.

Pero sa pagkaka alam ko .. may bago ngayon .. hindi ko lang matandaan kung ano yun .. basta may sinabi syang bago ..

Mga naghihiyawang estudyante ang nakapalibot habang nanonood. Dun ko lang narealize kung bakit ganoon sila ka excited. Bukod sa ito ang unang cheerdance practice ay ito din pala ang unang pagkakataon na naging cheer leader si Venice .. at ito rin ang unang pag kakataon na makikita namin syang ibabalibag sa ere at mangunguna sa mga stunt nila.

“Go Venice!”  rinig kong sigaw ng mga kapwa ko estudyante.

“Shit!” hindi naka lagpas sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Elo ng makita nyang umaakyat si Venice sa pyramid na ginawa  nila. Alam kong kabado si Elo .. at kahit ako ..bigla ding kinabahan ..

Alam naming lahat na pangarap ni Venice ang maging isang cheerleader bago sya maka graduatec .. pero alam din namin na hindi pa sya ganoon kagaling para itry ang mga bagong stunts .. especialy what’s she’s doing right now.

Napakagat ako sa labi ng makarating na sa itaas si Venice and she’s trying to balance herself para makatayo .. wala ng nak alalay sa kanya .. lahat ng mga kasama nya ay nasa likod nakahanda para sa pagbaba nya .. habang ang iba naman ay nasa harap at sumasayaw.

Pero pagkatayo nya ay sya namang out of balance nya dahilan para mahulog sya .. pero ang masama hindi sya nahulog sa likuran kung saan may mga sasalo sa kantya .. sa harap sya nahulog at bago ko pa masaksihan ang pagkahulog nya ay pumikit na ako.

Tanging sigawan lang ng mga estudyante ang narinig ko.

At pagkatapos noon ay nag malakas nilang hiyawan.

Pinasya kong buksan ang mata ko at nakita kong nasa lapag na pareho sila Venice at Elo. Unconciously napabuga ako ng hangin for relief .. pero hindi ko maitatagong  bigla akong nasaktan .. ganito yung mga scene na nababasa ko sa libro .. at massabi kong nangyayari din pala ito sa totoong buhay.

At doon ko napatunayan na sobrang mahal ni Elo si Venice .. na hindi nya na sinip ang ginagawa  nya mailigtas lang si Venice ..

“How many times di I need to tell you na huwag ka munang sasabak sa isang sitwasyon if your not yet ready?!”

“Sorry Baby ..”

Lahat kami ay nakatingin lang kina Venice at Elo habang walang sawa si Elo na pagalitan si Venice sa ginawa nya.

“Muntik ka ng mamatay sa ginawa mo? Alam mo bang hindi ka bu buhayin sa taas ng huhulugan mo?”

This time hindi na sumagot si Venice. Alam nya kasing mali sya ..

“Naisip mo man lang ba yung mga taong nag aalala sayo? Naisip mo ba ako?” halata sa boses ni Elo ang galit nya.

Kahit sino naman kasi kakabahan sa ginawa ni Venice .. akala ko ng mamatay na sya at magiging kami na ni Elo .. hehe joke lang ..

Pero seryoso .. halos lahat kami nawalan ng hininga sa ngyari .. nandoon din pala yung iba at nanono ..

Kasalukuyang ginagamot  ni Thunder yung siko ni Elo na nagasgas dahil sa pagakaktukod sa semento ng bumagsak si Venice .. abg nangyari ay naging foam si Elo sa pagkakabagsak ni Venice.

Dear LoveBug (PUBLISHED)Where stories live. Discover now