Chapter 2

86 2 0
                                    

Chapter 2

Ysa's POV

After ko maligo, nag ready na ko para matulog, naalala ko lang yung sinabi ni Allen. Bakit ganun naman sya kung makapag salita, pero sabagay, hindi ko pa naman sya ganun ka kilala. Bakit ko nga ba yun iniisip ngayon? Hmm. Alam ko na. Mag oonline na lang ako at kakamustahin si Papa.

Binuksan ko yung laptop ko at nagkipag video chat kay Papa. Sinabi ko sa kanya na okay lang naman ako dito at nakipag kwentuhan ng konti.

"Anak, magiingat ka dyan a."

"Opo, papa, kayo din po, alagaan nyo ang sarili nyo at si Mama, mahanap ko lang po yung Gabriel na yun."

"Anak, wala ka ba talagang naalala sa kanya?"

"Wala po talaga e, pero sa tingin nyo, makikilala nyo ko pag nagkita kami?, baka kasi iwasan ako nun pag nakita nya ko."

"Siguro imposible din, masyado pa kayong bata noon, at na trauma at si Gabriel sa mga nangyari."

"A sige Papa, goonight na, umaga ba dyan? Haha. Bbye."

Nag sign out ako at humiga sa kama. Sana maging okay ang lahat, bulong ko sa sarili ko at unti unting pumikit ang mga mata ko.

SHAWTY'S LIKE A MELODY IN MY HEAD THAT I CAN'T KEEP OUT GOT ME SINGING LIKE, NA NA NA EVERYDAY, LIKE MY IPOD STUCK ON REPLAYY

"Aish, ang ingay namaan. Alarm ko nga pala yun. -__-"

"YSABELLE!! Bumangon ka na baka ma late kayo!" Si manang yan

"OPO!" Bakit ba ang hirap gumising sa umaga? =__=

Lumabas ako at pumunta sa CR, naalala ko kagabi at si Allen. Ano kayang nangyari dun? Hmm, may tao pa sa CR nakalock e. Maya maya lumabas si Allen, OMO O_O Topless Allen tapos naka towel yung waist pababa. Ang landi naman ng mata ko. Woo. Don't look. >_<

"O anong ginagawa mo dyan?" Allen sungit

"Edi maliligo."

"Ang lagkit kasi ng tingin mo e."

>__< Ang yabang neto, di ko na sinagot, ayokong makipag away sa umaga. -__- Naligo ako then nag ayos, lumabas na ko ng kwarto para kumain. Ang alam ko si Allen sa Hera Amethyst International School din nag aaral e, kaya sasabay na lang ako sa kanya papuntang school.

"Ysa, kain na." manang

After ko kumain, nag ready na kong umalis for school.

"Umm, manang, si Allen po?"

"Ay naku naka-alis na yata."

"PO? A, manang, alam nyo po ba yung daan papuntang Hera Amethyst School?"

"Kung pwede lang kitang samahan kaso, madami akong gawain ngayon."

"Malapit lang naman yung dito, marami kang makikitang naka uniform ng HA na naglalakad dyan sa labas, magtanong ka na lang sa kanila."

"Ay sige po, salamat manang!"

Ang sama talaga ng Allen na yun, di manlang ako hinintay. =__= Grabe ang lamig talaga dito, short pa naman yung skirt ng uniform namin, pero buti na lang may blazer. Ang cute nga e. Bwahaha. Naka beanie din ako.

Late na ba ko? Bakit parang walang taga HA na naglalakad? -__- Hmm. Ayun!

"Um, excuse me, Mr, can you accompany me to Hera Amethyst School?"

"Oh, sure."

"Haay buti na lang mabait. >__<"

"Pilipino ka?" mr. nice guy

My Past that Made Me PrettyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon