Chapter 1

95 2 0
                                    

Ysa's POV

"WELCOME TO Trulaland. The Temperature outside is 22° C. Please check the blah blah blah.

Bumaba na ako ng eroplano, hahanapin ko pa yung titirhan ko dito, family friend daw nila papa yun. Buti na lang may map ako sa cellphone ko at madali kong nahanap yung titirhan ko. 

"Manang! Andito na po ako!"

"Ysabelle, hija, ikaw na ba yan?"

"Opo, haha."

"Pumasok ka muna at malamig dyan."

Nakipag usap ako kay manang, pero parang maingat sya kung makapag kwento. Hmm, weird. Dahil pagod din ako sa byahe, natulog din agad ako a kwarto, medyo malaki din yung bahay ni manang, sya lang kaya mag isa dito?

Hapon na at nagising ako, nagluluto si manang at napag isip-isip ko na lumabas at bumili ng mga kailangan ni manang. Nag scarf at gloves ako dahil malamig sa labas.

Nabili ko ang lahat ng kailangan ni manang, nilalamig na talaga ako, nakakita ako ng mga tao sa palibot ng isa malaking bonfire. Lumapit ako at hinubad ang gloves ko. Humangin ng malakas kaya nilipad yung isa pair. Hinabol ko yun.

"Tokwa at baboy naman e. Wag ka na magpahabol please? -__- "

Feeling bida naman yung gloves ko feel na feel yung pag habol ko. -__-. Hanggang sa nakita kong may nakaapak sa glove ko. Aba, ano yan basahan? 

"Excuse me, I'll just get my glove, you're stepping on it."

"Edi kunin mo."

"Pilipino ka?"

"Hindi, kaya nga naiintindihan kita e."

"Psh, oo na, haay walang matinong kausap dito, buti pa si manang kahit hindi nagsasalita. >__<"

"Ano?"

"Wala, sabi ko ang pangit mo!"

Wahaha, tumakbo ako baka kung ano pa gawin sakin nun. pano kung rapist yun, murderer, nagbebenta ng laman loob?  Pero infairness, may itchura, chos, naglalandi nanaman ako. >__<

Naglakad na ako pauwi. Tumigil ako. Teka nga, san nga ulit yung daan ko? Hinanap ko yung cellphone ko pero wala. T^T Aynako ang galing mo talaga Ysa. Pano ko uuwi nito? >__<

"ANG MALAS KO NAMAN!!!" Sigaw ko

"Hindi a, swerte ka dahil ako ang nakapulot nito." 

"Ay kabayong may pakpak!!  Teka, cellphone ko! Salamat, akala maglalakad na ko forever dito. T^T"

"Marunong ka pala magpasalamat."

"Ano- Waaaah ikaw yung rapist, na murderer at nag bebenta ng laman loob!! Wag pooo! Bata pa po ako. TT^TT"

"Rapist, Murde- ANO?"

"Hehehe, uwi na ko bye!" 

Tumakbo ako at tumingin sa likod, whew, wala sya. Naglakad na ako hanggang makapunta sa bahay ni manang. Binigay ko sa kanya yung mga binili ko at umakyat sa kwarto. Nag laptop muna ako at chinat si Papa. Matagal tagal din kaming nag usap hanggang sa tinawag ako ni manang para kumain. 

Bumaba ako at nagulat sa nakita ko.

"RAPIST?!?" sigaw ko

"KYAAAH!! Asan yung rapist?" si manang habang hawak na parang sword yung walis.

"HAHAHAHAHAHA" ayan tumatawa yung rapist. -__-

"Anong rapist ka dyan? Si Allen yan, sya yung roomate mo." manang

"ROOMMATE?" me and Allen said in chorus.

"Oo, magkakilala ba kayong dalawa?" manang

"Ay hindi po. Akala ko lang talaga rapist sya e."

"At bakit naman? May ginawa ba si Allen?" Manang 

"HAHAHAHAHAHA. Wala po sa itchura po kasi nya muka syang rapist."

"ANO?"

"Joke lang, ikaw naman." ^___^V

Tapos tiningnan ako ng masama ng Allen na yun. Ang sungit naman nito. Parang ang hirap naman mabuhay dito, wala akong masyadong kakilala, paano sa school bukas? Shemay naman e, loner ako bukas huhu. T^T

Umakyat na ko pagkatapos ko kumain. Nag prepare na ko maligo at pumunta sa CR na nasa dulo ng hall ng room namin. Inopen ko yung door at nakita kong nakaupo sa sulok at umiiyak si Allen. Nakita nya ko at pinatong yung ulo nya sa tunod nya. Ang cute nya tignan. XD 

Pero ang awkward lang. -__- Tiningnan nya ulit ako. 

"Anong ginagawa mo dito?" Allen

"Maliligo sana, pero kung gusto mo sabayan muna kita umiyak--- este, damayan muna kita okay la--" Bigla nya kong hinug. O_o

"Pwede ganito muna tayo, I just need a hug."

Ganun lang kami for I think 10 minutes tapos tumayo sya at umalis. 

"Bakit ba lagi na lang may umiistorbo sakin tuwing magpapakamatay na ko?"

Tapos umalis na sya, I was left there dumbfounded.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Bakit gusto magpakamatay ni Allen? Stay tuned. XD

Thank you po sa readers, meron mo ba? First story, sana po isupport nyo. ^__^V

-AquaaMarine ♥

My Past that Made Me PrettyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon